Jema ---
"Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near
Stay together here.. ""Bes, basta ha yung alam mo na. Please?" Ang aga-aga di ba, Si Arki tatawag sa akin at papaalalahanan ko sa gusto niyang pasalubong.
"Oo na Bes. 'Di ko kakalimutan yun no. Kapag nakalimutan ko yun baka kalimutan mo nang kaibigan mo ako e! HAHA!" Biro ko sa kanya.
"Uy, grabe ka! Hindi naman. Pero baka nga. HAHAHAHA!" Sagot nito.
"Kita mo na. O siya na at malapit na rin ako. Ingat ka diyan ha. B-bye." Pagpapaalam ko dito at saka ko na ibinaba ang telepono. Hindi ko na hinintay na makasagot, baka may ipadagdag pa e. Char!
Dumiretso na ako sa conference hall at nakita ko na nandoon na agad si Lucas.
"Good morning!!!" Masaya kong bati sa kanya.
"Uy, good morning Engr. Galanza, mukhang maganda gising mo ngayon ah!" Bati niya rin sa akin.
"Tama lang naman. Siguro dahil nakatulog din ako ng maayos kagabi. Uy, salamat ulit ha." I replied.
"No worries. Ako rin, I had a good sleep. Paano, let's go for a walk ulit tonight after dinner? Kahit doon ulit sa park para malapit ka lang." He asked.
"Uhm.. Sige. Let's see." I said at humigop na ako sa kape na sinerve sa akin.
"Hayy. Last day! Ang tagal naman ng weekend. Excited ka na ba sa mga papasyalan natin bukas at sa Sunday?" Tanong ni Lucas sa akin.
"Yeah, oo naman. Pero saka na nating pag-usapan. Huwag masyado ma-excite. Hehe!" Bara ko sa kanya. I need to focus kasi last session na today ng conference. I can't afford to miss any topic. Sayang naman pinunta ko dito.
"Okay. Sige.." Sagot naman niya sa akin.
The facilitator went in front already and started the session ...
I stayed focus as we went on. We tackled main critical issues in engineering and sustainability. There were engineers who presented different topics, it's like research papers and sobrang daming learnings kaso nakaka-drain din ng utak.
WAAAAAHHH!!
We had no time na to have our snacks so habang nag-snacks, the presentation continued pa rin.
"Kaya pa ba?" Lucas checks on me.
"Oo naman. Galing no? Ang gaganda ng mga research nila. Sayang. Di kasi ako nakapag-submit ng abstract e, nakalimutan ko yung date of submission. Pero ang galing nila!" I told him.
"Nakku! Sayang nga yun. For sure you'll come up with a great research din. Ikaw pa!" Sagot niya.
"Ssshhh. Ang ingay mo." Saway ko sa kanya.
"Ay, sorry. Natuwa lang." He explained and laughed.
Lagi ka na lang natutuwa sa akin Lucas. Haaays.
Lumipas pa ang ilang oras at hindi ko namalayang magtatanghalian na pala. After the presentation, we were asked to go on lunch na. Sa wakas!
"I'll go the rest room muna ha." Lucas said.
"Okay." Sagot ko naman.
Luh, bat may pagpapaalam pa?
Pag-alis ni Lucas ay lumapit sa akin ang isa sa mga facilitators. Ano kayang meron? Napansin yata kaming nagkkwentuhan ni Lucas kanina. Haaay, nakakahiya tuloy.
"Hi! Engr. Galanza, from Megawide Philippines right? " Bati nito sa akin.
"Oh, Hi! Yes ma'am. I am Engr. Galanza." Sagot ko sa kanya and offered a handshake na siya namang pinaunlakan niya.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️