Chapter 26. Culprit

1.5K 84 40
                                    



Maaga pa lang, nasa University na ako. Madilim pa nga e. Kailangan ko ito para walang makakita sa akin. Mabuti na lang magaling ako, matalino at madiskarte. Kinuha ko ang susi ng gate ng University at ipinaduplicate iyon. Lahat gagawin ko para maging matagumpay sa plano kong ito. Lahat gagawin ko para mapaghiwalay lang sila. Ilang taon ko na siyang mahal. Simula pa noon kaya tuwang tuwa ako ng maghiwlay sila ni Rigel kaya hindi ako papayag na isang propesor lamang ang makakaagaw kay Savanna.

I've been in love with her since the first time that I laid my eyes on her. First year pa lang ako noon. Third year na siya. Sobrang ganda niya. She's so innocent looking. Yung mga mata niyang nagtwinkle at mga ngiti niyang nakakatunaw ng puso. Sobrang ganda niya at sobrang bait pa.

"Bakit ba kasi! Akin na yang gamit ko!" sigaw ko sa mga lalaking nakapaligid sa akin

"Bakit nerd? Papalag ka na!"

"H..hindi... K..kasi malalate na ako!"

"Aba't..."

Susuntukin na niya sana ako, nakapikit na ang mga mata ko at hinihintay ang sakit na dadapo sa panga ko ng makadinig kami ng boses.

"Sige subukan niyo kung gusto niyong makarating ito sa Dean at masuspend kayo ng ilang linggo o baka naman sa OOTP para maexpel kayo?"

Yun lang ang sinabi niya pero tumigil na ang mga nambubully sa akin. Hanggang college ba naman may mga bully pa din? Dahil nerd ako? Dahil nakasalamin ako? Dahil nakabrace ako at payat ako? Pagkaalis na pagkaalis nila ay humarap ako sa magandang babae.

"Salamat po! Thank you talaga!" sabi ko pa habang patuloy na bow ng bow

"Walang anuman yun. Basta pag ginugulo ka ng mga estudyante dito, wag kang matakot magsumbong sa Dean. Mga takot din yang mga yan e"

"O..Oo salamat po"

"Huwag mo na akong i-po. Savanna na lang"

"Ay sige salamat Savanna ako nga pala si...."

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa kaniya.

"Savanna tara na!"

"Okay!!!"

Humarap ulit siya sa akin at ngumiti

"Paano aalis na ako. Ingat ka ha! Welcome pala sa Bridgehill, mukhang bago ka lang kasi dito. Bye!"
Tumalikod na siya sa akin at tumakbo. Ang ganda niya. Ito na ba ang tinatawag na love at first sight?

Simula ng makilala ko siya, mas lalo akong sumipag pagpasok. Lagi ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta. Alam ko na kung saan siya nakatira. Alam ko na din ang pangalan ng mga magulang niya. Kung ilang taon na siya. Ang birthday niya. Kung sino ang mga kaibigan niya at kung san siya lagi pumupunta.

Lahat ng gawin niya nakamasid ako. Lagi ko siyang sinusundan, lagi akong nanonood hanggang sa hindi ko namalayan, naging obsessed na ako sa kaniya. Yun bang tipong hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ko siya nakikita. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko siya nakita, mababaliw na ako. Lagi ko din siyang kinukuhanan ng litrato kapag hindi siya nakatingin. Puno na nga yata ng mukha niya ang kwarto ko.

"Hector tara na! Tama na ang titig ka Savanna, matunaw yan!"

"Ha?"

Nandito kami ngayon sa may field, lagi kasing dumadaan si Savanna dito. Kasama ko ang kaklase ko.

"Tara na, may klase pa tayo. Kung ako kasi sa iyo, liligawan ko na iyan e"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon