Chapter 12

9.1K 199 2
                                    

Jema ---


"Iced Caramel Machiato with extra shot of Espresso!" Abot sa akin ng barista.

Sumaglit ako dito sa Starbucks then akyat na ako ng office. Medyo napaaga ako ng dating gawa ng pag-adjust ko ng oras. Monday kasi ngayon at for sure traffic lalo na manggagaling ako ng Laguna.

Speaking of, sobrang nag-enjoy ako kahapon kasama si Arki at Tito Gael. Sobrang refreshing nung farm bonding namin.

Namingwit kami ng mga isda ni Arki tas siya ding inihaw namin for lunch. Inikot kami ni Tito Gael sa farm nila at nakita ko yung mga iba pang alaga na kinu-culture nya. Ang dami din niyang tanim na mga fruit-bearing trees.

Ang pinaka-ikinatuwa ko ay pinakita sa akin ni Arki ang isang parte ng lupa nila at sabi nya doon nya itatayo yung magiging bahay niya at ako ang gusto niyang magdesign nito! Hahahaha!

Pinaalalahanan ko siya na Engineer at di Arkitekto.

"Good morning po Ma'am Jema!" Bati sa akin ni Manong guard.


"Good morning po Manong!" Dumiretso na ako sa table ko and put my coffee on top of it. Umikot muna ako sa buong floor.

First in the morning I always check kung sino yung mga wala so I can cover up.

Hero ba? Haha.

"Ma'am Jema, Lloyd is out po today. Sabi po niya sa akin nakapag-advice na po siya sa inyo and yung costing po na pine-prepare nya for the project in Ilo-Ilo in progress pa din po." update sa akin ni Macey.

"Ah yes. Nakausap ko na siya kahapon. I'll do it today. Patapos na rin ako dun sa costing for CamSur." Sagot ko sa kanya.

"Huy Jema." Nilapitan ako ni Derek.

"Huwag puro salo. Masyado kang mababait sa aming mga subs mo. Masyado ka nang subsob sa trabaho baka naman magkasakit ka na niyan." Paalala nito sa akin. Si Derek para ko na rin 'tong kapatid dito sa opisina.

"Oks lang. Salamat. Kaya naman ano ka ba." At nginitian ko na lang.

"Kumusta nga pala yung presentation kay Mr. Saavedra nung Sabado? Di na ako nakatawag sorry. Nagka-emergency lang talaga." Paawa effect sabay akbay sa akin.

"Speaking of. May utang ka sa akin ha. Last minute iiwan mo ako sa ere. Buti na lang at maganda kinalabasan ng pagu-usap namin. Casual lang. I'll just wait for his feedback until tomorrow morning daw. If we get this, I'll bring all of you guys sa Coron!"Tuwang-tuwa kong balita sa kanya.

"Guys!" Letse. Di na nakapagpigil.

"Ma'am Jema said that if we'll get the project for Limitless, she'll bring everybody in Coron!" He exclaimed to everyone.

"YES!!!" Sabay namang sigaw ng mga staff ko. Haha. Well, they deserve it naman. Pinagpaguran naming lahat iyon.

"Kaya guys, let's just hope for the best ha! Again, thank you for all your efforts. Your ideas and inputs made that proposal one of the best presentations I've ever had. Thank you all!" I left the area and went back to my table.

Sinimulan ko na yung costings at may field work pa ako after lunch.

"Ma'am, area po tayo ng 1PM. Nag-request po ng adjustment sa schedule si Mr. Villafuerte. Sorry po short notice." Si Alex, one of my engineers.

"No worries, Alex. Meet me in the lobby at 11:30." Sagot ko dito.

"Hiyang-hiya na si Darna sa powers mo girl!" Bulong sa akin ni Derek.

"Derek, kailangan ganun talaga. Ready lagi mag-adjust sa client." Sagot ko sa kanya.

"Ako na bahala sa packed lunch mo. Sigurado na di ka na naman sasabay sa amin mamaya. So ako na bahala. Para sure din na kumain ka. Lagi ka na lang nagpapalipas ng gutom. Sa kotse ka na kumain." Bilin nito.

"Thanks Mumsh!"

"Ma'am Jema, phone call po?" - Si Faye, Secretary ko.

"Ma'am si Mr. Arth Gonzales po ng Gonzales and Gonzales."

"Oh yes, please transfer the call. Thanks Faye."

"Hello good morning, Mr. Gonzales. Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Hello Ma'am ganda, good morning. Ma'am about sana sa joint project proposal ko last time? Kumustahin ko sana."

"Ah yes Sir. Pasensya ka na ha at di ako nakatawag. May update na po ba tayo sir sa Staff profiling? I am kinda hesitant sir kasi kaya po kami naghanap ng partner for the project in Bataan kasi out yung mga architects and engineers namin sa ibang projects. E sa proposal niyo po wala po kayong Architect."

"Ay ma'am di pa po ba na-email ni Venice yung staff pofile? May bago na kasi akong Architect. Actually 2 months ago pa kaso di ko lang isinama sa proposal ko kasi nasa field exposure siya. But I am confident she's ready now."

"Wala pa po akong nare-receive na email sir. Kindly send it through na lang po sa email ni Faye and I will review it. Para mahatulan na natin sir. Hahaha"

"Naku ma'am, bigla naman akong kinabahan. Haha. Pero sigurado ako ma'am na kakayanin 'to ni De--"

Toot. Toot.

"Faye, na-cut yung line namin ni Mr. Gonzales. Please call him na lang na paki-email yun profile nung Architect. Kindly forward it to Derek for screening tapos paki-CC na lang ako ha. Thank you." Pakisuyo ko.

"Noted po ma'am."

It's 11 o'clock and finally tapos ko na yung costing for Ilo-Ilo. Itutuloy ko na lang yung for CamSur sa byahe. I need to prep na for area.

"Mumsh, ifo-forward sa'yo ni Faye yung staff profile ng architect ng Gonzales and Gonzales. Paki-screen na lang ha. Baka bukas na ako bumalik ng office. May pupuntahan pa ako after field work." Habilin ko.

"Noted Mumsh. So hotel ka na naman magsstay tonight? Sabi ko na kasi sa'yo sa bahay ka na muna pansamantala e. Wala naman ako kasama dun atleast comfy ka." Never say die pa rin itong si Derek sa akin.

"Salamat na lang mumsh. Nakakahiya din kasi. Una na ako ha. Salamat. See ya." Pagpapaalam ko.

"Okay Mumsh, ingat!"

Nasa lobby na ako at hinihintay ko na lang si Alex. I checked my phone and Arki sent me a text message.

"Bes? :( "

Ano kayang meron dito? Nakakapagtaka. Ito na yata yung shortest text message ni Arki sa akin may pa-sad face pa.

Proposal. Proposal.

Shit? Huwag naman sana.

"Ma'am, ready na po yung sasakyan. Tara na po?" Aya sa akin ni Alex.

Okay. Mamaya ko na 'to iisipin. Focus muna ako sa field.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now