11 /Festival of Magic/

6.2K 257 18
                                    


Marliyah's POV

Isang linggo ang nakaraan matapos ang nangyaring insidente sa Mystique Forrest kung saan naganap ang pag-atake ng Obsidian Horse saamin nina Melody at Scarlet.

Sa isang linggong din yun ay wala kaming ginawa kundi magsanay at magpalakas ng kakayahan dahil sa gaganaping Festival of Magic at magaganap yun ngayon. It's a traditional celebration that is held every year here in Agartha.

Isang tradisyon at kompetisyon kung saan kinabibilangan ang pagsali ng iba't-ibang Academy sa iba't-ibang siyudad at lungsod ng bawat kaharian. Required lahat sumali at ngayong taon dito mismo sa kaharian ng Alastair gaganapin ang naturang kompetisyon.

Kaya labis ang pagsasanay namin dahil isang malaking kompetisyon ang magaganap at hindi rin katanggi-tanggi ang mga papremyo. Hindi ko alam kung anong mga papremyo pero ang alam ko ay may benefit ito sa isang magician na mananalo.

Kasalukuyan kaming naglalakad nina Melody at Scarlet papunta sa Arena kung saan ang main stage ng Festival of Magic. Kaliwa't kanan din ang mga palamuti at iba't-ibang uri ng mga agarthan creatures sa paligid ng palasyo.

Nakakasalubong din namin ang iba't-ibang mga estudyante galing sa mga ibang Academy at mga panauhin ng palasyo. Nakaramdam ako ng kibot sa dibdib ko dahil ngayon ko lang mararanasan ang Festival of Magic.

Taon-taon kasi ay sila Mama, Tito Zedicus at Zach lang ang kasama ko tuwing Festival of Magic at hindi nila ako pinapayagang lumabas. Kaya ngayong isa na akong mag-aaral ng AMA ay malaya ko ng magagawa ang gusto ko.

Sumali din ako at sila Melody at Scarlet sa Magic Games na category ng Festival of Magic, ang main category ng Festival of Magic ay para malaman kung sino ang nangungunang malalakas na Academy sa buong Agartha sa larangan ng Magic Games.

"Gosh! Feeling ko mangingisay ako sa sobrang saya at excited, isama mo pa yung mga nagkalat na mga papabols!" hysterical ni Melody at nagtatalon pa sa tuwa.

"Hay nako Melody, gwapo na naman hanap mo, remember kasali tayo sa Magic Games at isa tayo sa representative ng freshmen division. Umayos ka kung ayaw mong mapahiya mamaya." asik ni Scarlet kay Melody.

"Do you think i didn't know that? Of course pinaghandaan ko ang time na'to, may oras ako ng paseseryoso at may oras din ako sa paghahanap ng gwapo." sabi niya at biglang nagpa-cute sa mga grupo ng mga lalaki na dumaan sa harap namin.

"Hmm, so get over ka'na kay Zach?" tanong ko at kumunot ang noo niya.

"No! He's my number one crush, madami akong crush pero siya ang nag-iisa sa puso ko." sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya.

"Well that's okay, as long as hindi ka magpapabaya sa Magic Games mamaya. Masasayang lang ang pinaghirapan natin ng isang linggo kung matatalo din agad tayo." sabi ko at sumang-ayon naman si Scarlet.

"Oo na! Oo na!" sabi niya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng Arena.

Sobrang laki at luwang ng Arena at kasya ang mahigit 20,000 na magicians sa loob. Maraming naghihiyawan at gumawa pa ng kanya-kanya tunog at higit sa lahat yell ng bawat Academy.

Naglakad kami sa pwesto ng mga kasali sa Magic Games at kasabay noon ang bigla kong pagkaramdam ng kaba at saya, kaba dahil first time kong sasali sa Magic Games, saya dahil sa wakas naranasan ko din ang ganito sa loob ng labingwalong taon.

Nahagip ng mga mata ko si Zach na nakaupo sa Senior division kung saan kasali din siya at ang grupo niyang Elites sa Magic Games, kinawayan niya ako kaya kinawayan ko din siya.

Medyo napawi naman noon ang kaba ko dahil kay Zach, buti siya ay may experience na dito at taon-taon din siyang sumasali sa Magic Games kaya tumaas ang kumpiyansa ko dahil may tsansang makalaban ko siya.

Nahagip ko din ang Royal Bearers na nakaupo sa taas kung saan Exclusive para sakanilang mga Royals, kasama na doon ang Reyna at Hari ng Alastair na siyang pangunahin at importanteng magician ng Festival of Magic.

Nagkatinginan kami ni Xyrell dahil doon, tumagal ng ilang segundo ang titigan namin bago ako tuluyang lumihis ng tingin. Naalala ko din ang sinabi niya saakin noong nalaman nilang ako ang anak ng Great White Witch.

Inaalok nila akong sumali sa grupo nila, tumanggi ako sa alok nila dahil hindi ko alam kung anong intensiyon nila para isali ako sa grupo niya. Kung gusto nilang mas maging malakas at matibay ang grupo nila para isali ako ay masasabi kong malakas na sila kung tutuusin.

Hawak nila ang pinakamalakas na crystals na siyang main source ng Agartha kaya hindi na ako kakailanganin sa grupo, masaya na ako sa grupo naming tatlo nila Melody at Scarlet.

"Good day to everyone of us, citizens of Agartha and greetings to the Queen and King, along with the Royal Bearers!"

Malakas na bulalas ni Professor Aldous na siyang emcee sa event na'to. Naka-flash ang mukha niya sa malaking hologram na nasa taas ng Arena kung saan kitang-kita at rinig namin ang sinasabi nito.

Sabay-sabay naman kaming yumuko ng tumayo na ang Queen at King para magbigay ng respeto, ganoon din ang ginawa ng mga Royal Bearers. Umupo sila at sumenyas na ituloy na ang naturang event.

"As of today, this is the 50th annual Festival of Magic. Welcome to all of us, this is such another great opportunity to enrich and showcase our abilities specially to those participants of Magic Games!"

Nagpalakpakan naman kami at nagsisigaw yung iba. Hindi ko alam na ganito pala ka-engrande ang Festival of Magic lalo nasa sa Magic Games kung saan kinababaliwan at hinihintay ng lahat.

"I am Aldous Zorglen your emcee for this year's event. I now officially open the Festival of Magic and in behalf of the Queen and King of Alastair Kingdom!"

Opisyal na pagbubukas ni Professor Aldous sa Festival of Magic at kasunod noon ang pagsabog ng mga fireworks at mga confetti sa buong Arena. Marami pa silang sinabi para sa openings and introductions ng iba't-ibang Academy.

"WAAAHHH! GO ATLANTIS MAGIC ACADEMY!"

Malakas na sigaw ni Melody kung saan may hawak siyang blue green na microphone kaya napatakip kami ng tenga dahil sa lakas, she uses her sonic scream kaya natawa nalang kaming lahat dahil sa sobrang hyper niya.

Nagsimula ang Magic Games at sinimulan ito ng dalawang kilalang Academy sa Sylas Kingdom at Elisora Kingdom. Nakatayo ang dalawang babaeng kalahok na galing sa kilalang Academy ng dalawang kaharian.

"The mechanics was pretty simple. First, attack each other, to collect points, two points to gather to win, Second, any kind of magic is possible to use against to each opponents, Third, once you set foot on the ground or out in the platform will automatically lose and last but not the least, Fourth, do not kill. Once you do, execution to the Dungeon of Reapers!"

Paliwanag ni Professor Aldous sa mechanics ng laro. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay sa kalaban sa Magic Games dahil prine-preserve ang kaayusan nito na walang buhay ang mawawala, kapag nangyari yun ay tuluyang ipatatapon sa Dungeon of Reapers, kulungan ng mga nakapatay na mga magicians at may mabibigat na kasalanan para doon kilatisin.

Walang kahit na sino ang nakakalabas doon ng buhay dahil pinamumugaran yon ng mga Reapers na kayang kumitil ng isang magicians kaya kinatatakutan ito ng lahat.

Nagsimula ang Magic Games at naging smooth naman ang laro, at sa bawat laro ay may talo at panalo. Sa puntong ito sa Elisora Kingdom napunta ang panalo dahil nakuha ng babaeng kalahok ang dalawang puntos para manalo.

Naging ganoon ang laban at mas ginanahan ang mga manonood gaya ko ng magsimulang maglaban-laban ang mga kilalang Academies ng bawat Kingdoms at ganoon din ng mga sikat na mga kalahok.

'We can do this!'

~~
Yown! Matagal ko ng iniisip to kaya kating-kati na akong isulat ang scene na'to. I hope you'll like it.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon