39 /Invasion/

2.1K 103 7
                                    


Zach's POV

Mabilis akong nagpakawala ng malakas na shockwave sa chimera dahilan para tumilapon ito palayo at tumama sa malaking puno. Humalingling ito at tila napuruhan ko siya, napangisi ako at mabilis na tumakbo sa gawi ng chimera atsaka ako nagpalabas ng kuryente sa kanang palad ko at agad ko itong binato sa chimera.

Hindi ito nakaiwas at tuluyang nakuryente, dumaing ulit ito sa sakit. Sabay na sumigaw ang tatlo nitong ulo at ganoon din yung ahas niyang buntot. Muli akong bumuo ng kuryente sa palad ko at handa ng ibato sa chimera ng maunahan ako ni Prince Xyrell.

Nagpakawala siya ng bola ng apoy, sapat para matusta yung chimera. Tumalon pa siya mula likod ko bago niya ginawa ang atake niya, tinupok ng apoy yung chimera atsaka ito nagwala. Mabilis din na kumilos si Dad at itinaas nito ang tungkod niya at bumuo siya ng portal.

Ipinasok niya doon ang chimera na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Isang itim na portal ang binuksan ni Dad at tiyak akong portal patungo sa Etheria iyon. Natapos ang engkwentro namin sa chimera at muling natahimik ang paligid.

Hinawakan naman ni Dad yung balikat ko at tila ba pinupuri ako kaya tumango ako sakanya at ganoon na din kay Prince Xyrell. Nasa ganoon kaming kalagayan ng makarinig kami ng malakas na sigaw.

"What's that?" tanong ni Prince Xyrell.

"It's coming from the north." sagot ni Dad habang nakaturo sa dinaanan nila Melody kanina patungong Elisora Kingdom.

That's voice was familiar, that mega scream was from Melody, I'm sure of it.

"Let's go, boses iyon ni Melody." sabi ko at nagpaumunang tumakbo.

Inabot kami ng ilang minuto sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa entrada ng Elisora. Doon namin nakita sila Princess Meredith at Princess Iridessa, ganoon na din ang mga kasama kong Elites.

At ganoon na din si Melody na walang malay habang buhat-buhat ng isa sa mga kasamahan ko. Napatingin ako sa paligid at maraming patay na mga nilalang, mukhang napalaban sila ng wala sa oras.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at kinuha si Melody at ako ang bumuhat sakanya, she's unconscious again, batid sa mukha niya ang pagod, napansin ko din ang namumula niyang mga paa.

"She overused her magic power to saved us from sqougres. Don't worry she's not critical, nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang pagka-exhausted. She needs rest." mahinhin na bulalas ni Princess Meredith habang sinusuri si Melody gamit ang water crystal na nasa pangangalaga niya.

Tumango naman ako dahil hindi ko na kailangang mag-alala, i mean she's Marliyah's bestfriend, and Marliyah was my bestfriend too, ayokong masaktan ang malalapit sakanya, gaya ni Melody.

"Let's go inside our kingdom, it's not safe here." sabi ni Princess Iridessa kaya tumango kami.

Tuluyang bumukas ang entrada papasok ng kaharian niya, mula sa malaking bato na nakaharang sa harap namin ay unti-unti itong nahati sa dalawa at kusang bumukas ang bato, dumagundong pa ang lupa dahil sa pagyanig nito.

Tuluyan kaming pumasok habang buhat-buhat ko parin si Melody, she's so light, hindi ko man lang maramdaman na may buhat ako sa mga bisig ko dahil sa gaan niya.

Kusang sumara ang malaking harang na bato hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa kaharian ng Elisora, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng Elisora, ngayon pa lang ako nakatapak dito at labis akong natutuwa.

Maraming nagkalat na mga earth creatures sa paligid, mga malalaking puno na nagliliwanag ang mga dahon, may batis din sa paligid na ang tubig ay kumikintab sa sobrang linis.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon