15 /Book of Unknown/

6.2K 242 12
                                    


Marliyah's POV

Mabilis na nagtuloy-tuloy ang Magic Games at nakapasok naman ang AMA sa finals at bukas yun gaganapin at ngayon free day namin ngayon at napag-desisyunan namin nina Melody at Scarlet na mamasyal sa bayan.

Pinayagan kaming lumabas dahil Festival of Magic naman ngayon kaya free kami kung anong gawin namin ngayon. Isang mint yellow off shoulder ang top ko na pinarisan ko ng black stripe skirt at white sneakers, tinali ko naman ang buhok ko into messy bun.

"Melody tara na!" aya ko kay Melody na kasalukuyan din na nag-aayos ng sarili niya.

She wore oversized green t-shirt at maong shorts, sneakers at yung headphones niya sa leeg. Tuluyan naman na kaming lumabas at sinundo lang namin si Scarlet sa kwarto niya.

Nakasuot naman siya ng white croptop, jeans and acid sneakers. Simple yet look classy. Mabilis kaming lumabas ng AMA at nagtungo sa bayan kung saan nagkalat ang mga iba't-ibang bentahan ng mga bagay-bagay.

Mga mga nagkalat din na mga nagtatanghal na magicians, may mga rides, malls, food stalls, boutique at shops at kung ano-ano pa na pwedeng libangan at mabibili sa mercado.

"Guys sumakay muna tayo ng rides. Gusto ko yun!" singhap ni Melody at itinuro yung makapanindig balahibong rollercoaster.

"Girl masyadong extreme, haggard na tayo pagkatapos, yung mga mediocre rides nalang. Like that!" angal ni Scarlet at itinuro yung ferris wheel.

Hindi yun pangkaraniwang ferris wheel dahil walang mga bakal na susuporta sa pwe-pwestuhan mong upuan at kusa itong iikot gamit ang isang energy galing sa isang lacrima. Hindi yun gaya ng rollercoaster na mabilis ang pasikot-sikot pero mangangatog naman ang tuhod mo sa sobrang taas ng ikot.

Nagtalo pa silang dalawa kung anong sasakyan naming rides pero nauwi din kami sa hoverboard racing na siyang suggestion ko dahil mas may thrill pa'to.

"Kung sino ang mahuhuli sa finished line siya ang manlilibre satin mamaya." sabi ko at sumang-ayon naman silang dalawa.

"Deal, i won't be easy on you two." taas kilay na sabi ni Melody at inayos ang helmet niya.

"Neither do I." angal din ni Scarlet at nag-ayos na din.

"Same." sabi ko at hindi ako nagpatalo.

Inayos ko din ang safety gear ko at unti-unting lumutang ang tinatapakan naming hoverboard. Hinintay namin ang go signal at mabilis akong lumipad palayo sakanila.

May mga obstacles ka ding makakasalubong dahilan para mas naging exciting ang race namin. Kumuha ako ng pwersa at tumalon pataas para iwasan ang isang obstacle at lumiko pakanan ng sumulpot muli ang isa.

Paulit-ulit ang nangyari at todo iwas lang ang ginagawa ko, napansin ko sa gilid ng mata ko ng nasa likuran ko si Scarlet at ganoon din si Melody kaya mas binilisan ko pa ang pagpapalipad.

Ramdam ko ang bilis ng lipad ko at napangiti naman ako ng nakalayo na ako kila Melody at Scarlet.

"Hi Girls!"

Gulat akong napatingin kay Melody ng bigla siyang sumulpot sa harap ko at kita ko namang nasa likuran ko si Scarlet. Shit! Category 2 na pala kami ng race kung saan pwedeng gumamit ng magic as long as walang nasasaktan.

"Aęrius Maximus!" i casted some spell at bumagal ang paglipad ni Melody dahil sa sobrang lakas ng hangin sa gawi niya.

Mas binilisan ko pa ang paglipad pero naramdaman ko ang bagay na pumulupot sa kaliwang paa ko at mabilis ako nitong hinila pababa. Nakita ko si Scarlet at nginisian ako at lumipad din palayo saakin.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon