EPILOGUE

5.1K 161 46
                                    


Third Person's POV

Damon quickly extent his full demonic power and immediately attacked Princess Victoria but Prince Xyrell protected Princess Victoria from a sudden blow attack of Damon.

Walang nagawa si Prince Xyrell kundi saluhin ang atake ni Damon at kasabay noon ang pagkamatay niya at unti-unti namang kinakain ng kadiliman ang prinsipe.

Sa kasamaang palad ay tuluyang nagbago ang prinsipe hanggang sa hindi na nito makilala ang lahat pati na rin ang kanyang sarili at pagkatao, naging kulay itim ang buo niyang mata at nababalutan din ito ng nakakapangilabot na kapangyarihan.

Nakita ni Princess Victoria ang buong pangyayari at kung paano itong nagbago, sa pagkakita kay Prince Xyrell ay hindi niya maiwasang mangilabot. Unti-unti siyang lumayo dahil alam niyang hindi na siya ang dating prinsipe na kilala niya.

"Hahahaha!!!"

Tila hinugot sa hukay ang lalim at laki ng kanyang boses at talagang matutunog na boses ng demonyo. Wala siyang ibang hangarin kung hindi lipulin ang lahat ng mamamayan ng Agartha.

Nagsimula siyang kumilos at walang habas nitong pinagpapatay ang mga inosenteng buhay, nabahala ang lahat dahil dito, kitang-kita ng lahat ang naglalagablab na apoy ni Xyrell na mula pa sa kailaliman ng Etheria.

'Hellfire'

Kitang-kita ng lahat ang pinagsamang kulay itim at pulang apoy sa dalawang palad ng prinsipe at mababatid sa itsura nito ang kasamaan at pagkawasak ng lahat. Ramdam din ito ng ibang Royal Bearers dahil sa kanilang mga crystal.

Ang crystal ng apoy na nasa pangangalaga ni Prince Xyrell ay hindi rin nakaligtas sa malupit na kadiliman at unti-unti itong nabalot ng dilim at ang dating makinang at nagliliyab na apoy ng crystal ay napalitan ng purong itim at nawalan ng kinang.

"May the gods and goddesses of Agartha stand against evil and be our light and be our salvation from devastation, I Lilian Evergreen as the Witch of Miracles pleading and praying to the almighty gods and goddesses to be saved from falling darkness, lift us to the guidance of peace and light. Salvete, Agartha!"

Taimtim na nagdadasal ang lahat na siyang pinangunahan ni Lilian, ang Witch of Miracles. Sabay-sabay silang nagsusumamo sa mga bathala at bathaluman ng Agartha upang iligtas sa kamatayan at pagkawasak.

Mula sa itaas kung saan makikitang naglalaban sina Vexana at Marliyah ay pareho tumigil dahil nakita nila ang nagaganap sa ibaba, kita ang pagngisi sa labi ni Vexana dahil alam niyang natalo na ang kampo ni Marliyah, kita naman ang pagtangis ni Marliyah dahil rinig na rinig niya ang panalangin ng kanyang mga kaibigan at nasasakupan.

"Sumuko ka na Marliyah, tanggapin mo ng natalo kita, wala ng laban ang mga sasakupan mo! Tuluyan na silang kinakain ng dilim!" mapangahas na bulalas ni Vexana kay Marliyah at hindi niya ito nagustuhan.

Malakas na iwinasiwas ni Marliyah ang kanyang makapangyarihang espada at kusa itong naglabas ng puting pwersa at mabilis itong bumulusok sa gawi ni Vexana. Walang nagawa si Vexana kung hindi sanggain ang biglaang atake ni Marliyah at sa lakas nito ay bahagya siyang napaatras.

"Hangga't nakikita mo akong nakatayo ay hinding-hindi mananalo ang kadiliman, lalo ka na dahil ako mismo ang pupuksa sayo!" mapangahas din na sambit ni Marliyah at batid sa boses nito ang lungkot at pighati.

Dahil sa nagbabadyang galit ng dilim at liwanag ay muli silang nagsalpukan. Iisang hangarin at layunin, at iisa lang din ang mananatiling buhay at nakatayo.

Bumuo ng malaki at malakas na hellfire ang prinsipe upang puksain ang lahat at buong tapang itong pinigilan ng mga Royal Bearers at nagsama-sama, hindi sila buo dahil wala na ang crystal ng apoy. Tanging ang crystal ng hangin, tubig, lupa at ang ikalimang crystal ang nabuo.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon