Chapter 40

9.9K 269 42
                                    

Jema ---

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha mula aking bintana. Papikit-pikit pa ako at pinipilit kong bumalik sa pagkakatulog at minsan lang naman ang rest day. Nung nakaraang linggo ay hindi ko man lang nasulit at kahit Sabado ay kinailangan kong mag-present sa Limitless pero in fairness ay tinanggap nila ang aming proposal. I can say that was the highlight ng buong linggo ko! 

Weh? Di nga? - Self, ang aga-aga ah?

Bumangon na ako at umupo muna saglit, nagdasal para sa isang magandang umagang kaloob ni G. Unang umaga ko dito sa condo ko matapos kong lumipat. Ganun pa rin ang fulfillment na nararamdaman ko and I can finally say I am Home. Inayos ko ang mga unan ko at habang pinapagpag ko ang mga ito ay bigla kong naalala ang taong nakasama ko rito kagabi.

Si Deanna. Nasaan kaya yun?

Uy, hinahanaaaaaap! - Isa pa Self ha.

Napatigil ako sandali at napapikit na lang matapos kong maalala ang lahat. Tuluyan na akong bumangon at inayos ang aking kama. Habang inaayos ko ito ay nakarinig ako ng tila nagluluto sa labas. Ang bawat paglapat ng kutsilyo sa sangkalan at tunong ng kung anong ipiniprito sa kawali. Itinali ko ang aking buhok at lumabas na ng kwarto. 

Bumungad sa akin ang isang Deanna Wong na suot ang pambahay na ipinahiram ko sa kanya at nakasuot pa ng apron. Teka, wala ba 'tong saplot pang-ibaba? 

E ano ngayon sa'yo? - Last na lang talaga ha!

I leaned on my door with my arms crossed at pinagmamasdan ko siya sa ginagawa niya. Wala siyang kamalay-malay na may audience na siya sa kanyang cooking show. HAHAHA! Seryosong masyado. Arkitektong arkitekto dahil ultimo sukat ng bawat hiwa niya sa red and green bell pepper, gusto niya pantay na pantay. Kita ko sa kanya ang pagka-perfectionist dahil pati ang niluluto niyang noodles e inoorasan pa niya. HAHAHA. And lastly, aesthetics at it's finest at nilagyan pa niya ng disenyo yung pancakes na binubuhusan niya ng syrup. HAHAHAHA! Promise, gustong-gusto kong matawa.

After a few minutes ay natapos na din siya juicekolord sa kanyang omelette at naghanda na ng mga plates at utensils sa table. Pagkatapos ay inilapag niya na ang noodles, pancakes, hotdogs and omelette. May fiesta Deanna?  Nabigla siya nung makita niya akong nakatingin at pinagmamasdan siya sa ginagawa niya.

"Oh! Hi.. Good morning! Kanina ka pa ba gising?" Sinalubong niya sa aking ang isang magandang ngiti at masayang bati habang itinatabi niya sa sink yung mga pinaglutuan niya. Hmm. In fairness, mukhang sanay 'to magluto.

"Ano yan?" Sagot ko.

Wow ha, ginagalingan ang pagtataray.

"Uhm. Breakfast! We have here hotdogs, pancakes, tapos may omelette din at noodles. I thought you need this, nalasing ya kaya kagabi kaya you need some hot soup. Sorry ah, ito lang kasi nakita ko dito sa stocks mo e." Tuloy tuloy niyang kwento habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. 

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at lumapit na ako sa kusina. Kumuha ako ng tasa at sinalinan ito ng kape mula sa coffee maker at umupo na sa may mesa. 

"Here.." Sabay lapag niya ng plato sa harapan ko. 

"Hindi ako nag-aalmusal. Just coffee in the morning and I am good." Salaysay ko at humigop ng kape mula sa tasang hawak ko. 

"Ha? E sayang naman 'tong niluto ko oh.." Malungkot niyang sagot habang tinitingnan isa isa ang mga pagkaing hinain niya. 

"Kung kaya mong ubusin lahat yan, go. Wala naman problema. Sorry, hindi lang talaga ako nag-aalmusal." Paliwanag ko dito. 

Fridays With YouWhere stories live. Discover now