Jema ---
Wednesday nga pala ngayon at tambak ako ng meetings. Good thing is smooth sailing ang communication all across different departments kaya hindi masyadong madugo ang meetings even with the executives and the board.
"Tara lunch?" Aya sa akin ni Derek.
"Sige lang, tapusin ko na muna 'tong paper works ko. Mukhang natutunugan ko kasi na ie-area na naman ako e." Sagot ko sa kanaya.
"Di rin natin masisisi si Sir Ed, he knows how you work kaya gusto niya na minsan nasa field ka." Kindat nito sa akin.
"Kung sabagay, okay lang sa akin at nakaka-saglit ng gala! HAHAHAHA!" kwento ko.
"Huwag kang maingay at baka may makarinig sa'yo. Haha. O siya, baba muna ako at hinihintay na ako nina Macey." Pagpapaalam nito.
I decided to play random songs on my playlist para di ako gaanong mainip sa ginagawa ko and I played it on speaker.
"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan.." This song.. Napangiti naman ako kaagad at naalala ko itong si Deanna. I can't deny it she really has a nice voice tapos ang cute pa niya. - Kaartehan ni Jema strikes again.
Nag-lunch na kaya yun? Hmm. Binitiwan ko ang pen na hawak ko and I picked my phone. Heto na naman tayo sa staring game ko sa number mo Deanna.
"RIIIIIIINNNNGGGGG!" Ay putcha! nagulat naman ako at biglang nag-ring ang phone ko ang guess who's calling?
Architect Deanna calling.. Huwag na tayong pakipot at sasagutin ko na. HAHA
"Hi, Good afternoon. Yes Architect?" Formal lang tayo para lowkey ang datingan.
"Hi.. Uhm. nag-lunch ka na?"
"Nope, not yet. I have a lot of things to do. Mamaya na siguro."
"Go grab your lunch. Don't skip meals baka magkasakit ka. I need a healthy Engineer."
"Gaya-gaya ka Wong!"
"Cute. Haha!"
"Ha?"
"Hang ganda mo! Hahaha!"
"Hello? I think the line is breaking. Nasa site ka? I can't hear you."
Toot. Toot. Toot. Ano ba yan, binabaan ako?
"Kumain ka na. Lalong di ka matatapos sa ginagawa mo kapag nagkasakit ka." Ah.. Kaya pala ako binabaan dahil di na kami magkarinigan at nag-text na lang.
"Okay. Will do after this." Reply ko naman.
"Uhm. Can you do me a favor?" Abah, di yata busy at nakakapagtext.
"Sure. What is it?" Tanong ko sa kanya.
"Please do take good care of yourself. Pag-uwi ko ako na maga-alaga sa'yo. :) "
Anong kaharutan ito Deanna Wong?! Kala mo ha, hintayin mo reply ko!
"Look who's talking here? Paano mo ako maaalagaan e ikaw nga di mo maalagaan sarili mo? -_- " Let's see anong isasagot mo diyan. HAHAHAHA
"Eh di..
.
.
.
alagaan natin ang isa't-sa? And I think that's sweet. :) <3 "
AAAAAAAARRRRGGGHHH!!! Ayaw mo magpatalo ha?
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️