Chapter 22. Tabing Ilog

1.6K 87 21
                                        



Ang bilis talaga ng araw. Malapit ng mag second semester! My previous sembreak was the best sem break I've experienced. Lahat ng nangyari sa Bukidnon, hinding hindi ko malilimutan. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam pag gusto ka ng lahat ng tao doon, minus Hazel ofcourse. Everytime na naaalala ko ang visit namin ni Totoy sa pamilya niya, hindi ko mapigilang ngumiti. All the things that we did there alone or with his family, it's worthy to be kept here in my heart

Napaaga ng tatlong araw ang uiwi namin. We almost forgot na enrolment na kaya sa ayaw at gusto namin, kailangan naming umuwi.

"Wala na ito. Nabaliw na"

"Nagagawa nga naman ng pag-ibig"

"Tama! Hahaha. Hoy Ava!"

"Hmmm"

"Baka gusto mong tumayo diyan? Tama na ang daydreaming kasi kanina pa kami tapos mag enrol"

"Ha?"

"Hakdog! Ay ewan sa iyo Ava. Ganyan ka pala mainlove, muntanga! Hahaha"

"Grabe kayo!"

Hinatak na nila ako patayo at kinaladkad papunta sa parking. Magmall daw muna kami dahil madami daw akong kailangang ikwento sa kanila

"Okay spill. Kwento na bilis!"

Napatawa ako sa kanila. Tutuk na tutok sila sa akin. Halatang naghihintay sila ng kwento

"Ayoko nga. Gusto kong sarilinin ang kilig ko"

"Wag kang madamot Ava! Ang daya mo nga e. Hindi mo kami sinama sa bakasyon niyo tapos hindi ka pa masyadong nagpaparamdam" sabi sa akin ni Ella pagkatapos akong hampasin

"Aray! Bakit may kasama pang hampas? Magkwekwento na nga e!"

Nagsimula na akong magkwento. Kung paano ako napadpad doon. Itong dalawang baliw naman, kung hindi tumitili, kinukurot ako. Halos lahat na yata ng ginawa namin naikwento ko na.

"Oh my God oh my God! Hahahaha"

"Pota Ava, kinikilig ako ng malala! Grabe naman si Sir! Sana all diba?!"

"Ako din. Sobra" hindi ko mapigilang sabihin

"Mahal ka ng pamilya niya"

"Oo"

"Anong pakiramdam na maharana?"

"Ewan ko. Basta kinikilig ako"

"Pero eeeeeee. Yung surprise birthday party niya sa iyo!"

Napahawak ako sa kwintas na ibinigay niya sa akin. Namumula pa din ako sa tuwing naalala ko ang lahat ng sorpresa niya. Hindi ko akalaing gagawin niya lahat sa akin iyon

"Patingin ng kwintas! Ikaw na talaga Ava! Abot hanggang Venus ang haba ng buhok mo. Ganda mo e. Sarap pakain sa mga Martians"

"Sira ka Jean!"

"Sabi ko nga, si Sir lang pala pwedeng kumain sa iyo! Hahaha"

"Shut up!"

Hinatak nila ang leeg ko para mapalapit ako sa kanila. Ay mga gagang ito! Gusto pa yata akong patayin! Hahaha. Pero bakit imbes na magalit ako natatawa pa ako? Did I really changed?

"Ang sweeeeeeeeeeet!" sabay nilang sabi

"Sobra girls. Hindi ko inaka lang ganyan siya kasweet. Sobrang swerte ko sa kaniya."

"We are happy for you Ava"

Hinawakan nila ang kamay ko. They are happy for me. Salamat sa kanila. Kung hindi naman kasi dahil sa kanila, hanggang ngayon, tatakbuhan ko pa din si Raymond at hindi ko ieentertain ang nararamdaman niya at nararamdaman ko diba?

You and MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon