Chapter 5. Friends?

2.6K 92 17
                                    




Nakapangalumbaba ako sa may desk ko. Wala akong klase sa oras na ito. Nakakainis kasi, ayaw akong pansinin ni Savanna. Sinusungitan pa ako! Paano ko kaya aamuin iyon? Ang hirap pa naman pag may kaaway ka. Pakiramdam ko kasi napakasama kong tao tapos yung bawat kulot sa utak ko, umuunat. Hindi pa ako mapakali pag hindi ako pinapansin. Puro irap lang at masasamang tingin ang binibigay sa akin ni Savanna.

"Lord, ano pong kasalanan ko? Hindi ko naman po siya inaway diba? Masama na po bang magbigay ng advice? Gusto ko lang naman siyang makilala pa at maging kaibigan. Tulungan niyo po ako ha?"

Savannaaaaaaaaaaa! Bati na tayo please? Sabi kasi ni Nanay at Tatay bawal awayin ang babae. Hoy! Wag kayong mag isip ng kung ano sa akin ha! Kasi naman, gusto ko lang siyang mapasaya. Pakiramdam ko kasi, napakalungkot niya. Ayokong nalulungkot ang mga tao sa paligid ko lalo na at estudyante ko siya. Gusto ko, lahat sila masaya.

Sabi nga nung batang matabang walang leeg at maliit na napanood ko sa tv, bawal ang sad dapat laging happy. Kaya papasayahin ko siya. Hindi ko alam sa sarili, pagkatapos ko siyang tulungan nung gabing alam niyo na, parang tumatak na siya sa buhay ko. Isama mo pa ang sinabi ni Dean na bantayan ko siya. Gusto kong malaman kung ano ang gumugulo sa kaniya.

"Tapos, pakiramdam ko pa, crush ko siya. Ang ganda niya kasi. Crush lang naman. Diba ang crush paghanga? Crush ko siya kasi maganda siya at matalino. May laman ang kokote niya promise! At nararamdaman kong mabait siyang bata"

"Bata pa ba yung matatawag e ang galing niyang humalik?" mahina ko pang sabi

Hay naku Raymond! Tahimik! Masama yang naisip mo.

"E kasi siya unang humalik sa akin ng ganun! F..French kiss yun diba? Yung ano! Ay basta!"

Hala! Nagiging manyak na ba ako? Huhuhu. Sorry po Papa Jesus. Susubukan ko na pong hindi alalahanin. Ayoko pong maging makasalanan. Help me please, ilayo mo ako sa makamundong pagnanasa. Ilayo mo po ako sa tukso.

Raymond, ipaalala mo ng ilang ulit na professor ka! Keep everything professional. Ang gusto mo lang, tulungan siyang gibain ang pader na binuo niya sa paligid niya okay?

"Pero kasi nga, gusto ko siyang maging kaibigan! Oo kaibigan!"

"Haaaaay" buntung  hininga ko

"Lalim a, nakakalunod!" sigaw ni Chad bigla pa akong siniko.

"Ay Savanna!" sigaw ko din

Nasa tabi ko pala siya. Oblivious na ako sa paligid ko kaya hindi ko naramdamdaman na nasa tabi ko siya. Si Savanna kasi e. Napatakip ako sa bibig ko. Lahat kasi sila napatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy namumula ang pisngi ko. Nagsilapitan naman silang lahat. Itong si Kelsey, bigla pang dumilim ang mukha at tinignan ako ng masama.

"Uy, Savanna ka pala dude!" pang aasar ni Jason

"H..hindi a!"

"Sus! Sinigaw mo nga e!"

"M..May iniisip lang ako"

"Si Savanna? Teka sino ba yan? Si Savanna na estudyante mo o ibang Savanna? Si Savanna yan no?" tanong ni Patty

"H..ha.. Ahh e..."

"Huli ka! Hahahaha. Mukhang hindi ka nakaligtas sa kamandag niya a" pang aasar ni Alex

Napasimangot na lang ako at napanguso. Sinubsob ko pa ang mukha ko sa lamesa ko. Ang kukulit kasi nila e!

"E kasi nga! Paano ba yun papaamuin?"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon