Chapter 78

8.1K 295 103
                                    

Jema ----

"Good morning, Engr. Galanza! Inviting you for breakfast today dito sa bahay. Maddie and Ponggay are here. Super short notice namin 'di ba? Hahaha! Anyway, we'll be out of town kase this week, baka you want to talk about Deanna's upcoming birthday. It's gonna be end of this month na. Hope to see you!"

Pagkabasa ko ng text ni Bea, dalian akong bumangon, prepared my clothes to wear at saka na lumabas ng kwarto para maligo.

"Ang aga mo yata anak?" Bumungad sa akin si Nanay na nagpupunas na sa may kusina.

"Opo, may meeting sa kliyente Nay." Palusot ko na lang. "Ang aga, naglilinis ka na diyan, tulog ka muna ah." Dagdag ko pa.

"Mahaba na rin naitulog ko, tsaka teka, ipag-iinit kita ng tubig para sa kape mo. Anong gusto mong almusal?" Tanong niya sa akin.

"Ay, wag na po Nay. Sa meeting na ako kakain nito. Kape na lang po, thank you Nanay kong maganda!" Sagot ko saka ko siya hinalikan sa pisngi. Natuwa naman agad ang Nanay sa paglalambing ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagbihis at nag-ayos na ako.

"Luh, parang pinanligo mo na yung pabango, Ate!" Saway sa akin ni Pangs na tinabunan agad ng unan ang mukha niya.

"Matulog ka na lang diyan." Sagot ko at tuloy pa din ako sa pag-aayos.

"Balitaan mo ako ah. Kung kailangan mo ng tulong sa preparation sa birthday ni Ate Deanna, game ako diyan!" Sabi ni Mafe na ikinabigla ko.

"Bat mo alam?" Mabilis kong tanong.

"E nabasa ko. HAHAHA!" Maloko nyang sagot.

"Tsismosa ka talaga! Siya na, alis na ako. Tawagan mo ako pag may kailangan kayo ni Nanay ha. B-bye". Paalam ko sa kanya saka ko na binitbit ang bag ko.

"Okay. Mamaya nga pala ipapasyal ko si Nanay sa restaurant para di naman mainip dito." Pahabol niya.

"Sige, basta ingat lang. Pag may nangyari kay Nanay, babatukan kita. Bawas-bawasan mo kadaldalan mo habang nagmamaneho!" Paalala ko sa kanya.

Guilty ang bruha at nagtago na agad sa ilalim ng kumot.

Nagpaalam na ako kay Nanay saka na ako umalis. Naisipan kong mamaya na tawagan si Deanna baka kasi magtanong pa kung bakit ang aga ko today. Kung sakaling magtanong, sabihin ko na lang na meeting with client, HAHAHA!

Sorry Mahal, I'm just doing this to surprise you on your birthday.

The three were eating na nung dumating ako and I joined them in the middle of their conversation, medyo napag-usapan na rin yata nila yung ibang details.

Ponggay mentioned Deanna loves the beach and it's been a while since the last time na nakapag-beach siya so that's one of the options.

Yay! Gusto ko din mag-beach and well-needed ni Mahal yung out-of-town dahil sobrang pagod siya lately sa trabaho.

"Guys, did you remember last year sabi ni Deanns sana next birthday niya, gawin naman natin yung something na hindi pa niya nae-experience? And months ago she mentioned she wants to go hiking.." Maddie raised to the group.

Woah! Nice idea yun ah.. iihhh gaganda ng ideas nila!

"Oh yeah, I remember that! What do you think, Engr. Galanza? Or you might have other suggestions." Bea asked.

"Ahm... honestly wala ako mai-suggest. Sorry guys ha." Yun lang nasagot ko.

All of a sudden, yung sobrang taas na excitement level ko kanina, bumulusok pababa. It made me realize na sobrang wala pa akong alam tungkol sa kanya. Una sa lahat, the reason why I'm here. Kung hindi lang ako tinext ni Bea, ni hindi ko man lang na malapit na yung birthday ni Deanna.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now