Deanna ---
Derek went out of the KTV Room and approached us sa bar. I introduced him to Ponggay, Bea and Maddie. They had a little chat but was cut nung nagpaalam na yung ibang staff members nila at uuwi na daw. Ininvite naman kami ni Derek to join them since silang tatlo na lang nina Arki at Jema ang naiwan.
Agad namang pumayag itong tatlong gung-gong na kasama ko. Bumalik na si Derek sa room and told us na sumunod na lang after.
"Bakit kayo pumayag? Nakakahiya kung sasali pa tayo sa kanila." Pagmamaktol ko.
"As if you don't want to be there? Wag kami Deanna Wong! HAHAHAHA! And besides, you have to thank us. Kinakaibigan namin lahat ng kaibigan ni Jema for you." Sagot ni Bea.
"Dati atat na atat kang mahanap siya, ngayong nandito na tayo ngayon ka pa magi-inarte." Sumabat naman nitong si Ponggay.
Okay, Oo na. Tama nga naman sila. Nandito na nga naman ako. Pero I just thought of bakit ganito yung nararamdaman ko? 3 days ago, I just want to see her again to thank her sa ginawa niya para sa akin. I just want to figure things out. I felt like na-challenge lang ako. Pero bakit biglang all of a sudden, "I want more" ?? Hay Deanna. Erase. Erase. Erase.
I paid for our drinks and went to their room. Bea went in first at sinalubong naman nila kami and offered seats. Derek formally introduced me to Jema.
Mukhang matagal na daw kaming nagkakilala and asked kung nagkita na daw ba kami before. I said no and it was the first time na na-meet ko siya. Tiningnan ako nina Bea and confused bakit ganun ang sinagot ko.
Wala e. Gusto ko lang. HAHAHA
Kinausap ako ni Jema, halata ko sa kanya na naga-alangan pa siya. Pinag-uspan yung pagkanta namin and even asked if okay lang ako. Ganun ba kahalata na di ako okay? Well. Nagpasalamat din ako ulit sa kanya for letting me stay sa condo niya the last time.
After a while, Arki asked Jema to join them at pinuntahan naman niya ang mga 'to. Kumanta sila ng mga upbeat songs and danced to it.
Hang on, Deanns. Tuwang-tuwa ka naman sa sayaw ni Jema at napako na yang mga mata mo sa balakang niya.
Bumalik ako sa realidad nang biglang lingunin ako ni Jema. Shit, nakita ba niya akong nakatingin sa kanya? Kalma lang Deanns, sip your drink para magmukhang lowkey lang tayo. Nakita ko na unti-unti syang papalapit sa akin.
What now, Jema?
"Let's Go Deanns!" Sabay hila nito sa kamay ko.
Damn it. Pasasayawin niya ako?
I told her na I don't dance at dito na lang ako sa pwesto ko. Sinegundahan naman siya ni Bea at pinilit ako to join them. Huwag daw akong kill joy. Okay then.
I stood up and fixed my shirt frist. Before Jema took her first step, I took her hand and intertwined it with mine. With her surprise, lumingon ito sa akin giving me that "What-are-you-doing-Deanna" look.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"What are you doing Deanna?" Sagot nito at lumingon saglit kina Derek na di kami pansin dahil kumakanta sila.
"I'm holding your hand." Pilosopo kong sagot.
"I know! Pero bakit mo 'to ginagawa?" Tanong niya ulit sa akin.
"Wala. Unless gusto mo magkaroon ng dahilan?" Maloko kong sagot.
Hindi na siya sumagot. Binitawan niya agad ito at iniwan ako sa kinatatayuan ko. Nainis yata? Tsk. Wrong move yata ako? Relax ka lang kasi Deanns.
YOU ARE READING
Fridays With You
Fanfic"I woke up and the first thing I wanted was you..." Unang subok. 😊 I hope you enjoy this one. Pasensya na sa typo and grammatical errors. ✌🏻Tamad po ako mag-proof read, sorry na agad. 😅 For the love of Deanna and Jema. ❤️❤️❤️