Chapter 6. Debate Club

2.6K 85 19
                                    


Pasipul-sipol ako habang naglalakad papasok sa faculty. Sobrang saya ko lang kasi simula noong isang araw. Parang dahil sa pag uusap namin ni Savanna sa may soccer field, parang isang step na yun para mapalapit ako sa kaniya.

"Ngayon alam ko na ang isang dinadala mo. Unang step pa lang ito. Alam kong pagdating ng panahon, yung panahong tuluyan mo na akong pinapasok sa buhay mo at pinagkatiwalaan mo sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, ako ang unang taong tatakbo at yayakap sa iyo"

Hindi ko siya nakita kahapon dahil wala akong kalse sa kaniya. Pinipilit ko pa nga siyang ihatid sa tinutuluyan niya noong Lunes kasi tapos na ang klase niya.

Pareho lang kaming tahimik. Ramdam ko na ang banayad na paghinga ni Savanna. Mukhang hindi na siya umiiyak pero patuloy pa din ako sa pagsuklay ng buhok niya. Napangiti na lang ako kanina ng nagthank you siya. Mahina lang yun pero dinig na dinig ko.

Kung hindi pa kami nakadinig ng bulungan ng mga estudyanteng dumadaan ay hindi pa lalayo si Savanna sa akin at tatayo.

"S..Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya

"Sa impyeno sasama ka?"

"Paano ka mapupunta doon?"

"Gusto mo ipakita ko sa iyo? Tara!"

"A..Ayoko, nakareserve na daw ako ng slot sa langit sabi ni San Pedro. Gusto mo sumama?"

"Ako sa langit? Tsss. At isasama mo talaga ako?"

"Oo. Gusto mo dalhin din kita sa langit?"

Napangisi siya ng madinig niya ang sinabi ko. May nakakatawa ba doon?

"Talaga? Kaya mo akong dalhin sa langit? Siguraduhin mo lang na titirik ang mata ko habang bumabyahe tayo papuntang langit"

"A..Ano ba yang sinasabi mo Savanna? Ang labo mo naman e"

"Ay nalimutan ko, Totoy ka nga pala. Hindi ka pa mulat sa kamunduhan. O siya, aalis na ako"

"Pasaan?"

"Uuwi na. Wala na akong klase"

"Gusto mo ihatid na kita?"

Tumayo na din ako at nagpagpag ng pants ko. Gusto ko pa siyang makausap kaya gusto ko siyang ihatid.

"Hindi na"

"Marunong na akong magdrive"

"May kotse ako. Wag na lang Raymond"

"Pero..."

"May klase ka pa diba? Sige na! Bye Raymond. S..Salamat ulit"

Naglakad na siya papalayo. Napangiti na din ako. Alam kong nahihirapan siyang magpasalamat. Yung tipo niya kasi ang babaeng hindi marunong magsorry at magpasalamat. Lahat ng gusto niya, yun dapat. Everything should be according to her satisfactions. Bago pa siya makalayo ay tinawag ko na siya

"Savanna!"

Hindi siya lumingon pero tumigil siya

"Magkaibigan na tayo ha?"

Hindi siya sumagot pero tinaas lang niya ang kamay niya. Anong ibig sabihin noon? Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa faculty. Tama siya, may klase pa ako. Muntik ko na iyong malimutan. Si Savanna kasi e.

Nakaupo na ako sa desk ko. May klase ako ngayon ng Philo sa 4-B. Makikita ko na naman ang masungit kong kaibigan. Oo na, kineclaim ko na na kaibigan ko siya.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon