Kasama ko ngayon sa mall si Jean at Ella. Three days mula ng makauwi kami mula sa trip from Subic. Masasabi kong naenjoy ko talaga iyon. Hindi man halata sa akin, sobra ang pasasalamat ko dahil pinilit ako ng gunggong na si Raymond. Ang daming nangyari sa last day namin sa Subic. Madaming activities pero ang hindi ko pinakamalilimutan, ay ng dalhin ako ni Totoy sa isang parang hidden cave. Tsss. Dami talagang alam nun!"Ava!"
"..."
Dinner sa loob ng cave? A for effort! Hahahaha. Kala mo boyfriend umasta e. Ganoon ba talaga ang mga probinsyano? Ang daming paekek. Ang daming pasorpresa.
"Savanna!" "...."
Nasa kalagitnaan kami ng dinner, humangin ng malakas, namatay ang kandila. Hahahahaha. Ang ending, yung cellphone namin at ang liwanag ng buwan ang naging mga ilaw! Hahahahahaha. Ang sarap alalahanin!
"Savanna Collins!"
"...."
Manghahalik na naman sana siya kasi mura pa rin ako ng mura kaso biglang bumahing! Epic nun. Buti na lang walang laman ang bibig niya kung hindi nilunod ko siya sa may tubig doon sa cave.
"Uy si Sir Raymond o!" dinig kong sigaw ni Jean
"Saan? Nasaan si Totoy?"
Lumingun-lingon ako sa likod ko, sa gilid ko para hanapin si Totoy. Pero nadinig ko ang tawanan ng dalawa kaya tumingin ako sa kanila ng masama. Ang dalawang gaga, nag peace sign.
"Niloloko niyo ba ako?"
"Sorry na. Hahaha"
"Mga baliw talaga kayo no!"
"Pero.. Uyyy. Si Sir lang pala makakapagbalik sa katinuan mo e!"
"Anong..."
"In love na siya!"
"Hindi a!"
Pinagsasabi ng dalawang to? Hindi na ako kumibo kasi bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla pang dumikit sa akin ang dalawang babaeng ito at hinatak ako.
"Kain muna tayo. Later na lang tayo ulit magshop kasi marami-rami kang ikwekwento sa amin!"
"Pshhhh"
"Anong ginawang magic sa iyo ni Sir? Hahaha. You seemed to be happy these past few days"
"Akala niyo lang yun!"
"Dali na!"
"Oo na! Kainis!"
Pagkasabi ko noon ay bigla na lang nila akong hinatak papunta sa food court. Pagkaupong pag kaupos pa lang namin ay agad na nila akong niratrat ng tanong. Wala na akong magawa kung hindi ang sumagot sa kanila. Ang kukulit at ang iingay kasi, nakakahiya sa ibang kumakain.
"Ahhhhh! Seryoso?"
"Kasasabi ko lang diba?"
"Pero epal talaga yang si Kelsey na yan no! Paano kaya siya naging professor?"
"Desperada siya! Sobra. Lakas makipag bitchan sa akin. Kung siya, South Beach lang ako kasi Pacific Ocean. Peste siyang burikat siya!"
"Tengene, kinikilig kami Ava! Para talaga kayong magboyfriend ni Sir! Eeeh"
"Hindi rin"
"Anong hindi? Eeh pastilan de yawa naman! Hinalughog ang bag mo para lang palitan ang maiigsi mong damit" paumpisa na Ella
"Kung pilitin kang kumain ng madami akala mo jowa" dugtong naman ni Jean
"Kung bakuran ka akala mo pagmamay ari ka niya"