9 /Mystique Forrest/

6.3K 262 10
                                    


Marliyah's POV

'Marliyah, come and accept your true power'

Nakatayo ako ngayon sa isang kawalan at hindi ko alam kung paano akong nakarating dito? May tinig na kanina ko pa naririnig pero hindi ko alam kung saan nagmumula?

"Sino ka?" tanong ko at nagpalinga-linga pero purong itim lang ang nakikita ko at wala ng iba.

'Marliyah, accept it'

"Sino ka ba? Ano bang sinasabi mo!" asik ko dahil sa boses na naririnig ko pero hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.

'Accept it Marliyah'

Isang puting liwanag ang lumitaw sa harap ko pero hindi siya nakakasilaw, purong liwanag lang pero sobra akong naaakit. Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak saakin na hawakan ko ang liwanag.

'Accept your power'

Bulong ng boses saakin kaya agad kong hinawakan ang liwanag at kasabay noon ang biglang pagbabago ng nararamdaman ko matapos akong kainin ng liwanag.

Nawala ang liwanag at tumambad naman saakin ang purong liwanag kumpara sa purong itim kanina. Hindi ko din alam kung nasaan ako. Nakaramdam ako ng kakaibang aura na dumadaloy sa katawan ko at feeling ko mas malakas na ako kumpara noon.

'You now accepted your power full heartedly, now awaken your power'

Bulong saakin ulit ng boses pero kumunot lang ang noo ko. Napasinghap ako ng makaramdam ulit ako ng kakaiba sa katawan ko, bigla akong nahilo at umiikot ang paningin ko.

Nag-iinit din ang katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Ramdam ko din na nananakit ang mata ko, hindi buong katawan ko kumikirot na para bang sinunog ako ng buhay at pinagsasaksak sa sakit.

"AAAHHH!"

--

Napabalikwas ako at mabilis na napabangon sa pagkakahiga habang habol ko ang hininga ko, ramdam ko din ang pawis sa noo ko.

"Isang panaginip..." bulong ko at napahawak sa ulo ko.

Anong klaseng panaginip ba'yon? Feeling ko isang bangungot yon, ramdam ko ang pananakit ng katawan ko na para bang totoong nangyari yung bangungot ko.

Umiling nalang ako at tumayo sa pagkakahiga at uminom ng tubig. Napatingin naman ako sa orasan at alas sais na ng umaga. Napatingin naman ako kay Melody na mahimbing parin na natutulog.

Mabilis akong kumilos at nag-prepare ng breakfast namin ni Melody atsaka naligo at nagpalit ng uniform, hinayaan ko namang nakalugay ang buhok ko.

"Melody gising na! Male-late na tayo, bumangon ka'na diyan!" malakas kong niyugyog si Melody at napabalikwas naman siya.

"Grabe ang aga pa, 5 minutes pa!" sabi niya at nagtalukbong ng kumot pero agad ko din yung hinila.

"5 minutes ka diyan, bumangon ka'na, nagluto na ako ng almusal natin." sabi ko sakanya at mabilis kong hinawi ang kurtina.

Bumungad saakin ang papasikat ng araw at mga nagliliparang ibon at iba't-ibang flying creatures. Ganito kasigla ang mundo ng Agartha. Agad din namang bumangon at kumilos si Melody.

"Naks! Marunong ka palang magluto girl!" puri ni Melody habang ngumunguya.

"Yeah."

Since isang taon din akong naging independent sa Earth kaya natuto akong magluto para sa sarili ko. Dito kasi sa Agartha kailangan pang gumamit ng magic para sa pagkain, typical na gawain ng mga tamad.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon