Chapter 18

8.6K 202 0
                                    

Jema ---


"Your place is nice, Bes. Pero buti dito ka kumuha ng unit sa San Juan?" Dumiretso na kami ni Arki dito sa unit niya.

"Nakku Bes, di natin afford ang mga units sa Makati. Tsaka may pinagi-ipunan ako alam mo naman. Oh, heto yung damit at magpalit ka na. Baba muna ako. Nakalimutan kong bitbitin yung tinake-out kong food for dinner." Sabay hagis ng mga damit sa akin at lumabas na ng pinto.

"Salamat." Pumasok na muna ako sa kwarto at nagpalit na ng damit.

Pagkatapos ko, I went straight sa bed at humilata muna. I decided to call Derek for updates sa office.

Derek -- Dialling..

"Hi Mumsh, how are you?" Bati nito sa akin.

"Okay lang Mumsh. Ikaw? Kumusta sa office?" Pagtatanong ko.

"Everything's okay. Siya nga pala okay na yung Architect ng Gonzales and Gonzales. I was impressed. I gave her the Bataan project folio at sabi ko pag-aralan niya na. I sent you the details of the interview. Check mo na lang." Sagot naman niya.

"No need. I trust you Mumsh. Wala pang dumaan sa'yo ang di nagperform ng maayos sa trabaho. So all good na yun. Thanks! Kasama ko nga pala si Arki, dito na ako mags-stay muna sa unit nya. See you Mumsh! Good night." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Okay, no worries. Good night Mumsh. Bye.." Ibinaba ko na ang telepono.

Nakatulala ako sa kisame. Sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. I just felt there were lots of turns sa emotions ko.

Masaya. Malungkot. Inspirational. Success. Tapos malungkot ulit. Hay!

Dumapa ako and indulged the softness of the mattress. Hay. Namiss ko yung bed ko sa unit ko.

Bed sa unit ko..

Deanna. That Girl. Kumusta na kaya siya?

Natigil naman ang pag-iisip ko nang kumatok si Arki.

"Bes? Let's eat na." Pag-anyaya nito sa akin.

Lumabas naman na ako ng kwarto at nakita ko sya na naghahanda ng plates and utensils. Binuksan ko ang fridge nya at may nakita akong water sa pitcher so I took it out. Nilapag ko ito sa mesa at kumuha na rin sya ng mga baso at umupo na kami.

"Ceasar's Salad, 3 slices of Pizza and Chicken Wings. Sorry Bes walang rice. Hehe. Diet muna tayo ha?" Pagsisimula nito.

"Okay lang. Mukhang di ka naman biglaang lumipat at halos kumpleto ka na dito sa unit mo." Sagot ko sa kanya habang nilalagyan ko ng salad ang plate ko.

"Di ba sabi ko sa'yo ineexpect ko na din na lilipat ako anytime. Itong unit na 'to yung company yung naghanap. Hati kami sa rent tapos 3 weeks ago nag-start na ako bumisi-bisita dito. Mga basic things na pwede iwan, iniwan ko na para di hassle at atleast may gamit just in case they'll ask me to move." Kwento nya habang hinahati yung pizza niya. At tumango naman ako.

"Ikaw ba. Jem kaya mo naman kumuha ng unit mo. Actually kahit bahay pa nga e. Sobrang afford mo na. Bakit sa office ka natutulog. Jusko naman sa iyo. Feeling ko unsafe din, what if biglang lumindol o kaya--" I cut her.

"May unit na akong nabili." Sagot ko dito while filling my glass with water.

"Ha? Oh, may unit ka na pala bat ka sa opisina nagsstay? Nakakaloka ka." Pangu-usisa nya.

"Walang may alam na may unit na ako. Kaya ikaw wag kang madaldal at sa'yo ko pa lang sinabi. Binili ko yung unit na yun after ng first project ko sa Megawide. Way of fulfilling Andrei's dream na unang magiging investment namin is a place to live in." Kwento ko sa kanya.

"E bakit ayaw mong sabihin sa iba? Bakit ka nagttyaga sa opisina pwede mo namang uwian yun." tanong nito.

"That is the only thing I can say na "akin lang". A place where in pwede akong maging ako. Pwede akong maging masaya without any considerations. I can be crazy, I can mess up and I can be weak. Lumabas man lang dun sa Engineer Jema Galanza na magaling, matatag, matapang at kaya ang lahat. Yun yung ako na pinilit kong makita ninyong lahat dahil kinailangan ko. Pero sa totoo lang di ako yun." Binitawan ko na ang kubyertos na hawak ko. Napahawak sa baso at nagsimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinunasan ko agad ito.

"Sorry Sorry, nagemote na naman ako." Pagpapaumanhin ko kay Arki.

"Okay lang Bes. Naiintindihan kita. Malalim yung pinanggagalingan mo kaya sino ba naman ako di ba para kwestyunin yang mga luhang yan. Atleast alam ko na ngayon. Di na kita aalalahanin masyado. Pero tuwing kailan ka umuuwi dun?"Tanong niya ulit.

"Every Fridays and Saturdays. Wag kang mag-alala. Isasama kita dun. " Sabay kindat dito.

"Ha? Talaga? Akala ko bang -- "

"Di ka naman na iba sa akin. Basta walang ibang makakaalam ha." Paalala ko dito.

"Wow naman!! Oo cge cge. Secret lang. Nakakatuwa naman. So ako yung unang makakapunta dun!" Excited na sambit nya.

"Ah.. Actually bes, pangalawa. Hehe." Tinaas ko ang dalawang balikat ko at nag-peace sign sa kanya.

"Ay walangya! Kwento mo na nga yan at medyo iba nararamdaman ko Jessica Margarett ah!"

Here we go..

Fridays With YouWhere stories live. Discover now