Chapter 15. Mahal Kita Pero

1.5K 73 18
                                    



I've been sitting here on our table. Kanina pa ako bored na bored. Gusto ko ng umuwi sa totoo lang. Bakit ba kasi pumunta pa ako dito ngayon? Lalo  na at nakikita ko pa from here kung papaano makalingkis yung Kelsey na yun kay Raymond!

"Savanna, are you okay?" tanong ni Hector

"Huh?"

"Kanina pa kasi kita tinatanong pero hindi ka sumasagot"

"Ahhh sorry, ano ulit yun?"

"I asked you if you wanted to eat already. Gusto mo ikuha na kita sa buffet?"

Kanina pa pala ako nag space out. Kainis! Kasalanan ito ni Raymond e. Bakit ba ayaw niyang pigilan ang ginagawang panglalandi sa kaniya niyang si Kelsey sa kaniya? Halata namang pilit ang ngiti niya! Pero kasalanan ko din naman yata?

"Huh.. Ahh. Yes, sige kung okay lang"

"Okay. I'll be right back"

Nababadtrip ako! I love partying pero bakit hindi ko maenjoy itong punyaterang sem ender party na ito? Nandito halos lahat ng student and faculty members. The music is so loud. Ramdam mo ang party pero hindi ko talaga maenjoy.

"Bakit kasi magkasama sila?"

Naiinis ako. Nagagalit. Hindi ko alam. Nahihiya ako kay Hector. He is my date pero hindi ko siya pinapansin. Na kay Raymond kasi ang atensyon ko. He's been so distant to me. Kasalanan ko din naman yata? Kasalanan nitong nararamdaman kong ayokong maramdaman.

Ilang araw na akong umiiwas sa kaniya. Oo, totoo yun. Pag malapit kasi siya sa akin, nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Baka tama nga sila Jean, I'm getting there pero natatakot ako. Bawal. Hindi pwede. It's been months simula nung mapalapit ako sa kaniya and I know sa sarili ko na it's getting deeper. Merong nabubuo sa loob ko at ayoko iyong iwelcome.

I still can remember noong mga araw na hahabulin niya ako pero umiiwas lang ako.

"Savanna!" sigaw niya

Dire-diretso lang akong naglalakad. Naririnig ko siya pero hindi ko nililingon.

"Savanna!"

"Savanna naman!"

Tumatakbo na siya kaya nagmamadali akong naglakad. Malapit na sana ako sa may parking lot ng maabutan niya ako at mahawakan ang mga braso ko.

"R..Raymond.. ikaw pala"

"Kanina pa kita tinatawag"

"Ano kasi..."

"Savanna, may kasalanan ba ako sa iyo? Bakit mo ako iniiwasan?"

"Ano po Sir.. Hindi po.. M..Medyo busy lang ako"

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ayoko namang gawin ito pero pakiramdam ko kailangan. Ayoko kasing mahulog ulit. Everything that falls breaks. Yan na ang pinaniniwalaan ako. Kaya pag pinatagal ko pa ito, alam ko na doon ako pupunta. I'm on the verge of falling, nararamdaman ko.

"Iniiwasan mo ako. You are not answering my texts and calls. Tuwing pumupunta ako sa inyo, wala ka. Hindi mo din ako pinapansin. May kasalanan ba ako sa iyo?"

"W..Wala po Sir. Ano, busy lang talaga ako promise"

"Para kasing may mali. Savanna kung may nagawa man ako, sana mapatawad mo ako. Ayoko lang kasi ng pakiramdam na nagiging cold ka sa akin"

"Hindi po talaga. Promise"

Ngumiti siya pero hindi abot sa mga mata niya. Am I really hurting him?

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon