Chapter 33

9.2K 251 16
                                    

Deanna ---

Mr. Sandoval will visit the site today that's why I decided to be early. I used to do this even on my previous projects. I hate being late whenever the client goes to site, respeto ang tawag ko dun. 

Nag-drive thru na lang ako for breakfast at doon na lang ako maga-almusal. It's 6:25 am, tulog pa siguro si Engineer Galanza. Mamaya ko na lang siguro tatawagan or ite-text.

Magpa-miss ka naman Deanna. Bahala ka baka magsawa o makulitan yan sa'yo.

Kung sabagay.. Tama nga naman. Tsaka busy lagi yun baka isipin niya nkaka-istorbo ako. 

Sige! Di muna ako magpa-paramdam, tingnan nga natin. HAHAHA!

Nakarating na ako sa site at may isang worker na din ang nandoon.

"Good Morning po, Ma'am Deanna." Bati nito.

"Good Morning po sa inyo. Nag-almusal na po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Heto Ma'am, pinabaunan ho ako ni Misis ng tinapay at magtitimpla na lang ako ng kape. Saluhan niyo ako Ma'am!" Paga-aya nito.

Tiningnan ko ang bitbit kong paper bag. Bigla kong naisip na may dala akong pancakes, fried rice, egg and sausage galing sa fast food. Samantalang si Kuya, kahit tinapay lang, Misis niya ang naghanda para sa kanya. Hayy..

"Uhm. Sige ho! Sasaluhan ko kayo.. Heto at share na rin tayo sa dala ko." Aya ko sa kanya at nginitian ko ito.

Kumain kami sa isang mesa at nagkwentuhan. I actually do this para nakikilala ko ang mga taong nakaka-trabaho ko, isama mo na rin ang mga experiences nila na naishi-share sa akin. Truly inspirational. I am really having a good breakfast now.

"Ang aga ah!" Bungad ni Bryce.

"Di ako maaga, late ka lang. Haha!" Biro ko dito.

"Pasensya na, nalate ako kaunti ng gising. Napasarap ang inom kagabi e. Siya nga pala, salamat daw ulit sabi ni Trixie at Stacy." Sagot nito habang chine-check ang telepono.

"Okay lang yun. Pakisabi salamat din at nag-enjoy ako." Pakisuyo ko.

"Halatang nag-enjoy ka nga! HAHAHA!" Biglang sabi niya.

Anong ibig mong sabihin Bryce?

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo 'tong mga pictures na inupload ni Trixie." Sabay abot niya sa akin ng telepono niya.

What. The. Hell.  Mukha akong wasted!

As I check all the photos, napapakamot na lang ako ng ulo ko.

There are pictures na naka-akbay itong si Stacy sa akin. On our group picture nasa baywang niya ang kamay ko. Wacky photos, she posed like she's about to kiss me on my cheeks.

Patay ka diyan, Deanna Wong.

Nah. Nothing to worry about. Natural lang naman yung mga ganyang pictures and besides, I have no Facebook account though.

Binalik ko na ang phone ni Bryce at inaya ko na siya sa taas to check the construction at parating na din si Mr. Sandoval in a few minutes.

-------------------------------------------------------------

"All good here, Thank you Architect Wong for working closely in this project!" Pasasalamat ni Mr. Sandoval.

Sige, okay lang kahit na-late ka sa usapan natin. Ang aga ko pa man din dito sa site.

"No worries Sir. Me and Architect Cortez will be watching closely to this. We'll send you the updated progress report by the end of the day. Thank you Sir for dropping by." Sagot ko sa kanya at nakipagkamay na kami ni Bryce. Umalis na rin ito pagkatapos.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now