Chapter 62

16.5K 399 205
                                    

Deanna ---

Kakatapos lang naming mag-usap ni Engr. Mahal over the phone. I checked on her kung nakadating na siya sa office. Funny thing is kinikilig pa rin ako hanggang ngayon sa usapan namin. HAHAHA! Lintik na yan.

Sarap pa rin talaga kiligin. Yung kilig na totoo. Yung kilig na hahanap-hanapin mo. 

We'll be having our lunch date later and I can't hide my excitement. Pwede bang hilain ang oras?

"Ngiting in love yan ah! HAHAHAHA! Parang iba ang ngiti mo ngayon Architect!" Asar sa akin ni Bryce habang pababa kami ng cafeteria para magkape.

"Di ah! Pero actually? Oo. Haha!" Sagot ko dito.

"Aba kita mo nga naman. Happy for you bro! So who's the unlucky one? HAHAHAHA!" Hirit pa niya.

"Baliw! Pero malas nga ba talaga siya? Haha. Swerte kaya niya sa akin. Kahit nagtatampo ako pinagluto ko pa." Pagbibida ko naman.

"Aba! Iba yata talaga tama mo diyan. Ganun ka ba talaga? Mataas tolerance mo sa inis at pagtatampo?" Pang-uusisa nito sa akin habang nagtitimpla ng kape.

"Actually hindi. Hindi uso sa akin yung manuyo. If it's your damn fault, hahayaan kita. Kapag naman ikaw nagtampo, bahala ka din. Haha. Grabe 'di ba. Pero iba siya e. I don't know but I just want to spoil her in every way I can. She makes me really happy bro." Kwento ko sa kanya.

I can't explain how happy and soft I felt nung sinabi ko yun kay Bryce. At habang nagsasalita ako, mga ngiti ni Jema ang nakikita ko. It's crazy, but damn I love that girl so much.

"Wow! I am really happy and at the same time proud ako sa'yo. Ayos yan! For an Architect, it's really important to be inspired. Huwag lang papadala sa emotions kapag may away kayo ha? Baka puro hard edges at kanto and mai-drawing mo. HAHA!" Paalala niya sa akin.

"I will take note of that. Thanks bro." Sagot ko sabay tapik sa balikat niya at kumuha na rin ako ng kape ko.

"Kailan mo papakilala?" Tanong nito saka humigop sa kape niya.

"Soon brother. Soon." Tipid na sagot ko at nginitian ko na lang siya.

Kailan nga ba? When do you guys plan to come out and share your love to the world? - Hindi ko pa alam. For now, focus ko  muna yung mas makilala namin ang isa't-isa.

Focus ko na mas makilala ko pa sya. Kasi ako I am sharing halos lahat na ng importanteng bagay tungkol sa pagkatao ko. Pero siya, misteryo pa rin siya sa akin.

Hindi madaling maging tanga sa mga nangyayari. Hindi madaling mangapa. Hindi madaling mag-isip kung paano mo pagdudugtung-dugtungin ang mga pangyayari just for you to have  a better look of the situation. Yung biglang may mga taomg susulpot sa kung saan na bahagi pala ng buhay niya dati pero hindi ka makapagtanong kung sino ba yung taong yun.

So yeah. Sa ngayon, yun muna ang focus ko. Hindi naman yata required sa isang relasyon na ipangalandakan sa buong mundo. Sabi nga nila, "Keep it private. But not a secret." Hindi naman na secret yun kasi may iilan na rin namang nakakaalam at yun yung mga taong malalapit sa amin. Para sa akin okay na yun at iyon ang mas importante.

--------------------------------

"Good morning, Architect Wong!" Bati sa akin ni Sir Jesse na hindi ko man lang namalayang dumating na pala dito sa office.

"Hi Sir, good morning po! I'm sorry di ko po namalayan yung oras sa dami ng ginagawa. Please follow me po, dito po tayo sa client lounge." Bati ko sa kanya at nakipag-kamay ako. Inaya ko na rin siya sa client lounge para mas private yung pag-uusap namin. Binitbit ko na rin ang aking sketchpad at planner.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now