Epilogue. You and Me

4.2K 122 61
                                    





"Nay, Tay! Nasaan na po ba kasi si Savanna?" nagpapanik na ako.

Kanina pa ako paikut ikot dito sa harap ng altar. Pinagtatawanan na nga din ako ng ibang guests pati ng mga kapatid ko pero anong magagawa ko, e wala pa siya.

"Momo! Pwede ba huminahon ka. Nahihilo na kami sa iyo e" saway ni Beben.

Nandito silang lahat. Lahat ng mga taong naging malapit sa akin sa Maynila, mga taong naging kasama namin sa lahat ng ups and downs na pinagdaanan namin, nandito ngayon sa Bukidnon kung saan gaganapin ang kasal namin ng pinakamamahal kong babae. Dito sa Monastery of the Transfiguration namin napiling magisang dibdib. Isang lugar na tahimik at taimtim.

"Pwede ba Beben, wag mo akong tawaging Momo. Nakakahiya sa mga bisita!"

"Wag mo din akong tawaging Beben. Nakakahiya din"

Puro tawanan ang mga bisita pero ako, hindi mapakali. Maningil kaya ako ng piso kada tawa nila no? Baka yumaman pa ako! Akala yata nila nasa comedy bar sila hehehe.

Pinagpapawisan na din yata ang singit at kili kili ko. Buti na lang, walang amoy kasi makapit pa naman yun sa barong kung meron man.

"Five minutes na kasi siyang late. B..Baka mamaya, umatras pala siya o kaya naman ayaw na niya talagang magpakasal sa akin o kaya naman..."

"Aray ko naman Nanay!"

Napahawak ako sa ulo ko. Binatukan kasi ako ni Nanay kaya pinagtawanan na naman ako ng mga tao dito sa simbahan.

"Manahimik ka nga Momo. Pati tuloy kami nagpapanik sa iyo e. Mahiya ka nga kay Father! Father pasensya na po OA lang talaga tong anak ko. Dadating si Savanna, papakasalan ka niya kaya pumirme ka diyan."

"Kasi naman Nanay..."

"Isang salita mo pa, papatikimin kita ng mag asawang batok"

"Tatahimik na po"

Huminga ako ng malalim. Bumuntung hininga ako ng paulit ulit. Dadating siya Momo. Magpapakasal kayo. Magiging asawa mo siya tapos maghohoneymoon kaya. Magkakaroon kayo ng anak at ng isang anak pa at ng isa pa. Magkakaroon kayo ng malaking pamilya. Dahil sa iniisip ko, hindi ko mapigilang mapangiti at pamulhan ng mukha.

"Kasal muna nag isipin anak, wag muna pulot gata" nadinig kong sabi ni Tatay

"P..Po? Hindi kaya!"

"Bakit namumula ang mukha mo?"

"Kasi po m..mainit Tay. Hehehe. Tagal ni Savanna e, pinagpapawisan na po ako"

Tinawanan na lang ako ni Tatay. Pero bumalik na naman ang pag aalala ko kasi wala pa siya hanggang ngayon. Papa God, wag mong hayaang indyanin niya ako ha? Binigay ko na nga katawan ko sa kaniya e, dapat niya akong panagutan.

"Nandiyan na ang bride!!!" sigaw ng isang taong nakaabang sa labas.

Nakahinga ako ng maluwag sa nadinig ko. Huminga ako ng malalim bago ngumiting nag aabang sa kaniya.

...............

This is it. This is really is it. Ikakasal na ako sa lalaking nagpabago ng buhay ko. Ilang buwan lang makalipas ang graduation pero heto ako, mag aasawa na. Some people said that I am too young to got tied pero ang sabi ko naman sa kanila...

"Once you found your perfect match, that someone who is really the one for you and willing to spend the rest of his life with you, no matter how young or old you are, you are very willing to settle down and start your forever. Because that's how true love works"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon