"Opo Nay nandito na po ako sa Maynila""Mabuti naman anak. Tatawag ka lagi ha?"
"Opo Nay. Wag kayong mag alala. Magpapadala din po ako diyan tuwing katapusan"
"Anak, diba sabi ko naman sa iyo ipunin mo lahat ng kikitain mo? Ayos lang kami dito wag kang mag alala"
"Pero po Nay, magpapadala pa din ako kahit kaunti lang"
"Bahala ka nga diyan bata ka. Basta lagi kang mag iingat ha? Bumisita ka din pag may oras ka"
"Opo Nay. Kamusta niyo na lang ako kay Tatay at sa apat kong cute na mga kapatid"
"O siya sige. Magpahinga ka kaagad pag nakadating ka na sa bahay na tutuluyan mo ha"
"Opo Nay. Bye po. I love you Nay"
"I love you Nak"
Mamimiss ko ang pamilya ko. Ngayon lang ang unang beses na mapapalayo ako sa kanila. Pero ayos na din ito. Baka kasi ito na ang simula ng pag-ahon namin. Ayoko naman kasing habang buhay na magsaka at mangisda si Tatay. Tumatanda na sila ni Nanay. Dapat sa kanila nagpapahinga na. Ang mga kapatid ko naman, dalawa nasa elementarya pa at yung dalawa nasa kolehiyo na. Nangako sila na pag nakatapos, tulung-tulong kami para kumita.
Nasa Maynila na nga ako. Langhap ko na ang polusyon pati ang mainit na hangin. Nandito ako sa airport. Susunduin ako ng pinsan ko. Doon din siya pumapasok sa papasukan ko. Siya nga ang naglakad ng mga papeles ko.
"Momo! Momo!"
Napalingon ako sa sumisigaw. Pinsan ko na pala yun! Nakakahiya Momo pa din ang tawag niya sa akin.
"Dito Beben!"
Lumakad naman siya palapit sa akin. Kinuha niya ang iba kong gamit.
"Welcome to Manila cous. And wag mo na akong tawaging Beben, Steven please. Pag nadinig ka ng mga girls ko niyan baka pagtawanan lang niya ako"
"Loko ka pinsan. Wag mo na din akong tawaging Momo! Hahahaha"
"Fine Raymond. Ayos pinsan a. Laki ng inevolve mo a. Hindi ka na kasing payat ng mga kawayan! Hahahaha"
"Grabe ka naman sa akin. Ikaw pinsan ang laki ang inimprove. Mukha ka ng mayaman"
"Sira ka! Tara na nga sa bahay"
Pumunta na kami sa lugar kung saan nakapark ang sasakyan niya. Wow. Ilang taon pa lang siya dito sa Maynila nakapagpundar na siya nito. 5 o 6? Mas matanda siya sa akin ng pitong taon pero ayaw niyang magpatawag na kuya. Mukha lang naman daw kasi kaming mag kaedad. Okay sige.
"Ang gara naman ng kotse mo pinsan. Bigtime ka na talaga!"
"Hindi naman masyado pinsan. Sadyang malaki lang talaga magpasahod doon sa pinapasukan ko. Kaya I assure you, in 3 years time makakapagpundar ka na ng bahay at sasakyan"
"Ayos yan! Pero Steven salamat talaga at papatuluyin mo ako sa bahay mo ha? Wag kang mag alala, pag sumahod na ako hahanap kaagad ako ng malilipatan"
Binatukan niya ako habang nagmamaneho. Tatawa tawa pa to.
"Para kang sira pinsan! Pwede ka naman doon sa bahay ko. Ako lang naman mag isa doon. Minsan pa nga matagal ako bago umuwi kasi kung saan saan pinapadala ang team ko"
"Salamat coach! Hahaha"
"Tsaka para ka namang iba! Hahahaha"
"Salamat talaga"