Chapter 24. Memory Love Lane

1.6K 74 15
                                    




Ang sarap panoorin talaga ng mahal ko habang natutulog. She looks like an angel. Hindi ko mapigilang mapangiti everytime na tinititigan ko ang mukha niya.

"You really are beautiful" bulong ko sa kaniya

Napalingon ako sa orasan sa side table. It's already 5:00 am. May pasok pa kami mamaya. Maingat kong inalis ang mga braso niya na nakayakap sa bewang ko at dahan dahan akong tumayo. Isinuot ko na ang pantalon at polo ko. Ooops. Wag kayong mag isip ng iba, nakasando at boxers ako pagtulog. Tinitigan ko muna siya sandali. Ang cute niya talaga. Naghihilik pa siya ng mahina.

"Hay babae ko, bakit kahit anong gawin mo ang ganda mo pa din? Labas muna ako ha?"

Dumiretso ako sa kusina niya at nagsimulang magluto ng breakfast. The usual breakfast lang naman. Kumain na din ako pagkatapos. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong kulang pa ang tulog niya. Anong oras na din kasi kaming nakatulog sa dami ba naman ng napagkwentuhan naming dalawa.
Pumasok na ako sa kwarto at kinuha ang cellphone niya. Iseset ko lang ang alarm. Ang alam ko kasi 8 ang pasok niya ngayon. Napangiti ako ng makita ko ang wallpaper niya. Yung picture na kinuha niya kahapon sa auditorium habang nakaakbay ako sa kaniya at nakahalik sa mga noo niya. Nakailang picture pa kaya kami kahapon bago kami tuluyang nakalabas doon. Haaay. Ang kulit niya talaga. Ang ganda niya talaga. Mahal ko talaga siya.

"Babae ko, uuwi muna ako ha? See you mamaya sa University. Mahal na mahal kita"

I kissed her lips before going outside. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Everything is so surreal. Parang super perfect ng lahat about our relationship. Oo masaya pero parang sobrang nakakatakot. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang pakiramdam ko, something is coming to test us.

"Pero handa na ako"

Bigla akong nakaramdam ng kilabot. Parang someone's watching over me. Ilang araw ko na itong nararamdaman na parang may nanonood sa amin ni Savanna. Pero baka sadyang paranoid lang talaga ako. Iniling iling ko ang ulo ko. I doubled check Savanna's door Just to be sure na nakalock. Mahirap na.

"Wala lang yun Raymond. Wala lang"

..............

Babae ko gising na, may pasok ka pa. I love you. Babae ko gising na, may pasok ka pa. I love you. Babae ko gising na, may pasok ka pa. I love you. Babae ko gising na...

Kinapa kapa ko ang cellphone ko para tumigil ang alarm. Pinakialaman na naman pala ng lalaking iyon ang cellphone ko pero imbis na mainis ako, kinilig pa ako. Him and his simple ways na nakakapagpakilig sa akin ng sobra.

"Alas sais na pala"

"Raymond? Raymond?" tawag ko sa kaniya

Hinanap ko siya baka kasi nasa labas lang ng kwarto pero napasimangot ako ng hindi ko siya nakita. Baka umuwi na siya.

"Hindi man lang nagpaalam. Makapagluto na nga lang ng breakfast. Bawal daw hindi kumain sabi ng Totoy e"

Naalala ko pa nung pagalitan niya ako dati. Diba kasi hindi naman ako sanay kumain ng almusal? Daig pa talaga ang Tatay ko. Yang Totoy na iyon talaga. Dumiretso na ako sa kusina para sana magluto pero napatigil ako at napangiti. May nakahanda na kasi sa lamesa. Simple breakfast lang. Lumapit ako doon at naupo. Magsisimula na sana akong kumain ng may mabasa akong note na nakadikit sa lamesa

"Good morning sa pinakamamahal kong babae! Sorry kung hindi na kita ginising ha? Ayos ba yung alarm mo? Boses ko yun! Gwapo ng boses ko diba? Kaya nga lalo kang naf-fall in love sa akin araw araw e. Ubusin mo lahat ng niluto ko sa iyo ha? Bawal magtira! See you sa University mamaya. Mahal na mahal na mahal na mahal ka ng Totoy na nagsulat ng note na ito. Sobra sobra. Muwah- Raymond"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon