Deanna ---
"Para kang ewan diyan Deanna. Okay nga lang ako. Kahit tubong Siargao 'to, marunong naman akong magcommute dito sa Maynila no."
"Habang nandito ka, kargo kita."
"Sinong nagsabi sa'yo? E basta. Ikaw ingat ka sa pagmamaneho. Kanina ka pa parang wala sa sarili e. Parang wala din akong kasama kumain kanina."
"Nandun kasi siya."
"Sino? Saan?"
"Si.. Si Jema. Kanina sa restaurant."
"Ay wow, hindi man lang pinakilala sa akin! Nandun na e, chance ko nang makita siya sa personal."
"Next time, sige."
"Aha! Alam ko na kung bakit. Ayaw mong isipin niyang baka may bago ka na 'no? At yung bago na yun is ako? HAHAHA!"
"Huy, hindi ah!"
"Okay.. Sabi mo e. O siya ingat ka."
"Wala akong lakad this Sunday, gala tayo?"
"Ipahinga mo na lang yan. May pupuntahan din kasi ako e."
"Sinong kasama mo?"
"Hala dapat lahat alam? Haha! Kaibigan ko, may pupuntahan daw kaming exibit e."
"Ganun ba.. Sige."
"Ingat ka, b-bye."
"Ikaw rin, text or tawagan mo ako kapag may kailangan ka. B-bye.."
Celine.I consider her as the only good thing that happened to me in the paradise of Siargao.
Well, aside from the few fun moments me and my friends had there, meeting her is such a blessing. She's an amazing person with an amazing soul.
After Jema and I broke up and I went back to Manila, she kept me sane in what I consider the toughest time of my life. It was never easy waking up every morning at ang una kong iisipin ay kung paano ko na naman itatawid ang isang panibagong araw ng lungkot at sakit.
Bea, Maddie and Ponggay always checks on me. Pero kapag sobrang busy na nila and I need someone to talk to, Celine is always there. She's making herself always available just to listen to my eternal dramas. Siya yung nakikinig kapag gusto kong mag-vent about my stressful clients, kapag wala na akong maisip na idea or what not, she's reminding that it's just another bad day but not a bad life.
Minsan naiisip ko rin yung possibility na paano kung hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya? I actually once told her about it. Minsan kasi I am thinking out loud.
"Gago! HAHAHA! Alisin mo nga yan sa isip mo. The more na iniisip mo yan, the more na magkakatotoo. Joke! Haha! Pero kidding aside, Deanns papaalalahanan lang kita ha. Huwag na huwag mong hahayaan na dumating ka sa puntong "maisip" mo na naibaling mo na sa iba ang pagmamahal mo. Huwag mong hahayaan na malagay ka sa sitwasyong binuksan mo na sa iba ang puso mo pero hindi ka pa pala tapos mahalin siya. Si Jema. Kasi ang ending nun, makakasakit ka lang."
When Celine said that, I realized how important it is to be fully healed kapag nagmahal ka ulit.
I loved Jema so much at araw-araw ko pa rin siyang mamahalin. Kaya rin siguro sinabi ni Celine yun. Haha! Alam niya kasi na kahit anong gawin ko, Jema still owns my heart. Sa kanya ko naranasang ibigay yung klase pagmamahal na higit pa sa inakala kong kaya kong ibigay at iparamdam sa isang tao. Nakalimutan ko na nga yung salitang "limitasyon" dahil alam ko na hanggat nandiyan siya sa tabi ko, lahat posible. Hanggat kasama ko siya, lahat kaya kong gawin.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfic"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️