Nandito kami sa mall ni Savanna. Kanina pa siya abot ng abot ng mga damit, sapatos at kung anu-ano pa sa akin. Hindi para sa kaniya kung hindi para sa akin. Wala pa man din akong sweldo, paano ko mababayaran ang lahat ng ito? Bakit nga ba ulit ako nandito? Sunday naman. Walang pasok pero paano niya ako napapunta dito?"Puta ka talaga Raymond!" sigaw kaagad sa akin ni Savanna
Grabe naman. Kauupo ko lang mura kaagad ang sinabi niya. Ilang mura ba ang ikikiskis niya sa balat ko sa duration ng friendship namin? Tsaka bakit pag magkasama kami, kawawa na ako? Minsan pakiramdam ko siya pa ang professor sa aming dalawa kung pagalitan niya ako. Ako ang lalaki a! Dapat ako ang katakutan niya.
"Mura na naman!"
"Sino ba kasing hindi mapapamura sa kalokohan mo! The fuck Raymond! It's Sunday tapos nandito tayo sa school?"
"Kasi nga ito lang ang free day para magpaudition"
"Pero Sunday talaga? Di mo ba alam na araw ito ng tulog ko? E ikaw Angelo, hindi ka ba magsisimba at makikipag-usap sa Diyos para mas lalo kang bumait?"
Yung sarcasm na naman niya
"Mamaya na!"
Napasimangot na lang din ako. Kanina pa kasi siya reklamo ng reklamo. Na sinira ko daw ang masarap niyang tulog! Na gusto daw niya akong ipakain sa pating o kaya naman ay itulak sa rooftop nitong school.
"Fuckshit ka naman kasi e! I told you wala ng pag asa para dito sa lecheng Debate Club! May mga nag auditions nga, mga palpak naman!"
"Meron pa yan. Tiwala lang. Puro lalaki naman kasi nag aaudition. Mas magagaling pa naman sa argumento ang mga babae"
Tinignan niya ako ng masama. Kaya kaagad ko naman siyang inakbayan at kinabig palapit sa akin. Siniko naman niya ang tagiliran ko.
"Makaakbay ka a!"
"Ganyan talaga pag tropa tropa chill chill lang!"
"Saan mo naman natutunan yan? Hahaha"
"Uyyy tumawa siya!"
Balik bipolar na naman tuloy siya. Nakapoker face. Simula ngayon, pag nakangiti siya o tumatawa, wag ng pansinin para hindi niya alisin. Okay gets ko na!
"Shut up!"
"Si Jean at Ella ayaw mong isali dito?"
"Kahit pilitin ko man sila, may kani-kaniya na silang club! Kasi naman e, let's just end this stupidity and go home instead!"
Ilang oras na kami nandito pero matumal ang auditions. Bakit ba walang babaeng gustong sumali sa Debate Club? Sayang naman ang opportunity! Kahit maka lima lang hanggang sampung member to tatakbo na!
"That's it!"
Tumayo na si Savanna at nagmarcha palabas ng auditorium. Syempre, sinundan ko siya.
"Hey, saan ka pupunta? Lagi ka na lang nagwawalk out!"
"Kahit saan, malayo sa iyo!"
"Ano na namang kasalanan ko?"
"Wala. Gusto ko lang lumayo sa iyo. May angal ka?"
Lakad lang siya ng lakad kaya naman sunud lang ako ng sunod.
"Balik na kasi tayo doon!"
"Wala na ngang pupunta okay? Pag aaksayahan ba nila ng oras ang pagpunta dito kabuong Linggo?"