Chapter 18. Lalaki at Babae

2K 85 29
                                    





"Savanna? Momo?"

Nanlaki ang mga mata namin pareho.

"Coach/Pinsan?"

Bakit nandito si Coach? Siya ang pinsan ni Raymond? Pero ano daw? Momo? Puta! Momo talaga?

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Hinarap ko si Raymond. Kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya. Nagulat kami kay Coach. Hindi kasi namin akalain na makikita niya kami pero yung Momo kasi talaga e.

"HAHAHAHAHAHA. Pota!" hindi ko na napigil tumawa

"Anong tinatawa mo diyan Savystick?"

"Momo? Hahaha. Ikaw si Momo? Ang cute naman ng petname mo!"

"Anong petname? Hindi ako hayop!"

"Gago mo talaga! Pet name as in palayaw mo. Duh! Hahahahaha"

Namumula na siya lalo. Mula mukha niya hanggang leeg niya, namumula ng sobra.

"Wag ka ngang mang asar!"

"Hindi ako nang aasar. Ang cute cute nga e. Raymond. Momo. Momo Momo Momo mo..."

Ako naman ang nanalaki ang mga mata ngayon dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Ay puta! Kung puro ganito pala ang mangyayari sa tuwing aasarin ko siya, lagi ko na siyang tatawaging Momo. We were about to deepen the kiss ng...

"Ehem!

Napatigil lang kaming dalawa sa aming DESSERT ng madinig naming may tumikhim. Nandito nga pala si Coach. Mabilis kong naitulak si Raymond at tumayo. Sumunod naman din siya sa akin at tumayo sa tabi ko. Palipat lipat ang tingin sa amin ni Coach pero napansin ko siyang napatanga sa akin at namumula. Tumingin din ako sa katawan ko. Ay shet! Naka white shirt lang ako and I don't wear anything underneath.

"Ah ehhh ano..." di malaman ni Coach kung saan niya pa ipapaling ang tingin niya

"Beben! Tumalikod ka! Aishhhhh"

Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Raymond at italikod din kay Coach.

"S..Sorry sorry. Ano.. Hihintayin ko na lang kayo sa sala, we have to talk!"

"Okay. Savanna, tara muna sa kwarto. Beben wag kang sisilip!!!"

"Ah oo sige"

Yakap yakap pa din ako ni Raymond habang naglalakad kami papasok sa kwarto. Nakakahiya. Alam na ni Coach na may ginawa kami ni Raymond pero nakalimutan ko, ako nga pala si Savanna. Pakialam ko naman sa iisipin niya?

Nakaupo ako sa kama habang pinapanood si Raymond maghalungkat sa cabinet niya. Kumuha siya ng tshirt at naisuot iyon.

"I preferred you with no shirt plus your messy hair. Hot Raymond pandesal sa umaga. Yummy!"

"Savanna!"

"Wag ka mamula. Mukha ka naman talagang masarap. Hahahaha"

"Stop it." namumula na naman ang mukha niya

Iniabot din niya sa akin ang isang bathrobe.

"Aanhin ko naman yan?"

"Baka kakainin mo din? Malamang isusuot mo po!"

"Aba! Kailan ka pa natutong mamilosopo?!"

"Sorry na, obvious naman kasi e. Isuot mo na"

"Kinakabahan ka?" tanong ko sa kaniya.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon