2 /Agartha/

10.5K 393 16
                                        


Marliyah's POV

Nandito kami ngayon ni Lilian sa lagusan papuntang Agartha. Ang Hollow Earth kung saan naka-locate sa pinakapuso ng Antartica, nakasuot din kami ng magic cloak panlaban sa lamig.

Sa mga araw na nakalipas ay may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Kakaibang init at feeling ko masusunog ako ng buhay dahil sa kakaibang feeling na yun na gustong lumabas sa katawan ko.

Naramdaman yun ni Lilian at hindi rin niya alam kung anong Aura ang meron sa katawan ko. Isa din yun sa mga kadahilan kung bakit kailangan ko ng bumalik sa Agartha. Nasa mundo namin ang mga magagaling na manggagamot.

Nandoon din ang kaibigan ni Lilian na isang magaling na healer.

"I'm going to miss you." sabi ko kay Lilian at mabilis ko siyang niyakap.

Nagulat siya sa iniasta ko kaya napayakap nalang din siya saakin.

"I hate to admit it, but i do really misses you too, you silly brat!" sabi niya at natawa.

"Che! Aalis na nga ako, nakuha mo pang mang-asar." sabi ko sakanya at mas lalo siyang natawa.

"Ikamusta mo ako kay Merliyah, Zedicus at sa mga Elders. Maliwanag?" paalala niya kaya tumango ako.

"May susundo sayo pagrating mo sa Agartha." sabi niya kaya tumango ako.

Ngumiti ulit ako sakanya bago tuluyang pumasok sa portal patungong Agartha. Mabilis akong nilamon ng portal at feeling ko masusuka ako dahil sa bilis ng ikot ng portal.

Umiling-iling ako sa hilo at napatingin sa masaya at makulay na mundo ng Agartha. It's been a year since i last saw Agartha at ang laki na ng pinagbago nito.

Agartha is way more technologically advanced than Earth. Civilized ang mga naninirahan dito at developed rin ang mga imprastrakrura.

Nasa Atlantis ako ngayon ang capital ng Alastair Kingdom at ang main Kingdom of all Kingdoms.

Agartha has composes of Five Kingdoms; Alastair Kingdom and the capital of it is Atlantis, Findora Kingdom, their capital is Firesse, Sylas Kingdom, their capital is Shambala, Washervail Kingdom and it's capital is Waverly and last the Elisora Kingdom and the capital is Ehren.

Napabalik ako sa ulirat ng may lumapit saaking dalawang lalaki na nakasuot ng cloak na kulay puti at asul. Typical na kasuotan ng Alastair Kingdom.

"Ikaw ba si Marliyah Lightgood?" tanong ng lalaki kaya tumango ako.

Sila siguro yung sinasabi ni Lilian na susundo saakin.

"Sumunod ka saamin."

Sumunod naman ako sakanila at mukhang hindi naman sila gagawa ng masama. Sumakay sila sa isang silver na karwahe, hindi ito simpleng karwahe dahil mana ng isang magician ang kailangan para tumakbo ang isang karwahe.

Sumakay nalang ako at napatingin sa bintana kung saan kitang-kita ko ang Atlantis, nagkalat din ang mga iba't-ibang mga imbensiyon na hindi na pamilyar saakin.

Ilang minuto pa bago kami nakarating sa isang lumang mansion. Napangiti ako dahil kilala ko kung kaninong mansion ito. Mansion of White Council kung saan naninirahan ang mga kilala at malalakas na magicians dito sa Agartha.

Bumukas ang gate at tuluyan na kaming pumasok. Inalalayan ako no'ng lalaki sa pagbaba at napangiti ako atsaka naglakad sa may double door ng mansion at kusa itong bumukas.

Tumambad saakin ang mahabang red carpet, two way staircase at ang malaking chandelier na nakalutang sa gitna. May mga picture frames din sa mga dingding kung saan nakasabit ang mga litrato ng mga dating Elders ng White Council at mga kasalukuyang miyembro.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon