Deanna ---
"Parang di ako kumbinsido na maayos yung guhit ko Bryce.." kwento ko kay Bryce habang naglalakad kami papasok ng hotel.
"Lintik ka naman Deanns, ako nga di ko naisip na pwede pala yung layout na yun sa sobrang kitid ng area tapos sasabihin mo sa akin na di ka kumbinsido?" Sagot nito sa akin.
"Tsk. Di ko alam. Di ako mapakali. Check ko ulit bukas. Parang di kasi bagay." Tuloy ko pa.
"Pabayaan mo na. Ang ganda nga e. Tsaka another approval na naman hihingin natin kay Mr. Sandoval kung sakali. Mahabang paliwanagan pa yun." Kung sabagay, tama nga naman si Bryce.
Bawas-bawasan mo kasi pagka-perfectionist mo Deanna.
Pumasok na ako sa kwarto ko at si Bryce din. I fixed my things and went to a quick bath. Lalabas kami for dinner at iinom daw kami ng kaunti.
"Bryce, saan tayo mamaya? Dun na lang tayo sa malapit para agad tayong makauwi." Text ko sa kanya.
"Huwag ka mag-alala, malapit lang yun at mage-enjoy ka. Matagal ka pa ba? Nandito na ako sa baba sa smoking area ha. Text ka lang. " Reply niya sa akin.
I wear a plain white shirt, shorts tapos moccasins na lang para komportable. Bumaba na ako para makakain na.
I'm craving for Jema.
Ay. Erase. Erase. Mali. Haha!
I'm craving for Spanish pasta. Naalala ko tuloy si Mommy.
"Tara?" Aya ko kay Bryce. Sasakyan na lang daw niya gagamitin namin.
The food is great dito sa restaurant na kinainan namin at nabusog naman ako.
"So saan tayo next? Chill lang ako Bryce ha. Ayokong malasing." Habilin ko sa kanya.
"I drink to get drunk, Deanns. Walang hindi malalasing sa gabing to. Hahaha!" Biro niya sa akin.
"Negative ako diyan. Mahirap mag-field work pag may hangover. Bahala ka. Haha!" Sagot ko naman.
We drove into this bar di kalayuan sa restaurant na kinainan namin.
The ambiance is nice. Wala din gaanong tao.
"Tara Deanns." Paga-aya sa akin ni Bryce.
Umupo kami malapit sa may stage. Gusto daw niya malapit dito para kita niya ang performers.
Naalala ko tuloy si Jema.
Yung second meeting namin sobrang memorable. I could still remember yung expression niya while singing our song. Sa tuwing pipikit siya at dinadamdam ang kanta. The way she make a quick eye contact every time she sings the line "..aawatin ba ang puso kong ibigin ka.."
Wag mo nang awatin. Wag mo nang pigilan Jema. Willing naman akong saluhin ka.
"Huy! Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?!" Pambubulahaw sa akin ni Bryce.
Naknang. Nagd-day dream ang tao e!
"Ah wala. May naalala lang ako.." Tipid na sagot ko.
"Babae ba yan? HAHAHA!" Pangu-usisa niya.
"Hindi ah!" Sagot ko sabay bukas ng isang bote ng beer.
Naisipan kong itext si Jema. Magbabakasakali lang baka gising pa. Sana gising pa nga. Namiss kong inisin siya sa text. Haha. Sarap asarin e.
Pero mas masarap kang mahalin, Jema. Ayaaaaaan!
"Hi.. How are you? I guess you are loaded the whole day. Pahinga ka mabuti. 😊" Simula ko. Hmm. Parang ang pangit naman Deanns.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️