Chapter 14. Falling

1.7K 90 16
                                    





Wala namang masyadong nangyari sa mga nakalipas na araw sa buhay ko. Medyo tahimik maliban sa ilang bulungan na hindi mawala-wala at sa pagiging makulit ni Totoy. Kanina pa ako nakadating sa school. Everyone's looking at me. Hindi na sila nasanay. I'm like this for the past days already.

"What happened to Savanna?"

"Oo nga. Parang may kakaiba sa kaniya"

"Nakatago legs niya ngayon. Bagong buhay?"

"Yes. Look at her, nakapants. This is new"

"She still looks the same. Mukha pa din siyang malandi"

Whatever. Lahat na lang sila may masasabi sa iyo. Magbuyangyang ka ng katawan, may sasabihin sila. Magdamit ka ng matino, may sasabihin pa din sila. Bakit ba kasi ang hilig nilang tumingin at makialam? Wala ba talaga silang sariling buhay at ibang mapagkakaabalahan? Sobrang laki siguro ng importance ko sa buhay nila.

I looked at myself from head to toe. Nakasando ako, mainit kasi. I wore pants and a flat shoes. What's wrong with these?

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuluy-tuloy ako papasok sa room namin. All eyes on me on the center of the ring. Chos. Napakanta tuloy ako. Lahat sila sa akin pa din ang tingin e. Biglang lapit na naman ang dalawa kong kaibigan sa akin.

"Ava!" sigaw ni Jean

"Ohhh?"

"May lagnat ka ba?"

Hinipo ni Ella ang noo at leeg ko.

"Bakit ba kasi? Ang weird niyo"

"Kami ang weird o ikaw? Wala ka namang sakit. Anyare sa iyo?"

"Ano ba ang pinagsasabi niyo?"

Inirapan ko lang sila at inilabas ang notes ko. May quiz kasi kami mamaya, magrereview pa ako. Kagabi pa ako actually nagrereview. May bantay ako e. Alam niyo na kung sino. Yung taong yun, basta basta na lang pumupunta sa bahay ng may bahay. Oo. Tama. Ang sarap sarap ng upo ko sa sala. Nanonood ako ng movie ng may biglang nagdoorbell.

"Sino ba naman itong istorbo?"

Tumayo ako sa couch at dumiretso sa pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ko...

"Hi Savystick! Tara na sa loob?"

"Ha?"

"Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na. Bored kasi ako. Wala akong kasama sa bahay. Yung pinsan ko hindi pa umuuwi"

Hinatak niya ako papasok sa loob at kita mo ang gago, prenteng prente na nakaupo habang naghahanap ng pelikula sa DVD rack ko. Simula ng nangyari doon sa secret place ko, ganiyan na yang kakulit! Aishhhh. Ako naman si gaga, hindi makuhang magalit sa kaniya.

"Hoy teka! Anong ginagawa mo?"

"Naghahanap ng pelikula. Ang pangit naman ng pinapanood mo e. Puro barilan!"

"Sawa ka na ba sa buhay mo? Bakit bigla bigla ka na lang pumupunta dito! Feel at home ka a"

"Surprise visit kaibigan! Hahaha. Tara na dito bilis, nood na tayo!"

"Hindi! Umuwi ka na. Mag..mag aaral ako. Tama! May exam pala ako bukas. Uwi na!"

Ng marinig niya ang sinabi ko ay tumayo siya. Buti naman at aalis na siya. Pero kumunot ang noo ko ng bigla siyang pumunta doon sa may isang kwarto. Alam niyang study room yun. Hinabol ko siya

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon