Maaga akong nagising. Mas maaga sa karaniwang gising ko talaga. Hindi ko alam. Bigla na lang akong naalimpungatan. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses kong iniling ang ulo ko Just to remove negative thoughts. Dahil na din siguro sa ginawa ko ay nagising si Savanna."Lalaki ko, anong oras na?"
"Five o'clock pa lang babae ko"
"Ang aga pa"
"Sorry naalimpungatan ako. Tulog pa tayo?"
"Opo. Gising na lang tayo ng 6 ha?"
"Sige. Tulog ka na ulit babae"
Sinuklay suklay ko ang buhok niya para makatulog siya kaagad. Ng maramdaman kong pantay na ang paghinga niya ay niyakap ko lang siya ng mas mahigpit. Nakatingala lang ako sa kisame, thinking.
"No Raymond, paranoid ka lang talaga."
Bumangon ako to drink water. Mukhang hindi na din ako makakatulog nito kaya magluluto na lang ako ng breakfast namin ni Savanna. Itatapon ko na sana ang mga pinagbalatan ng mga niluto ko ng mapuna ko ang mga crumpled papers doon. Parang nakapagtapon na naman kasi ako ng basura kaya nagtataka ako kung bakit may natira pa din.
"Ano ka naman?"
Binuklat ko ang mga papel at binasa ang mga nakasulat doon. Pare-pareho.
I am watching you
Saan galing ang mga ito? Bakit hindi ko alam na may nagpapadala ng mga ganitong sulat? Itatanong ko na lang kay Savanna pagkagising niya. Mas lalo tuloy tumindi ang kaba sa dibdib ko. Paano kung tama akong may hindi magandang mangyayari ngayong araw?
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagluluto. Kailangan positive ang simula ng araw namin. Napatigil ako sa pagluluto ng maramdaman kong may nakayakap sa akin.
"Good morning lalaki"
"You're up. Good morning too. You sit down, maluluto na ito"
"Good morning kiss ko po nasaan na?"
Napangiti ako kay Savanna. See how sweet my girl is? Humarap ako sa kaniya and gave her one long sweet kiss.
"Sarap" sabi pa niya bago maupo.
Kumakain lang kami ng tahimik ng maalala ko ang note na nakita ko.
"Babae?"
"Yes?"
"Nakita ko kasi itong mga ito sa basurahan"
Iniabot ko sa kaniya ang mga notes. Tinitigan niya ang mga iyon. Napakagat siya ng labi bago humarap ulit sa akin.
"Huwag mo ng pansinin yang mga yan lalaki. Baka naman prank lang yan"
"Kailan pa ba itong mga notes na ito?"
"It all started nung lumipat ka dito. Pero baka nga kasi prank lang kaya huwag mo ng pansinin"
Mas lalo akong kinabahan. Kung prank nga ito bakit ang daming notes? Bakit hindi tumitigil ang nagpapadala?
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganito Savanna?"
"G..Galit ka ba?"
"Hindi ako galit. Ang akin lang, dapat sinabi mo ito matagal na. Paano kung hindi lang prank yan? What if it's serious?"
Iba talaga ang pakiramdam ko sa notes na yan. Idagdag mo pa ang kaba sa dibdib ko at minsang pagiging paranoid ko na may nag mamanman sa amin. Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Savanna sa kandungan ko habang nakayakap sa mga leeg ko.
