Chapter 4

10.6K 275 10
                                    

Deanna ---

Nagising ako sa ng alarm ng phone ko. It's already 5:30pm. I read my alarm reminder: "Dinner with the troops @ 8pm." Oo nga pala. Nakiusap sa akin si Mama na samahan sila sa dinner tonight dahil uuwi si Gio - my brother. Nag-aaral kasi siya sa Baguio. It's been 4 months since last kami nagkita.

Tadtad ako ng text messages and missed calls from my Mom. "Deanna, where are you? Hindi ka na naman umuwi. Is there a problem? You know we could talk about it. I told your Dad about this and he's worried too. Please come home baby. I miss you."
Di ko na binasa yung iba. Hayy.

Bumangon na ako. I arranged the bed and put everything in place. I saw my clothes folded na nakapatong sa hinigaan ko with a towel. In fairness kay Stranger. Nakakahiya naman. Sa living area pa yata yun nagpahinga.

When I fixed everything, I decided na lumabas na at maligo. Dadaan pa ako sa bar para kunin yung kotse ko. Di ko kabisado how long will it take to get there tapos uuwi pa ako ng bahay. Baka malate pa ako sa dinner.

Paglabas ko ng kwarto, hinanap ko ang may-ari ng unit na ito and I found no one. Wala sya sa living area. Umikot-ikot ako at wala akong nakitang bakas niya. "Baka lumabas siguro." Bulong ko.

Dumiretso na ako sa shower room. Binilisan ko na lang at sa bahay na lang ako maga-ayos ng ligo mamaya.

After makapagbihis, I took my things sa drawer; Wallet. Check. Car keys. Check. Phone. Check. Lumabas na ako ng kwarto and I decided na hintayin muna saglit si Stranger at nang makapagpaalam muna ng maayos.

I sit on the couch and I notice a note na nakaipit sa isang magazine.

"I didn't wake you up, sarap kasi ng tulog mo. I thought you need to rest well. I already booked a Grab for you so maybe around 6:45 nasa baba na yun. Siguro naman gising ka na at nakapag-bihis na by that time.." ang galing naman ne'to. May special powers ba 'to at na-calculate nya yun? Phew!

"..Blue Hyudai Accent Hunchback. AD 34052. He'll bring you to the bar kung saan mo kukunin yung car mo at nakatawag na rin ako dun. I said you'll be there @ 7pm. I also checked thru Maps how long will it take for you to get home from the bar. If you take the shortest route, nasa bahay ka na around 7:45pm. Sorry di na kita nahintay magising I really have to leave. About the unit, press the lock button in the middle. Turn it 3 times clockwise and 2 times counter clockwise. Then it's good." so I am starting to be amazed na talaga.

".. about last night, you're welcome. Ingat sa pagddrive.

P.S. The Rules. -- Stranger."

It's already 6:35 and I have to go down na. I took the note with me and followed her instructions. I locked her door properly. I took my path pababa ng building. Nasa lobby na ako ng 6:40. I still have 5 minutes.

"Miss, pwede magtanong?" Tanong ko sa receptionist.

"Hello Ma'am good evening. Yes po?" Bati naman niya.

I told her that this girl who owns the unit 4207 and some part of the story that happened last night.

"..so ayun. She just left me with a note kasi. Di ako nakapagpasalamat ng maayos sa kanya. Pwede ko ba malaman yung name niya?"

"Ah.. Ma'am actually nabanggit na po ito ni Ma'am. To assure na rin po na di po kayo nag-crash sa unit niya. Kaso ma'am, may policy po kasi kami na di po kami pwede mag-disclose ng information about sa mga owners ng units. They are strictly confidential po. I'm really sorry po." Pagpapaliwanag nito.

"Ah ganun ba. Sige Miss. Thank you." Sagot ko na lang.

Nilisan ko na ang reception area at lumabas na ng building. Nakita ko na kakaparada lang ng sasakyang nasa note. So sumakay na ako. Wala pang sampung minuto at umabot na kami sa bar. Di pa ako nakakababa ay tanaw ko na ang sasakyan ko sa parking area.

"Manong, magkano po?" Sabay bunot sa wallet ko.

"Ma'am okay na po. Settled na po ma'am." Sabay ngiti ng driver.

"Ah. Okay po. Salamat po Manong. Ingat po kayo."

"Salamat din po ma'am. Kayo rin po." At bumaba na ako ng sasakyan.

Pagkababa ay nilapitan ko agad ang guard-on-duty at sinalubong naman niya ako.

"Manong, ako po yung may-ari ng sasakyan. Ipu-pull out ko na po. Heto po yung IDs ko." Sabay abot sa mga ito.

"Okay po ma'am. Dito po tayo at may pipirmahan po kayo sa aming log book." pag-imbita nya sa akin at sumunod naman ako.

"Kumusta na po kayo Ma'am? Pasensya na po kayo at kinailangan ko po kayong palabasin kagabi. Ayoko nga po sana dahil umuulan kaso wala po kaming bakanteng room kahapon para sana pagpahingahan ninyo. Buti na lang po at lumapit po si Ma'am at tinulungan kayo." Naalala ko ulit si Stranger.

"Okay lang po. Naiintindihan ko. Sorry din po if nagkalat ako kagabi. Uhm.. Manong. Tungkol po doon sa babaeng tumulong sa akin kagabi, kilala niyo po ba siya?" Pagbabakasakaling tanong ko.

"Ah si Ma'am po? Di po e. Sa totoo lang po, madalas po siya dito. Halos tuwing Biyernes ng gabi dito po talaga siya pumupunta. Wala po syang kasama, siya lang mag-isa. At wala po sa amin ang may alam ng pangalan niya. Halos po kami dito nakakausap at kilala nya kami." Paliwanag ni Manong Guard.

"Sige po manong. Salamat po." Pumirma na ako sa log book at kinuha yung IDs ko.

Pagpasok ko ng kotse ko ay chineck ko muna ito. When it's all okay ay umalis na rin ako. I launched my Waze and checked the shortest route. It's already 7:10 and estimated time ni Waze is 7:45 pm.

"Stranger, how on Earth you are able to do all of these? Lalo kang nagiging misteryoso sa akin. Well. I like mysteries. And I take the challenge! I will figure this out. Wrong move ka. Deanna Wong never backs down." Bulong ko habang hawak ang note na iniwan niya.

I started the engine and before I stepped on the gas pedal..

"We'll see each other again, Stranger."

================================

Chapter 4 is up! 😘

Thank you guys for supporting this story kahit alam kong sabaw lang. HAHAHA!

Not really sure about some details here, but just ride on ha?

Please Vote and comment. 😘

All love!!! ❤️❤️❤️

Fridays With YouWhere stories live. Discover now