"Ito pa Raymond o kainin mo. Masarap mga sugpo dito" malanding sabi pa nitong Kelsey Rivera na ito. Tsk
"Para kang sugpo, kain katawan tapon ulo. Tsk" bulong ko.
Napatingin sa akin ang malanding profeshit na ito at tinaasan ako ng kilay. Aba! Tinaasan ko din siya ng kilay. Sabitan ko kaya ng damit yang kilay niya na parang hanger?
"May sinasabi ka Savanna?"
"Wala po MA'AM."
"Kala ko may sinasabi ka e"
"Mond, kain ka pa o" baling na naman niya kay Raymond
"A..Ah e.. Salamat. Kumain ka na din"
Napatingin din sa akin si Raymond na parang humingi ng tulong. Inirapan ko na lang siya. Ginusto niya yan e. Mag lu-lunch time na kami nakadating dito sa Subic. Ang dami pa kasing stop over kanina. Courtesy of Profeshit Kelsey. Sino ang nasa tamang pag iisip na laklakin ang isang jag ng iced tea? Kung hindi pumutok pantog niyang gagang yan ewan ko na lang.
Bakit ba kasi nakasama pa yang Kelsey na yan dito e. Sa pagkakaalam ko hindi naman siya part ng Debate Club. E bakit nga ba ako nagagalit? Pakialam ko kung maglandian sila! Pero nakakabuwisit na talaga yang Kelsey na yan. Yaya ba siya ni Raymond para siya pa mismo ang magsubo at magpakain sa kaniya?!
Kanina pa nakaplaster ang ngiti sa mukha ko. Ewan ko ba. Si Raymond kasi, sarap humalik nang pucha! Shit! Nakakaexcite tuloy magmura ng magmura. Sarap ng punishment e. Sa taxi kaya, hindi ko pa din siya tinantanan ng mura edi hindi din niya ako tinantanan ng halik.
Kakadating lang namin sa University. Kami na lang pala ni Raymond ang wala. Hindi naman kami late. Sadyang excited lang talaga sila. Kitang kita ang pagtataka nila dahil hawak ni Raymond lahat ng gamit ko at sabay kaming dumating.
"M..magkasabay kayo Sir ni Savanna?" tanong ng isang babae.
"Obviously!" sagot ko na lang.
"Pero bakit po?"
Masama bang mag kasabay kami!!! Kita mo itong si Raymond, kinakabahan pa kaya medyo lumayo sa akin. Duwag!
"N..Nakasalubong ko lang siya kanina sa may gate kaya sumabay na ako. At dahil babae siya, tinulungan ko na siya sa mga dala niya. Yun"
"Ahhhhh"
"Psssh. Nakasalubong daw" bulong ko.
Hindi na lang niya yun pinansin.
"Yes, so ready na ba ang lahat?"
"Opo Sir!"
"Okay. Choose your seat na sa van"
Lahat sila ay nagsilapitan na sa van. Yung iba sa likod. Lumapit sa akin si Hector at kinuha ang bag ko. Nginitian ko na lang siya. Gentleman ang gago e. Nakita kong napatingin si Raymond sa amin at nakasimangot. Problema nito?
"Savanna. Ganda ng jacket a. Kaso parang malaki sa iyo" tawag sa akin ni Hector
"Salamat?" malaki talaga sa akin ito. Kay Totoy Raymond to e
"Ano...Pwede lapit tayo?"
Dami pang palabok, gutso lang palang dumamoves. Mga lalaki nga naman. Sasagot na sana ako ng ano pa nga ba, biglang lapit na naman ni Raymond.
"Sa akin tatabi si Savanna, Hector"
"Bakit naman Sir?"
"Kasi..."
