Jema ---
Tahimik lang ang byahe namin ni Arki pauwi ng condo ko. Malalim ang iniisip ko at siya naman ay nakatulog na. Napagod yata sa dramahan namin kanina.
Nilingon ko siya at napangiti na lang ako. I realized I am just so lucky to have a friend like Arki. Kahit krung-krung lang 'to mahal pala niya ako.
True! May isa pang nagmamahal sa'yo uy! - Okay, Self.
"Bes, nandito na tayo.." Marahan kong paggising kay Arki.
"Uhmm.. Sorry nakatulog ako." Sagot naman nito habang nag-uunat.
"Okay lang. Nakakapagod ba magdrama? HAHAHA!" Biro ko.
"Di naman. Nakakapagod lang mag-push ng kaibigan. Hehe!" Pabirong sagot niya.
"Hala! Di ka pa tapos? Nakakaloka ka!" Sagot ko at lumabas na ako ng kotse.
"Hindi ako matatapos Bes. Siguro kapag ka tapos ka nang maging malungkot at gusto mo nang maging masaya dun pa lang ako titigil. HAHAHA!" Hirit naman nito sa akin habang kinukuha ang gamit nya sa compartment.
"Malay natin?" Tipid kong sagot at ngitian ko siya.
"Ay! Gusto ko yan. May kaunting liwanag na akong nakikita oh!" Sagot niya at itinaas ang kanang kamay niya at may papikit pa.
"Loka ka. Tara na nga!" Inaya ko na siya at pumasok na kami sa lift.
Pagdating sa condo ko ay nagsalitan na kami sa pagligo. Nauna na si Arki at ako naman at naghanda ng kakainin namin. I pushed na huwag na magfast food at nasa mood ako para magluto ngayon.
Nagsimula na akong magsaing and prep the ingredients for my Adobo.
Naknang tinola. Makasabing nasa mood magluto e Adobo lang naman pala. HAHAHA! - Self, huwag kang epal.
Pagkaluto ay ako naman ang naligo pagkatapos ay kumain na din kami ni Arki. Habang kumakain kami at nagku-kwentuhan, hindi siya tumitigil kakatipa sa telepono niya. Hindi ko mawari pero paiba-iba ang reaksyon niya kada magrereply yung kausap niya.
"Bes, kumakain tayo oh?! Itigil mo nga muna iyan." Saway ko dito.
"Sorry Bes. Sorry. Sorry." Pagpapaumanhin niya.
"Sino ba kasi yan at ganyan yung mga reaction mo? Nabibigla ka na di mapakali." Pang-uusisa ko.
"Ah wala. Wala Bes. Sige kain na tayo." Ibinaba niya ang telepono niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Kung si Martin yan, mamaya ka na humarot. HAHAHAHA!" Biro ko dito.
"Uhm.. Sana nga si Martin kaso si ano." Bulong niya.
"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko.
"Ah, wala wala. Sabi ko hanggang ngayon saway ka pa din pag kumakain." Sagot niya.
"E totoo naman. Kapag ka kumakain, sabi ni Papa dapat tahimik lang daw. Sabi ni Papa .. --" Napatigil ako.
"Miss mo na ano?" Tanong nito sa akin.
"H-Hindi ah." Tipid kong sagot.
"Sus! Tatay mo pa din yun Bes, huwag kang ano!" Heto na naman sa pangangantyaw.
"Huwag na nating pag-usapan." Pag-iwas ko sa kanya.
"Okay.. Sabi mo e. Siya nga pala, bababa lang ako saglit pagkatapos kumain ha." Pagpapaalam nito.
"Okay sige." Sagot ko.
Sino kayang kausap nito sa text at naaaligaga na ganyan.
Natapos na kaming kumain at lumabas na si Arki. Naghugas na ako ng mga pinagkainan natin at tumawag itong Derek.
YOU ARE READING
Fridays With You
ספרות חובבים"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️