Chapter 63

9.5K 309 62
                                    

Jema ---

"Hey, wake up. Malapit na tayo.."

Nagising ako sa boses ni Deanna. Ramdam ko ang  kanyang kamay na hinahaplos ang aking kaliwang pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"You sure tutuloy ka pa sa conference? You seem really tired. Masakit pa ulo mo." Pag-aalala nito sa akin.

"No, I am okay. I'll just sleep sa plane. Don't mind me Mahal. I'll be fine." Sagot ko sa kanya at yumakap ako sa kanang braso niya.

"Pwede bang hindi kita alalahanin? Mapapalayo ka sa akin and you're not feeling well. Of course I want to take care of you. Walang mag-aalaga sa'yo dun." Sagot niya ng may pag-aalala habang diretso pa din ang tingin niya sa daan.

"Ugghh. Saglit lang naman ako doon. Kung di pa din ako okay, uuwi na rin ako after the conference. Don't worry too much, kaya ko naman po ang sarili ko." I said at hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa braso niya.

"Take those medicines. Sumaglit ako kanina sa pharmacy. Baka kasi wala ka ng oras bumili pa dun. Paracetamol, may Carbocisteine, may Anti-histamine na rin diyan. Para sa hilo, sakit ng tiyan.." I stopped her.

"Architect ka ba talaga o Doctor? Ikaw ah!" Biro ko sa kanya para mabawasan naman ang pag-aalala niya.

"Tsk. Puro ka biro. Arkitekto, Doktor, Kusinero, Mekaniko o kahit ano pa, basta para sa'yo gagawin ko! I love you Mahal." Malambing na sagot niya and she kissed me on my forehead.

Sana lahat magkaroon ng isang Deanna Wong sa buhay nila tulad ko. Siguro ang saya nating lahat. Hayyy.

"Next time, huwag kang magpapa-ulan kapag nasa field ka." Paalala nito sa akin.

"Opo. Opo.. Ayoko nga sana pumuntang Laguna kanina e." Mahinang sagot ko.

"Then why did you go pa rin?" Abah, narinig pala ako.

"Ah.. e.. Syempre wala naman ibang pupunta. Ayoko naman ma-disappoint yung may-ari. He expected me to come tapos di ako sisipot." Sagot ko.

"Learn to say "No" kahit paminsan-minsan lang. Di yung laging "Oo" tapos ayan, sagad katawan mo." Pangaral niya sa akin.

"Hayaan mo na. Don't be mad. Lapit na tayo. Ugghhh.. Miss na kita ngayon pa lang. I'll call you pagdating ko sa Hotel." Sabat ko na lang at parang umiinit na din ang ulo. Pagod din to galing siya ng Bataan kanina para sa project namin.

"Hindi ako galit. Pinapaalalahanan lang kita. Ayokong nagkakasakit ka. I miss you too already Mahal. Pahinga ka na lang agad pagdating mo doon at maaga ka pa bukas." Sagot nito.

"Okay po Mahal.." I replied.

When we arrived in the airport, Deanna parked her car and she helped me with my luggage at sinamahan ako hanggang sa check-in area.

"I'm good here sige na. Baka ma-traffic ka pa pauwi. Pahinga ka kaagad ha?" Pagpapaalam ko dito.

"Get well at uminom ka ng maraming tubig ha. I love you always Mahal. See you in a few days." She replied and kissed me then wrapped me with a warm hug.

Ayokong bumitaw sa yakap ni Deanna. On that moment, I missed her so much. Parang nagfast-forward yung mga darating na araw na di ko siya makakasama. Hayy.. Ang hirap naman.

"Sige na, baka ma-late ka pa. Meds and water tapos kain kang marami ha? I love you." Huling paalala niya.

Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko lang siya at ayaw pa ring bumitaw sa mga hawak niya. Sinuklian din niya ako ng mga malalagkit niyang tingin at nginitian ako.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now