43 /Darkness Falls/

2.8K 119 6
                                    


Prince Raphiel's POV

I open my eyes as I can feel the air within me. I feel every whisper and breeze of the air. A bunch of demons run towards me and they attempted to attack me but i quickly slice them into pieces using my air blades.

Nagkalat ang mga dugo at lamang-loob nila sa lupa at hindi pa naiwasang natalsikan ng dugo ang kasuotan ko. Napangiwi ako sa kadahilanang iyon at muli kong pinaghihiwa yung mga papasugod saaking mga demonyo.

"Die you piece of shit!" I suffocated the demon by removing the air in it's lungs.

"Nice, a prince who can really cursed."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko yung isa sa mga kasamahan ni Cynthia, yung lalaking shape-shifter na nagiging demonyo.

"Nyx!"

Tila ginanahan akong makipaglaban dahil sakanya, nakita ko siyang ngumisi at gustong-gusto ko siyang tirisin na parang langgam. Hindi ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko siyang sinugod.

Agad akong sumulpot sa harap niya dahil sa hangin. The air and me was united and i can moved faster and lighter just like an air itself. I gave him an air punch and he didn't dodge it.

Malakas siyang tumilapon sa lakas ng suntok ko, nakita ko siyang nagngitngit at sumuka ng berdeng dugo at unti-unti siyang nagpalit anyo at naging demonyo. Doble ang laki nito kumpara sa normal na demonyo na nakakalaban namin.

"Die!"

Sigaw nito sa malaki at malalim niyang boses at mabilis akong sinugod, lumipad ako palayo atsaka siya binigyan ng air strikes pero sinangga niya lang iyon ng malaki niyang kamay.

Kitang-kita ko ang mapupula niyang mga mata at nanlilisik itong nakatingin saakin, mabilis siyang ngumanga at mula sa bibig nito ay nabuo ang isang itim na pwersa at mabilis itong bumulusok sa gawi ko.

Sa bilis nito ay hindi agad ako nakaiwas at wala akong nagawa kundi tumilapon din pababa. Ramdam ko ang sakit pero mabilis din akong kumilos ng makita kong akma niya akong tatapakan ng malaki niyang mga paa.

Hindi naman ako nagpatalo at mabilis kong tinawag ang mga hangin sa paligid ko at mas lalo kong pinabilis ang kilos at galaw ko, gumawa din ako ng malaking lancer na gawa sa hangin. Sumugod ako kay Nyx gamit ang lancer ko.

Sa bilis ng kilos ko ay nagawa kong putulin ang malaki niyang kamay at sumigaw ito sa sakit pero nawala ang ngisi ko ng unti-unting bumalik sa dati ang naputol niyang kamay.

"So you can regenerate huh." asik ko habang pinagmamasdan ang tumubo niyang kamay.

Muli siyang kumilos at inatake ako ng itim na pwersa mula sa bibig niya, pero nakaiwas na ako sa pangalawang pagkakataon. Wala akong nagawa kundi umiwas sa paulit-ulit niyang mga atake.

Paulit-ulit din na tumutubo ang napuputol kong parte ng katawan niya. Hindi ko maiwasang mainis dahil napapagod na ako, pero hindi ako nagpahalata.

"Ano ng gagawin mo ngayon? Mukhang dehado ka!" sambit niya sa malaki at malalim niyang boses.

Nakalutang ako sa ere habang nakatingin siya saakin, hawak ko parin ang air lancer ko. Mula sa pag-iwas ko sa mga atake niya kanina ay may isa akong napansin tuwing nagre-regenerate ang napuputol niyang mga katawan.

"Ako dehado? You're a fucking demon but you still have a weakness and you know what is it?" matapang kong sambit sakanya pero natawa lang siya.

"Hahaha you fool!"

Hindi ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko ulit siyang sinugod at tama nga ang hinala ko, inulit-inulit ko siyang atakihin pero bumabalik din siya sa dati.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon