19 /Adventure/

5.4K 233 24
                                    


Marliyah's POV

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saamin ni Melody pagkalabas namin ng kwarto at naglakad sa tahimik na hallway, alas singko na ng umaga at ngayong araw ang paghanap namin sa antidote na makakapatay sa lason sa katawan ni Scarlet.

Itinaas ko ang hood ng suot kong white and blue cloaked at dumiretso sa bulwagan ng school, nadatnan namin doon ang mga kasama naming Elites at ang Royal Bearers, mukhang kami nalang ni Melody ang hinihintay.

"Diba ang usapan 4:00? It's already 4:10." bungad ni Princess Victoria.

"Sorry, nagpaalam pa kasi kami kay Scarlet." sagot ni Melody at napasinghap nalang si Princess Victoria.

Umagang-umaga highblood. Hindi nalang namin siya pinansin at sumakay sa isang limousine, mas doble ang laki nito kesa sa ordinaryong limousine sa earth.

Hindi ko alam kung maiilang ba ako dahil napaggitnaan ako nina Prince Xyrell at Zach at nasa harap ko naman si Melody. Hindi nalang ako nag-isip pa ng kung ano at pumikit nalang para umidlip, medyo malayo daw ang biyahe namin kaya kailangan ko ng tulog.

"Marliyah wake up."

Nakaramdam ako ng bahagyang pagtapik sa mukha ko at napadilat ako ng mata at nakita si Melody. Doon ko lang napansin na napasarap ang tulog ko at nakadantay sa balikat ni Prince Xyrell.

"Sorry, nakatulog ako." paumanhin ko sakanya pero nakatingin lang siya saakin.

"It's okay." sagot niya kaya tumango nalang ako.

Isa-isa kaming lumabas ng sasakyan at nasa boarder pala kami ng Alastair Kingdom dahil nasa labas ang kailangan naming antidote at para maglakbay.

"Hanggang dito nalang tayo maihahatid ni Manong Robert, kailangan na nating lumabas ng boarder para sa mission natin." sabi ni Princess Meredith at tumango naman kaming lahat.

"Mag-iingat po kayo." paalam ni Manong Robert saamin at nginitian ko siya.

Napatingin ako sa tatlong malaking tipak ng bato na pinagpatong upang magmukhang daanan, isang archway at nakaukit ang simbolo ng Alastair sa gitna nito. Hindi basta-basta nakakalabas pasok ang sinuman dahil protektado ito ng makapangyarihang barrier.

Tanging may permiso lamang sa Hari at Reyna ang nakalalabas. Hindi na naging mahirap para saaming makalabas dahil kasama naman namin ang mga Royal Bearers, lalo na si Princess Victoria na anak ng kasalukuyang namumuno sa Alastair Kingdom.

Huminga akong malalim bago tuluyang naglakad palabas ng Alastair at tanging puno na lamang ang makikita sa labas ng Alastair. Maaliwalas ang kalangitan at ang pasikat ng haring araw, kasama ang mga nagliliparang mga iba't-ibang agarthan creatures.

'Nakakamangha'

"Beautiful isn't?"

Biglang tanong saakin ni Zach at napatingin ako sakanya kaya tumango ako sa sinabi niya.

"Ngayon ka nga lang pala nakalabas ng Alastair, damhin mo'na baka mamaya huli na'to." sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Panira ka talaga kahit kailan, malay mo makalabas pa ulit ako. Pangarap ko din malibot ang buong Agartha." sabi ko.

"Sana all." biro niya at natawa.

"Ahem!"

Napatingin kami kay Melody at pinanlakihan niya ako ng mata at alam ko'na ang ibig niyang sabihin. Napangiti nalang ako ng bigla siyang nagpa-cute kay Zach.

"Arania Exumé." pasimple kong bulong at lumitaw ang isang tarantula sa paa ni Melody.

"Aaahhh!"

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon