"I hate you! I hate you so much! Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko habang tuluy tuloy na inaalis ang lahat ng pictures na nakadikit sa Memory Love Lane na ito."Damn this life! Bakit kailangan mo pang dumating kung aalis ka lang din naman pala!"
"Puta! Why did I even let myself love you! I hate you Raymond. I really hate you!"
Patuloy ako sa pagtanggal ng mga pictures. Inihahagis ko din ang lahat ng bagay na maabot ko. I hate my life! I hate everything. Itong bahay na ito, bakit ba kasi sa lahat ng sulok may memories siya?
"Ahhhhhh! Ayoko na! Pagud na pagod na akong masaktan!"
Napasandal na lang ako sa pader. I enveloped my knees, hid my face and cried as loud as I can. Sobrang sakit dito sa dibdib ko. Bakit ba lagi na lang akong iniiwan? Bakit ba lagi na lang akong sinasaktan? Wala na ba talaga akong karapatang mahalin at maging masaya?
"Sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo hindi mo ako sasaktan pero sinungaling ka Raymond. Katulad ka din nila."
"Sana talaga hindi na lang kita nakilala"
"Ayos naman kasi ako dati e, nung wala ka pero bakit ba kasi dumating ka pa? Bakit pinapasok pa kita sa buhay ko?"
Pinulot ko ang isang picture na tinanggal ko sa pader. Our picture from Bukidnon. I smiled bitterly, mukha kasi kaming masaya doon.
"If I could just turn back time and freeze it here, in this exact moment gagawin ko kasi dito ko naranasan maging totoong masaya e."
"I thought kasama kitang lalaban. Pinasaya mo nga ako pero ikaw din naman pala kaagad ang babawi ng kasiyahan ko. Ang mas malala pa, doble yung bawi mo o. Para mo na ding sinaksak ang puso ko. Balik na naman ako sa dati. Para mo na kasing pinatay yung Savanna na binuhay mo noon"
"I love you. I love you so much that it hurts"
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Huminga ako ng ilang beses bago ako tumayo kahit nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Stop Savanna. Stop. Hindi ka iyakin. Hindi ka mahina. You are a bitch. You are strong. Malilimutan mo din siya. Hindi mo siya kailangan sa buhay mo. Nabuhay ka sa loob ng 21 years na wala siya kaya kahit umalis man siya, mabubuhay ka pa din. Isang taon lang kayong nagsama, mawawala din yang pesteng pagmamahal mo sa kaniya. Malilimutan mo din siya"
"Put yourself together. Just forget that asshole"
Paulit ulit ko yang sinasabi pero bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko? Yes, nabuhay ako ng wala siya pero hindi ko na alam kung kaya kong mabuhay dahil umalis siya. Siya na nag-iwan ng malaking parte sa buhay ko.
"Shit! I need some drinks"
Dumiretso ako sa bar counter dito sa pad ko. Nailabas ko ang lahat ng alak na makikita ko. Baso pa? Wag na! I am drinking straight from the bottle. Para na siguro akong tanga na umiiyak habang tumatawa. Nakakaawa talaga ako. Ako na yata ang pinakamalas na babae sa buong mundo. Walang gustong magmahal.
"Ito na ang huling gabi na iiyak ako dahil sa iyo."
Naubos ko na yata ang alak na nailabas ko pero parang kulang pa din. I need some more! Gusto ko pang magpakalasing. Fuck my messy life. Kailangan ko ng party! Kailangan kong maka langhap ng usok ng sigarilyo. Tumayo ako and looked around me, sobrang gulo. Mamaya na ako mag aayos ng pad ko. Sarili ko muna ang aayusin ko.
Dumiretso ako sa closet ko. Napangisi na lang ako ng makita ang mga damit niya na nandito pa din, bukas ko na lang iyon aalisin, gusto ko munang magpakasaya ngayon. I picked up my most daring and sexiest dress na nakatabi sa closet ko. Naligo muna ako ang put makeup on my face afterwards. Kinulot ko din ang buhok ko and wore my dress. This is me. Ibabalik ko na. Welcome me back.
![](https://img.wattpad.com/cover/191589808-288-k699049.jpg)