Chapter 2

13.8K 263 31
                                    

Deanna ---

"What? What rule? Hey. You have to tell me your name! Yes, I owe you because you helped me last night. But I need to know your name. It's just awkward." She's weird. Bakit ayaw niyang sabihin yung pangalan niya at may nalalaman pang rule.

"Rule number 2. Bawas-bawasan mo yang kaka-english mo." Tipid niyang sagot sa akin.

"Hey. I am not playing around here okay. I just want to know your name. No. I NEED to know your name. What do you want me to call you? Stranger? The girl in the white see-through shirt? -- " Shit. Shit.

"Oh.. The girl in the white see-through shirt pala ah?" Sabay tingin sa mga mata ko. Now this is getting awkward.

"Uh. What I mean is.. W-what I mean is.. I-i.. Just please tell me your name!" Napataas na tuloy ang boses ko.

"Woah! Chill, you naughty one. HAHAHA!" Tawa siya ng tawa. Buang yata 'to.

"You know, you're cute." sabay ngiti nito sa akin.

Nakikipaglaro ba 'to? Okay. Okay. Okay.

"Okay. Miss, gusto ko lang malaman yung pangalan mo. Look, ang awkward kase. Di ko alam kung anong itatawag ko sayo. It's just that di ako komportable talking to someone na hindi ko kilala." Pagpapaliwanag ko dito.

"Parang di naman. E ang dami dami mong kausap na babae kagabi. Iba Iba. Ilan nga ba yun, mga apat o lima yata. And it's evident na di mo naman sila kilala. And you seemed really comfortable naman." Kwento nito habang nginunguya ang tinapay niya.

"Ha? Uhm. Syempre sa bar yun. And that's usual. Iba to." sagot ko naman sa kanya. Ano bang problema sa pagsabi ng pangalan? Pangalan lang naman e.

"Deanna, look.." Wait, bakit alam pangalan ko? Ah. Oo nga pala nakita niya IDs ko.

"..you don't have to know my name. Just call me whatever you want, it doesn't matter. Kung saan ka na lang komportable." I'm still puzzled. Bakit? ano ba talaga problema dito? But I opt to ask more questions.

Biglang nagbago yung aura niya. Parang bigla syang nalungkot at biglang di na makatingin sa mga mata ko.

"Okay.." Bat biglang tumahimik yata?

"Uhm. S-st-stranger.." Badtrip ano ba 'to. E wala e. Stranger naman talaga siya.

"Stranger, thank you. I mean, thank you for this. Thank you for taking care of me last night. I don't know what will happen to me if you didn't give a hand. I owe you this one. Sorry din sa inasal ko. Sorry. So, paano ba ako makakabawi? Ah! So I have no work this Sunday, can I just visit you here? You know, dala na lang ako food tas maybe we can watch movies.. tas kwentuhan.. Wait. Anong gusto mong pagkain? Pizza? Milktea? Burg--"

"Rule number 3. You can't come here unless it's Friday. Wala ka ring maabutan actually. So just don't come here."

"Rule number 4. Stop asking anything about me. I'll just tell you what I think you need to know or kung ano lang gusto kong i-share sayo. You can't ask." Now, this one's getting weird na talaga.

"So what's with these rules? You don't want me to know your name. Ayaw mong magtanong ako ng kahit na ano tungkol sayo. Naglolokohan ba tayo dito?" Napipikon na ko dito talaga. Nakku, kung di ka lang maganda.. oops.

"I am not asking you to follow these rules. If you're not comfortable.. na naman, edi huwag mong sundin o gawin. After all, I don't expect you naman to come back. So about last night, you're welcome." Nginitian ako. Humigop ng kape at saka na lumabas ng kwarto. Anong problema nun? Ang weird ha. Ang weird lang.

Ano bang mali? Tska paano niya nasabi na ayaw ko nang bumalik e ako nga nag-offer na bibisitahin ko siya. Ano ba toooooo!!!

Inubos ko na ang kape ko at niligpit yung pinagkainan namin. Binuhat ko na ang tray at dadalhin ko na sa kusina.

Narinig ko ang tunog ng tubig mula sa banyo. Ah, naliligo na siguro to. Tinungo ko ang laundry area at nakita ko yung mga damit ko na nakasampay. Medyo basa pa ang mga ito. Akmang papasok na ako at nakita ko na nakalabas na sya ng banyo. Naglalakad papunta sa kwarto. Nakatapis.

Okay, saan ba pwede iadjust ang aircon at parang uminit yata?

Nagpasya akong umupo muna sa living area. Ayoko muna pumasok ng kwarto. Respeto na rin at magbibihis siya. Woah, Deanna. This is not so you. -- What?? Erase. Erase. Di ko siya kilala. Tsaka sa ginawa nya sa akin, nakakahiyang magpaka-walang hiya.

I don't know but I know she's different from all the girls I slept with. I find her attractive. She's pretty. I like her smile so much kahit parang laging nakakaloko. And oh, that white see-through shirt, damn. Napangiti na lang ako. I cupped my face with my palms. Shit. Kinikilig ang gago?

"Are you okay?" Napalundag ako sa sobrang gulat.

"HAHAHAHAHA! Anong nangyayari sayo? Okay ka lang? Kantyaw pa nito habang kinukuskos ng twalya ang kanyang buhok.

"Bakit pabigla-bigla ka naman kasing nagsasalita diyan?" sagot ko sa kanya.

"Inaantok ka pa ba? Masakit ulo mo? May gamot doon sa drawer. May mga bottled water ako dun sa maliit na fridge sa loob ng kwarto. Uminom ka at matulog ulit. I'm sure it will make you feel better." Payo nito sa akin.

Okay, so maybe tama nga siya. Medyo inaantok pa rin naman ako. Since wala naman ako lakad ngayon, susulitin ko na muna dito at nang makapagpahinga. Tumayo na ako at papasok na ng kwarto.

"Salamat. Yeah, maybe I need to sleep ulit. Okay lang ba dito muna ako until I feel okay? Uhm. Yung mga damit ko medyo basa pa naman. Siguro paggising ko tuyo na yun." pakikiusap ko hanggang umabot na ako sa pinto ng kwarto. Siya naman papunta sa sofa na kinauupuan ko kanina.

"Sure." pagkumpirma naman nito.

Akmang isasara ko na ang kwarto nang magsalita sya.

"Rule number 5. Never ever fall in love with me, Deanna."

Marahan kong sinara ang pinto na kunwari di ko narinig. Fuck. Ayoko mag-freak out sa harap niya. Wait. Bakit ako magffreak out? Assumera yata to. At bakit naman ako mai-in love sa kanya?

Dumiretso ako sa drawer at kumuha ng gamot. Tinungo ko naman ang mini fridge para kumuha ng tubig. Pagkainom ay humiga na ako sa kama.

Pinikit ko ang mga mata ko. Di ko namalayan ay mulat na pala ang mga ito at nakatulala sa may kisame. Bumangon ako. Umupo. Nag-iisip. Deanna, kumalma ka. Ano ba? Matulog ka nga. Bakit mo na iniisip yung mga pinagsasasabi ni Stranger. Ang isipin mo na lang, she's just another random girl you slept with. That's it. Okay? Nothing more. Nothing less.

Slept with? Did something happened between us?? Argh! Di ko talaga maalala. Pinipilit kong balikan lahat ng sinabi nya sa akin mula kaninang paggising ko...

Wait. Did she say "Kaya ka iniwan ng girlfriend mo kasi ganyan ka.."

WTF! Nakwento ko ba yun? No. I can't remember we talked last night. Unless nag-sleep talk na naman ako. Shit. Shit talaga. Okay self, kalma ulit. E ano ngayon kung nag-sleep talk ako? Di naman nya kilala kung sino ex ko. Hayy.. Nakakapagod mag-isip.

Humiga ako ulit. At di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now