Chapter 21. The Gift

1.7K 91 50
                                        




"Tara na! Mukhang may kutob na ako. Mag uusap tayo mamaya Raymond" seryosong sabi ni Nanay.

Mas lalo akong kinabahan. Ako din, may kutob na. Tama nga kaya? Nakakatakot ang tingin ni Nanay. Kasi nga naman pareho yata kami ng nasa isip. One part of me is happy kung tama man ang hinala namin, isang parte naman ng utak ko ang natatakot. Baka lalo kaming magkaproblema ni Savanna. Isa pa, malapit na siyang magtapos, baka hindi pa siya makatuntong sa stage kung sakali man.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hawak hawak ko si Savanna habang hinahaplos ang pisngi niya. Bakit nga ba hindi ko napansin noong una pa lang? Lagi siyang umiiyak. Hindi maganda ang eating habits at laging nahihilo.

"Savanna, wag kang mag alala. Ano man ang resulta, I'll stay here with you. Hindi kita papabayaan"

Umiiyak pa din ang kambal. Hindi sila mapatahan ng mga ate nila. Kahit naman sila Mercedes, kita kong malapit na silang umiyak. In just a short period of time, napalapit na kaagad sa kanila si Savanna.

"Kambal, wag na kayong umiyak"

"E...E si Ate Savanna kasi..."

"Magiging okay din si Ate Savanna niyo ha?"

Tahimik lang sila Nanay at Tatay. Tahimik din ako. At isa lang ang alam ko....Patay ako sa nanay ko nito

...................

Nasa loob si Savanna tinitignan ng doctor. Sabi ko na nga ba e, yun din ang maiisip ng doctor pagkatapos tanungin ang mga sintomas ni Savanna. Trumiple tuloy ang kaba ko. Nag iintay na lang kami na lumabas ang doctor. Ang mga kapatid ko ay pinapunta muna nila Nanay sa cafeteria nitong hospital.

"Raymond" tawag sa akin ni Nanay

"P..Po"

"Magtapat ka sa amin ng Nanay mo Raymond, may nangyayari na ba sa inyo ni Savanna?" tanong naman ni Tatay

Napalunok ako ng ilang beses. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Namamawis din ang mga palad ko, pati na din ang kili kili at singit ko sa sobrang kaba. Sasabihin ko ba o hindi? Pag hindi ko sinabi baka isipin nilang Virgin Mary si Savanna. Sasabihin ko na nga!

"O..Opo Tay"

"Diyos kong mahabagin. Ferdinand saluhin mo ako mahihimatay yata ako" sabi pa ni Nanay

"Mahal, wag naman mabigat ka baka hindi kita masalo"

"Loko loko! Hayup na to hoy sexy ako"

"Oo naman mahal kong Helen. Sobrang sexy mo. Sarap"

Alam kong expected na nilang oo ang isasagot ko pero nabigla pa din sila. Charot charot si Nanay. Napahawak sa ulo si Nanay. Si Tatay naman ay hindi mo alam kung mangingiti o magagalit, nag pipiit pa kasi ng tawa pero nag thumbs up naman ng patago.

"Ferdinand, kausapin mo nga yang anak mo!"

"Ikaw na lang Helen. Kaya mo yan"

Nagpipiit na din ako ng tawa. Si Tatay kasi e, napakakunsintidor. Mas nakakatakot kaya si Nanay. Sa tanda kong ito, pinapalo at kinukurot pa ako niyan e. Tumingin na naman sa akin si Nanay. Yung puso ko nag uunahan ang tibok parang drinidribol.

"Raymond naman kasi. Teka, hindi pa din ako makapaniwala" naiiling na sab

"Nay, hindi po ako magsosorry na ginawa namin yun dahil yun talaga a naming gawin. Magsosorry lang po ako dahil nabigla kayo"

"Pero alam niyong hindi pa pwede. Hindi pa kayo kasal"

"Alam po naman namin na hindi pa kami kasal. Pero mahal po namin ang isa"

You and MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon