Jema ---
Bakit parang kinakabahan ako? I am thinking of the things I did these past few weeks at wala naman akong nakikitang mali. If there is, tatawagan naman ako agad ni Sir Ed. So what's with this urgent meeting? Patuloy ako sa paglalakad.
Di ko masyadong binibilisan para mai-relax ko na din sarili ko. Buti na lang at agad kaming nakarating ni Arki at nakapag-ayos pa din ng kaunti.
"Good afternoon Ma'am!" Bati sa akin ni Jessie, receptionist namin at nginitian ko lang sya. Tensed talaga ako.
Napansin ko na tahimik lang yung mga staff na nadaanan ko sa first half of the office. Kinabahan naman ako lalo. Ang weird. Bakit parang mga mukhang napagalitan 'tong mga 'to?
"Ma'am, nasa conference room na po sila lahat." Sabi sa akin ni Faye.
"Okay, salamat." At dumiretso na ako dun. Bahala na nga.
Pagbukas ko ng pinto..
.
.
.
"SURPRIIIIIIIISE!!!" Sigaw nilang lahat at halos mabingi ako sa ingay kasabay ng pagputok ng mga party poppers.
"Congratulations, Jema! You really did great!" Salubong sa akin ni Boss Ed, sabay abot sa akin ng boquet of flowers. Dinig ko din ang ibang staff na nagco-congratulate din sa akin at nakangiti.
"Ah.. T-thank you Sir. Uhm. Naguguluhan po ako. Para saan po ito?" Tinanggap ko ang mga bulaklak mula sa kanya at nauutal kong tanong.
"Congratulations, Hija." Lumapit mula sa likuran ni Boss Ed ang lalaking may pamilyar na boses.
"M-m- Mr. Saavedra?" Halos lumuwa yung mga mata ko sa sobrang gulat.
"I came here to personally congratulate you. I am really impressed and very excited about our project. You deserve this. Congratulations!" Sabay abot nya sa kamay ko and we shake our hands.
Di pa rin ako makapaniwala. Sobrang speechless ako. Pati kay Mr. Saavedra wala akong nasabi. THANK YOU LORD!
"I know you are out of words pa Jema, but do you have any message for everyone?" Paanyaya ni Sir Ed.
"Ah. Uhm. I just really want to thank everyone for putting such a great effort for this project proposal. I am really excited and I would also like to thank Mr. Emmanuel Saavedra for the trust he had given us. Thank you so much Sir.. To my team in Engineering Operations, thank you. And of course to the board members and all the hard working people behind Megawide Prime Holdings, Thank you for the support and we will continue our legacy. God Bless us all!" Mensahe ko sa kanilang lahat.
"Kainan na!!!" Sigaw ni Derek at tuwang-tuwa naman ang lahat.
"Ayos ba?" Nilapitan ako ni Arki at may ngiting nakakaloko.
"NAKAKALOKA KA TALAGA! Pakana mo 'to lahat ano?" Binigyan ko sya ng isang "lagot-ka-sa-akin" look.
"Hahahaha! Naisip ko lang na deserve mo naman 'to. Congrats bes!" At niyakap niya ako.
"Congratulations, Mumsh!!! So proud of you. Ang galing-galing mo talaga!" Bati naman sa akin ni Derek at bumeso sa akin.
"Thank you Mumsh! Nakku. Di ko 'to magagawa kung hindi dahil sa effort din ninyo. And as a way of giving back, I'll treat you! Bago man lang tayo maging busy ulit sa project na to ay makapag unwind man lang tayo ng kaunti. See you later after shift sa Pub. G tayo ha!" Pag-anyaya ko dito.
My team deserve this. Kahit simpleng unwind man lang. Saka ko na sila it-treat for an out-of-town after ng first phase ng project.
"Oh, may nagpapa-abot pala." At ibinigay sa akin ang isang boquet of flowers. Ang ganda. Sunflowers, favorite ko to. Mamaya ko na babasahin yung card.
Inilapag ko ito sa table ko at lumabas ulit para makipagkwentuhan sa mga staff at kay Mr. Saavedra.
After almost an hour, umalis na ang ibang bisita at nagpasalamat din ako sa kanila. Sobrang saya ko, especially seeing my team and the company this happy. This inspires me to do my best pa. Sumenyas ako kay Arki at pinalapit ko sa akin.
"Samahan mo ako sa Pub at magpapareserve ako ng KTV room. Chill tayo later after ng shift ng team ko." Pag-anyaya ko dito.
"Ay gusto ko yan Bes! Tara na!!" Aba, at talaga namang pagdating sa ano e.
Nagpaalam na ako kina Derek. We have to go to The Pub at baka maubusan kami ng rooms. Bumaba na kami ni Arki at nagtatalo pa kami kung kaninong sasakyan ang gagamitin.
"Dalhin na lang nating pareho at wag na natin pagtalunan. Nakakahiya at naghihintay yata ng mapagpa-parkingan yung kotse dun oh! Halika na." paanyaya ko kay Arki at umalis na kami.
Pagdating sa The Pub ay pinauna ko na muna si Arki sa loob at naiihi na daw sya. Naghanap ako ng mas magandang pagpupwestuhan ng kotse ko. Mahirap na at mamaya puno na dito baka mahirapan ako makalabas.
After a few minutes ay pumasok na din ako at nakita ko si Arki na may kausap na tatlong babae, yung isa may kausap sa telepono.
"Jem!" Tawag sa akin ni Arki sabay kaway sa akin. Lumapit naman ako. Ang weird. Bakit ganito naman makatingin 'tong mga 'to sa akin. Umupo na rin ako.
"Jem, this is Bea, Pauline and Maddie." Pagpapakilala niya sa akin.
"Wow, I didn't know kilala mo pala sila. We guys met yesterday, right?" baling ko ng tingin sa kanila.
"Oh, Yeah. Jema right? I'm Pauline. Just call me Ponggay. I'm really sorry. Di ko talaga sinasadya." Pagpapa-umanhin niya.
"It's okay. Nagmamadali din kasi ako lumabas. I should've given you way first. Hayaan mo na yun." Ngumiti ako dito.
"Are you guys with someone?" Tanong nung Bea ata yun.
"Ah, yeah. Papunta na rin yung mga yun. Team members ko sila actually. Siya nga pala Arki, okay na ba yung room? " Nilingon ko si Arki na kasalukuyang tumitipa sa telepono niya.
"Oo. Okay na. Kinuha ko yung for 20 pax ah. Para kung sakaling may hahabol, pwede pa." Pagkumpirma nito sa akin.
"All good. Pero kung wala nang hahabol, you can join us guys." Pag-imbita ko kina Ponggay. Nagtinginan naman sila.
"Uhm. Di na siguro, nakakahiya. Hehe. Team niyo yun. Maybe we can hang out some other time diba guys? Kung okay lang sa inyo." Sagot ni Ponggay.
"Sure! Gusto ko yan. Pwede tayo sa unit ko." Pagprisinta ni Arki. Aba at close na agad sila ha.
Tumayo na ako at nagpaalam pansamantala sa kanila to check the room. Just want to make sure na pagdating ng team ko e okay na lahat para masulit namin yung oras.
Sumenyas ako kay Arki at pinapunta ko na rin sa room at nagpaalam na sya kina Ponggay.
It's already 5:30 at nagsimula na silang magdatingan.
Tonight's going to be fun!
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️