4 /Entrance Exam/

7.1K 316 9
                                    


Marliyah's POV

Iginiya ako ng isang babae papunta sa magiging room ko dito sa AMA, dorm by dorm kasi ang rules dito once na official student kana dito sa AMA at lalabas lang kung bakasyon o kapag tapos na ang school year.

Huminto kami sa tapat ng isang puting pintuan atsaka niya ako tinanguan at iniwan. So ito na ang bago kong room at hindi ko alam kung anong magiging reaction ng roommate ko. Nasabi kasi saakin ni Headmistress Veronica na may kasama ako sa magiging room ko.

'So I'm expecting her'

Magkaiba kasi ang building para sa dorm ng babae at lalaki. So technically babae ang roommate ko. Inayos ko ang sarili ko atsaka huminga ng malalim atsaka ko ipinasok ang susi sa doorknob at mabilis ko yung pinihit hanggang sa bumukas ang pintuan.

Tumambad saakin ang maluwang at maaliwalas na kwarto. Purong puti ang kulay ng buong kwarto at ilang mga kagamitan sa loob, gaya ng dalawang malaking kama sa gilid, may sofa din sa gilid, dining area, mga musical instruments at ang malaking bintana sa gitna na gawa sa stained glass.

Tuluyan na akong pumasok dala ang ilan sa mga gamitan ko. Sinuri ko pa ang kabuuan ng buong kwarto at napangiti ako. Nasa ganoon akong position ng bumukas ang pintuan sa left side ng kwarto at lumabas ang isang magandang babae.

Nagkatinginan kami at bigla siyang napalaki ng mata atsaka nakangiting lumapit saakin.

"Oh my! You must be my new roommate, aren't you?" tanong niya kaya tumango ako.

"I'm Melody Harper. Nice to meet you." pakilala niya habang nakangiti kaya kinamayan ko siya.

She has this flawless skin, slim body, perfect face and her eye color is blue green along with her long hair na nakapigtail. She's so cute tapos may headphones pa sa leeg niya.

"I'm Marliyah Lightgood. It's nice to meet you too." pakilala ko naman.

"Hmm? Your name sounds familiar?" sabi niya habang nakakunot ang noo.

Hell! Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat dahil may ibang nakakaalam ng pangalan ko at ng tunay kong pagkatao. Para ba akong artista na kilala ng lahat, and that's i hate it the most dahil feeling ko wala akong privacy.

"I don't know! Anyways friends na tayo from now on. Friends?" sabi niya at nakipag-pinky promise saakin.

"F-friends."

Wala akong nagawa kundi tumango nalang. Hindi naman sa ayaw ko makipag-kaibigan sakanya, nasanay lang kasi akong si Zach lang ang naging kaibigan ko ever. Nakakatuwa lang dahil may bago na akong kaibigan bukod kay Zach.

"Sayo yung isang kama sa left side akin naman 'to." sabi ni Melody habang nakaturo sa kama niyang may laptop at mga nakakalat na mga papel.

"It's seems like you really love music." sabi ko habang umupo sa magiging kama ko.

"Haha yeah it's so obvious, in fact music is my magic attribute." sabi niya.

"Ahh is that so..." sabi ko at tumango-tango.

There's a lot of different magic that can possessed of a magicians like us. Melody herself can possessed a music magic, and that kind of magic is common here in Agartha. Mas naging cool pa siya dahil sa style and concept niya about her music magic.

"You? What kind of magic do you possessed?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sakanya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil commonly two or less magic ang tinataglay ng isang mages like wizards, sorcerer, enchantress at iba pa. Since I'm the daughter of the Great White Witch ay expected na kaya kong taglayin ang iba't-ibang uri ng magic.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon