Deanna ---
"Uhm Muah! Uhm Muah! Uhm Muah!!! Sachiiiii! Wake uuuup!!!" Nagising ako sa paglalambing ni Dustin sa akin may paulan pa ng sweet kisses.
Sana all ano? Sana si ano rin ganyan. HAHAHAHA! - Self, ang aga-aga ah!
"Ugghh. You are so sweet baby. Thank you!!!" Sagot ko naman dito at bumangon na ako.
"Wala kang work today Sachi?" Tanong nito sa akin.
"Sachi has no work in the office today, but I will do some field work. Why baby?" Sagot ko dito.
"Later pa? So tell me a story muna, please?" He requested.
"Hm? Story about what?" Tanong ko ulit sa kanya.
"You told me you already found the pot of gold. Tell me something about it Sachiiii!!" He said.
"Uhm. Yeah.. About the pot of gold, yes I found it already. But I don't know if I could go back again. Hindi ko na yata alam yung daan pabalik." I said.
"Really? Okay.. Don't worry Sachi, mahahanap mo din yun ulit. Take me there ha, promise natin!" And raised his pinky finger.
"Sure! Promise ko yan!" I locked mine to his and hugged him.
Dustin went out of my room at ako? Naiwang nakatunganga. Tamad bumangon.
Akala ko once I figured out who Stranger is at kapag nagkita na kami ulit ay matatahimik na ako. Kaso hindi pala.
Actually, hindi na nga yata..
Pot of gold. Pot of gold thing started nung hindi na ako halos umuuwi ng bahay because I became rebellious about Dad cheating. I always tell Dustin na hinahanap ko ang "Pot of Gold" para hindi na siya magtanong. But for me, Pot of Gold really meant was "Happiness." Dumaan ako sa pagkakataong hinanap ko kung paano maging masaya ulit. At ang hirap pala.
I told Dustin that I already found it, when I finally found Engr. Jessica Margaret Galanza. Truly, I learned on how to get excited everyday and be happy dahil sa kanya. Finally, I found a new purpose to live and see life on a brighter perspective.
Until this happened. This happened. Now, hindi ko alam kung masaya pa nga ba ako. Describing to Dustin that I lost my way to the pot of gold. I lost my way to Jema. Hindi ko na siya mahanap.
Hahanapin ko pa ba? Paano mo mahahanap ang taong nagtatago o ayaw magpahanap?
Haaaaaay JEMAAAAAAA!
Bumangon na ako ang did my morning rituals. Pagbaba ko ay kami na lang ni Manang Isay ang nasa bahay. Umalis pala sina Mom at Dad at ipapasyal daw si Dustin.
"Ma'am Deanna, breakfast na po kayo. Ipaghahain ko na po kayo." Pag-imbita sa akin ni Manang Isay.
"Salamat po pero ako na lang Manang, huwag na po kayong mag-abala." Sagot ko naman.
I prepared cereals and hot chocolate. Nilalaro ko lang ang pagkaing nasa bowl ko.
"May problema ba, anak?" Tanong sa akin ni Manang.
"Di naman tayo nawawalan ng problema Manang. Sanay na po ako." Sagot ko at nginitian siya.
"Kung sabagay. Nasa sa atin naman kung paano natin tingnan ang problema. Ang mahalaga, kahit na ano pa yan, isipin natin na mapagtatagumpayan din natin ito. Kaya mo yan! Alam ko malakas ka. Kung masyado nang mabigat, alam mo naman na nandito ako at makikinig ako sa'yo." Sabi ni Manang sabay haplos sa likod ko.
"Opo. Salamat po Manang. Lilipas din po ito." Sagot ko.
"Huwag mong hayaang lumipas lang. Sa bawat problema, ang mahalaga ay natututo tayo. Maiwanan na kita at may tatapusin pa ako sa likod." Nginitian ako ni Manang at nilisan na ako.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️