Marliyah's POVNakaharap ako ngayon sa full length mirror ko habang pinasadahan ko ang kabuan ko. Nakasuot ako ng white tee croptop, high waist, sneakers at hinayaan kong nakalugay ang waist length kong buhok, mabilis din akong naglagay ng black contact lens para sa mata ko.
Foundation Day namin ngayon sa Standford University kung saan kasalukuyan akong nag-aaral. Mabilis akong lumabas sa kwarto ko ng matapos akong mag-ayos and i quickly grab a bread and go to school.
Walking distance lang naman ang layo ng University sa apartment ko kaya no need to commute, isa pa para may exercise naman ang paa ko every morning.
"Goodmorning Kuya Robert!" bati ko kay Kuya Robert na siyang guard ng University, nginitian lang niya ako.
Pagkapasok ko palang sa University ay nagkalat na ang iba't-ibang booths and stalls sa paligid, masaya namang nagkwe-kwentuhan yung mga kapwa ko estudyante sa hallway.
I'm in a second year college taking up arts and sciences major in liberal arts. Mabilis akong naglakad papunta sa room namin at nadatnan ko yung mga ka-blockmates ko na nagkukumpulan na tila may pinag-uusapan.
"Anong meron?" tanong ko sakanila at napatingin naman sila saakin.
"Late daw makakarating si Madelyne, na sakanya yung mga props na gagamitin para sa booth natin." sabi ni Ruby na siyang naka-assign para sa booth namin.
"Oo nga, nakakainis yung babaeng yun. Kung kailan kailangan natin siya, saka naman siya mawawala." sabi naman ni Daisy.
"Triggered na ako mga bess, ayokong mabahiran ng tres yung report card ko!" sabi naman ni Macy.
Nagkanya-kanya naman na silang diskusyunan ng dahil lang na mala-late si Madelyne. Sa booth namin nakasalalay ang grades namin kaya ayoko din namang magkaroon ng tres sa report card ko.
"Saan ba yung booth natin? Ako ng bahala." presinta ko atsaka naman nagliwanag yung mukha ng mga blockmates ko.
"Really? Marliyah!" sabay nilang tanong kaya tumango ako.
"Waaahhh! Lifesaver ka talaga. Nasa sa quadrangle yung booth natin bess, may makikita kang stall doon, nandoon din yung mga ka-blockmates nating lalaki." sabi ni Ruby kaya tumango nalang ako.
Mabilis akong naglakad papunta sa may quadrangle kung nasaan yung booth namin at nakita ko namang inaayos yun ng mga ka-blockmates naming lalaki at halos wala pang design.
"Guys! Pinapatawag kayo ni Ruby, may meeting daw!" malakas kong sabi sakanila at mabilis naman silang tumango at nagsialisan.
Luminga-linga ako sa paligid ko kung may tao ba atsaka ako huminga ng malalim at nag-summon ng mga mythical creatures na may nakakatakot na itsura, inayos ko din ang design ng booth namin.
Horror house ang napili nilang booth namin kaya mga mythical creatures ang tinawag ko na sapat lang para matakot ang isang tao. Naglagay din ako ng restriction spell para hindi makapanakit ng tao yung mga tinawag kong mga nilalang.
This is my biggest secret, I'm a witch kaya minsan ko lang gamitin ang kapangyarihang meron ako, gumagamit lang ako ng magic kapag may emergency tulad ngayon, at isa pa nasa mundo ako ng mga tao kung saan imposible ang salitang magic.
Nagpalinga-linga ulit ako kung may tao ba sa paligid at nakahinga naman ako ng maluwag na walang nakakita saakin. Patay ako kapag nagkataon. Agad din akong bumalik sa room at sinabi kong tapos na ang problema.
--
"Waaahhh! Ang galing mo Marliyah. Paano mo nagawang kumuha ng ganyang karaming mascots, wala tayong pambayad sakanila!" hysterical ni Ruby at iba pa habang nakatingin sa booth namin kung saan nakapila ang kalahati ng estudyante ng Stanford University.
BINABASA MO ANG
Legend of Agartha ✔️
FantasiMarliyah Lightgood is a runaway witch in their world called Agartha wherein magicians such like witches, wizards, mages, shamans, sorcerer's, warlocks, enchantresse's, summoners and everything magical are truly exist. But seems fate will never be i...