Chapter 73

10.8K 344 67
                                    

Jema ---

"Bye guys, una na kami. T'was really a great trip! Planuhin na natin yung next ha? " Bea said and she hugged me and Deanna. Same as Ponggay and Maddie.

"Thank you guys. See you soon! Ingat kayo. Deanns, ihatid mo si Jema ha?!" Bilin ni Ponggay kay Deanna.

"Take care guys. Next time ulit! Deanns, text mo kami kapag nakauwi na kayo." Maddie said.

"Oo na, Oo na. Thanks guys! Kayo din ingat." Deanna responded and I hugged them as well. 

We will part ways na dito sa airport dahil nagpasundo si Bea sa driver nila. Deanna asked their driver na din na sunduin kami. Naunang dumating yung sundo nina Bea so we were left here.

"Are you tired? Hungry?" Deanna checked on me. 

"No, I'm okay. Ikaw ba?" I asked.

"I'm okay. Hmm.. Na-traffic yata si Manong Rommel. Gusto ko na makauwi to have rest. Ihahatid ka na muna namin sa condo mo ha para makapagpahinga ka na agad." Deanna pertaining to their driver. I agreed to her naman. 

After a few minutes Deanna saw their car na parating na and she prepared our luggage. The car pulled over and to our surprise, Tita Judin went out of the car.

"Anak!" Salubong nito sa amin. 

"Mom? Bakit ka pa sumamang magsundo?" Deanna asked and she kissed Tita Judin. Sumunod din naman ako.

"Hello Tita, nag-abala pa po kayo. Kumusta po kayo." I warmly greeted her. 

"Wala naman kasi kaming gagawin ng Daddy ninyo today e. Kumusta and biyahe?" Tita Judin explained. 

Teka teka. Did she say "Daddy ninyo.." ??? Wuw!

Sumunod naman na lumabas ng kotse di Tito Dean. 

Wuw. Tito Dean na lang hindi na "THE Architect Dean Anthony Wong"? - E Daddy daw kasi namin ni Deanna self e! Hihihi!

"Anak, kumusta? Let me help you put those sa likod." He approached Deanna at tinulungang magbuhat ng mga gamit at inilagay sa compartment. 

"No work today? Sana si Manong Rommel na lang po pinapunta ninyo Dad." Deanna said. Pero halata naman sa kanya na masaya siya to see her Dad.

"Meron, pero mamaya pa yung meeting ko e. Excited na kasi ako makita yung pasalubong ko. Meron ba anak? HAHAHA!" Natawa kaming apat sa sinabi ni Tito. 

"Of course, Dad! Ikaw pa ba." Deanna replied. Kita ko sa mga mata ni Tita Judin na natutuwa siya sa nakikita niya. Sino ba namang hindi di ba, parang mag-barkada ulit ang mag-ama.

Ikaw kaya Jemalyn, kailan? -  Malay natin self? 

Wow ha! Infairness may improvement! Mayroon nang pa-malay mo? HAHAHA!- Hay ewan ko sayo. 

"Halina kayo mamaya na yan. Dustin is waiting for you and I cooked your favorites. Engr. Galanza, sa bahay ka na kumain at magpahinga muna ha." Said Tita Judin at pumasok na kami ng kotse.

"Ahm.. Okay po Tita, salamat po." I replied.

Tahimik lang ako sa byahe. Actually kaming dalawa ni Tita, sarap kasi ng kwentuhan ni Deanna and her Dad. Deanna is sharing the new building designs and infrastructures na nakita niya sa Singapore habang si Tito naman tuwang-tuwa at parang gusto naman daw niyang sila ni Tita Judin ang magbabakasyon doon next month. 

"That'll be great! Dad, you need to take a break din paminsan-minsan. Out-of-the-country vacation naman kayo ni Mommy." Deanna suggested.

"What do you think, Mommy? Sakto, nagtatanong si Dustin nung isang araw sa akin kung magkaka-little baby brother or sister pa daw siya e! Tara sa Singapore? HAHAHAHAHA!" Banat ni Tito Dean at nagtawanan kaming lahat. 

Fridays With YouWhere stories live. Discover now