Deanna ---
"Wake up, my architect. Luto tayo breakfast for everyone." Marahang bulong sa akin ni Jema.
I gradually opened my eyes and man, it's always the best part of my day na siya yung unang taong makikita ko paggising ko.
"Uhmm.. Ayoko pang bumangon. Dito muna tayo please?" Niyakap ko siya mabilis akong pumaibabaw sa kanya saka ko siya pinaulanan ng mga halik.
"Halaaaa Deanna Wong! Nakikiliti ako. HAHAHAHA!" Masaya niyang tugon sa akin. Saka niya ako kinurot sa may tagiliran ko.
"Ouch! Ito naman oh, ayaw mo ba? Naglalambing lang e!" Bumalik ako sa pagkakahiga at kunwari ay nagtampo ako rito.
"Tampo ka naman agad. Lika na po. Bango na tayo please, let's prepare breakfast for everyone. Tapos we'll go out bibili pa tayo mga pasalubong di ba? Kaya bangon ka na po diyan..." She explained at hinihila na ako patayo ng higaan.
"Okay, okay. Heto na babangon na. Pero kiss mo muna ako last, please?" Bumangon na ako saka sinabayan na rin ng puppy eyes.
She cupped my face and gave a quick smack but too late, I already locked her waist and kissed her passionately. Wala na siyang nagawa but to answer those kisses. I started kissing her neck but before I was able to remove her shirt, she pushed me sabay takbo papunta sa pintuan palabas ng kwarto.
"Ayokong mapasubo. Tara na. HAHAHAHA!" Sabay labas ng kwarto.
Natawa na lang ako at dumiretso ng rest room. Naghilamos, toothbrush saka na ako lumabas ng kwarto.
After Jema and I finished preparing the food, ginising ko na yung apat para makakain na. Jema prepared hot coffee for everybody. Malamang sakit ulo din mga 'to at naka-dalawang bote rin kami ng whiskey kagabi.
Hindi na nga sana ako iinom, kaso hindi na ako maka-hindi sa kundisyon niya. Na kapag uminom ako, isasama niya akong uuwi ng San Pedro. San Pedro yun men! Ipapakilala na niya ako sa fam niyaaaaaaaaaaaa!!!
Well, na-meet ko na naman na si Pangs at Tita Fe este Nanay Fe, HAHAHA! Yun ang iniisip ko ngayon, hindi pa niya alam na nakilala ko na Nanay niya. Pero siguro easy na lang naman yun. What makes me more excited and at the same time nervous is meeting Jema's father. Like, alam ko naman yung kwento na ayaw niya kay Andrei at pinaghiwalay silang dalawa dati. Paano naman ako? Matatanggap kaya niya ako? Paano kung ayaw niya rin sa akin? Paghihiwalayan din ba kami? Shit. Di ko alam anong gagawin ko sakaling dumating man sa puntong yun.
"Architect Wong!!! Kakain ka ba o kakain ka?!" Sigaw ni Jema sa akin na nakaupo sa tabi ko. Nagsimula na rin pa lang kumain itong mga kasama namin.
"Ano Deanns, may tama ka pa yata ng alak?" Bea teased sabay tawa.
"No no.. Sorry, may iniisip lang ako. Sorry Mahal.." Sabay lingon ko kay Jema and kissed her forehead.
"Ano na naman yang iniisip mo?" Bulong nito sa akin habang nilalagyan ng pagkain yung plate ko.
"Uhm.. Wala excited lang ako ng pumuntang San Pedro." Masayang sagot ko sa kanya.
I was surprised with her reaction. Ngumiti lang siya. Na para bang pati siya nae-excite at masaya rin na uuwi kami sa kanila. Hayyys!!! I really can't wait!
After naming kumain ay nagprepare na kaming dalawa ni Jema. Pongs, Maddie and Bea will stay here na lang sa bahay since nakapag-shopping na rin naman sila kahapon. Brent will join us naman to buy some pasalubong today.
"Is it okay if I'll just leave you sa mall tapos tawagan niyo na lang ako if you need to go back na? May client lang kasi ako nakikipagkita today. Pero malapit lang naman doon." Brent asked habang nasa byahe kami.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfiction"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️