8 /Confusion/

6.2K 274 7
                                    


Marliyah's POV

Nandito kami ngayon sa dorm kasama si Scarlet at kanina pa sila tili ng tili dahil sa nalaman nilang ako ang anak ng Great White Witch. Hindi ko alam kung anong kagula-gulantang sa katotohanan na'yon, pero hindi ko sila masisisi dahil kilala sa buong Agartha si Mama.

"Up until now hindi parin ako makapaniwala na anak ka ng Great White Witch. Kaya pala pamilyar ka!" asik ni Melody at tinampal pa niya ang balikat ko.

"Oo nga, hindi mo manlang sinabi saamin. Kaya pala pamilyar yung mukha at pangalan mo dahil nanay mo si Ms. Merliyah Lightgood." asik naman ni Scarlet habang napatakip pa ng bibig.

"I'm so stupid, bakit hindi ko man lang yun napansin?" asik ulit ni Melody at nagpapadyak pa.

"Merliyah Lightgood at Marliyah Lightgood. Pangalan palang obvious na." asik ulit ni Scarlet at napasabunot sa buhok niya.

"Girls kalma, move on na okay?" natatawa kong sabi sakanilang dalawa pero sabay lang silang umanggil.

"Kainis ka, hindi mo man lang sinabi saamin na nanay mo pala si Ms. Merliyah Lightgood." sabi ni Scarlet.

"Oo nga, we're so lucky at naging kaibigan ka namin." sang-ayon ni Melody.

"You're a living legend!" sabay nilang sabi kaya napangiti nalang ako ng pilit.

Gusto kong matuwa dahil sa pangpupuri nila saakin pero hindi ko maiwasang mailang dahil feeling ko nagbago ang tingin nila saakin ng dahil lang ako ang anak ng Great White Witch.

"No, I'm lucky dahil naging kaibigan ko kayo." sabi ko at natuwa naman sila.

"Gaga ka! Mas maswerte kami. Anak ba naman ng makapangyarihang witch yung kaibigan namin." sabi ni Melody.

"Yeah, nakaka-conscious tuloy." sabi naman ni Scarlet.

"Ano ba? Huwag kayong mag-isip ng ganyan, wala namang nagbago saakin." sabi ko atsaka sila nginitian.

"Anyways, bakit pala sinabi ni Princess Iridessa na I'm the long lost daughter of Great White Witch kahit hindi naman ako nawala." tanong ko at nagkatinginan sila.

"What! Seriously?" sabay nilang tanong.

"Oo, dito kaya ako lumaki sa Agartha." sagot ko atsaka kumunot ang noo nila.

"We didn't know that, ang alam namin nawala ang anak ni Ms. Merliyah which is you." sabi ni Melody sabay turo saakin.

"According to our history, namatay si Ms. Merliyah after ng Grimwar at kasabay noon ang pagkawala mo." sabi ni Scarlet at ako naman ang napakunot dahil sa sinabi niya.

"Huh? Anong Grimwar? Wala akong alam sa sinasabi niyo? Atsaka hindi pa patay si Mama." sabi ko at literal silang nagulat.

"What! Seryoso ka? Ang alam namin namatay yung Mama mo after the great war 17 years ago which is the Grimwar, your mother fought with the dark magicians, after your mother defeated the dark magicians, she gave birth to you at kasabay noon ang pagkawala mo at namatay naman ang Mama mo." mahabang paliwanag ni Melody at ngayon ko lang nalaman ang mga sinasabi niya.

Ever since i was a child ay kasama ko'na si Mama at hindi pa siya patay dahil si Tito Zedicus ang may hawak sa katawan ni Mama.

"My mother is still alive. Kasama ko siya simula pagkabata at hindi totoo ang nakasulat sa history ng Agartha tungkol kay Mama na siyang alam niyo." sabi ko at nagkatinginan naman silang dalawa.

"I'm sorry Marliyah, we didn't know na buhay pa ang Mama mo, hindi naman alam na puro kasinungalingan pala ang mga nakasulat sa libro tungkol sa Mama mo." sabi ni Scarlet pero umiling lang ako.

"No, hindi niyo naman kasalanan na iyon ang pagkaka-alam niyo, maybe there's a reason kung bakit yun ang nakasulat sa libro at ang alam ng lahat." sabi ko at napangiti naman sila.

"Sorry talaga Marliyah. Akala talaga namin patay na si Ms. Merliyah Lightgood." sabi ni Melody at hinawakan pa ang kamay ko.

"No it's okay, pero sana saatin lang 'to at wala ng makaalam na buhay si Mama." sabi ko at tumango naman silang dalawa.

"Oo naman, promised!" sabi nilang dalawa at tinaas pa ang palad nila na nangangako kaya tinanguan ko nalang sila.

Hindi ko alam kung bakit yun ang nakasulat sa libro na sinasabing namatay si Mama sa great war na tinatawag nilang grimwar, na nangyari 17 years ago, so kung iisipin ay malamang pinagbubuntis palang ako ni Mama noon ng mangyari ang war na sinasabi nila Melody at Scarlet.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nakasulat daw sa libro na patay na si Mama at ang nawawala niyang anak. Buong buhay ko wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay ni Mama at ngayon ko lang talaga nalaman.

Kung hindi pa siguro nalaman nila Melody at Scarlet na ako ang anak ng Great White Witch ay siguro hindi ko pa malalaman ang totoo. Pinakalma ko ang sarili ko dahil marami akong tanong na gustong masagot pero hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang mga sagot sa tanong ko.

Nagpaalam ako kila Melody at Scarlet dahil kailangan kong malaman ang totoo. Pumunta akong library at hinagilap ang librong naglalaman ng history ng Agartha.

Sa laki ng library ay kailangan ko pang maghanap kaya nag-cast nalang ako ng spell para mapadali ang paghahanap ko at biglang lumitaw sa palad ko ang isang makapal at lumang libro.

Napangiti ako at naghanap ng mauupuan sa dulo. Iilan lang ang mga tao kaya dito ko napiling umupo. Pinaghalong puti at asul ang kulay ng pabalat ng libro at nakaukit ang salitang History of Agartha.

Binuklat ko yon at binasa ang mga nakasulat. Nakasulat ang mga letra sa sarili naming alpabeto at hindi naman ako nahirapan dahil marunong akong magbasa ng Agarthan Language.

Merliyah Lightgood is a powerful witch and was the first witch with a great and tremendous power. Merliyah Lightgood was the first witch who can possessed a limitless power and was named as the Great White Witch.

She fought alone with the Grimwar 17 years ago, the bloodshed war and considered as the great war after the past wars, Merliyah Lightgood fought against dark magicians with her extreme power and defeated Vexana, the Queen of evil and the dark magicians.

She fought all by herself despite of being pregnant. After the Grimwar she gave birth to her child and after that she died after giving birth to her only child and since that day, the child was lost and never be found up to this day.

Pagtatapos ko'sa pagbabasa ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. Napaka-limitado ng bawat detalye, so totoo ngang pinagbubuntis ako ni Mama noon ng linabanan niya ang mga dark magicians at matalo si Queen Vexana.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nawawala ako at namatay sa panganganak si Mama kung ang totoo naman ay nakasama ko siya simula pagkabata ko.

Binaliktad ko ang libro para hanapin ang nagsalin ng libro pero wala akong nakitang pangalan. Binalik ko nalang ang libro kahit hindi naman nasagot ang tanong ko basta ang alam ko lang ay linabanan ni Mama ang mga dark magicians, namatay siya at ako naman ay nawawala.

All i know what was written in the book about my mom was all a lie. Purong kasinungalingan at yun ang gusto kong malaman kung bakit. Bumalik ako sa dorm namin at humilata sa kama ko habang iniisip parin kung anong totoo.

Pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala naman akong makuhang matinong sagot kaya sumakit ang ulo ko. Wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

~~
Agarthan pronounced as A-gar-tan. So what do you think guys?

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon