21 /The Demon/

4.9K 220 18
                                    


Malia's POV

Alam ko'na kung saan ang kuta ng mga rebeldeng mga magicians, marami sila at sa wari ko ay nasa limampu ang bilang nilang lahat, naiisip ko rin na isa sakanila ang natataglay ng kakaibang magic dahil sa nakasagupa ko noong isang araw na marunong gumamit ng forbidden magic.

Sa totoo lang ay kayang-kaya ko silang patumbahin lahat pero sa katotohanang marunong silang gumamit ng pinagbabawal na mahika ay baka mahimatay ulit ako at makatulog ng isang araw dahilan pa kung sabay-sabay silang sumugod.

Mission namin ito at hindi ko pwedeng sarilihin nalang. Mas mabuti ng tapusin na ang pagrerebelde nila at para narin magkaroon ng kapayapaan sa nayon na'to. I immediately contacted my team through telepathy at mabilis ko naman silang nahanap at sinabi ang lokasyon ng kweba kung saan ang kuta ng Ravenight.

"Fallback Marliyah, natunugan nila tayo!" sabi ni Zach through telepathy.

"What? How? Nandito na ako bungad ng kweba!" sabi ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Just fallback, may naka-engkwentro kaming mga rebelde!" nagulat ako sa sigaw ni Prince Xyrell sa utak ko at napapikit pa ako.

"I can't, Amarra was dragged out, i just can't runaway and do nothing!" sabi ko at kitang-kita kong lumabas yung mga magicians sa kweba habang dala si Amarra.

Natunugan nga nila kami, hindi naman sila aalis ng hideout nila kung hindi nila alam na may nagmamanman sakanila.

"It's too dangerous Marliyah, atras na..." mahinahong sabi ni Princess Meredith.

"Tsskk!" asik naman ni Princess Victoria.

"Please Marliyah, masyadong mapanganib." nag-aalalang bulalas ni Melody.

"Sorry Melody, sorry guys. Don't worry i can handle it." i said and i cut our mindlinking.

"Bitawan niyo ko!"

Nagpupumiglas si Amarra habang kinakaladkad siya at nagsusumigaw at pilit na nanlalaban.

"Manahimik kang babae ka kung ayaw mong patayin kita!" bulyaw sakanya no'ng lalaki at malakas na sinampal dahilan para mapasubsob sa lupa si Amarra.

Mariin akong napapikit dahil ilalagay ko na naman ang sarili ko sa alanganin at hindi ko man lang naisip kung anong magiging kinalabasan ng padalos-dalos ko. Hindi naman pwedeng manood na lang ako at walang gawin.

"Let her go!"

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at malakas at matapang ko silang hinarap. Napatingin sila saakin at masamang tinitigan. Napangisi yung iba na tila ba nasisiyahan sa nakikita at yung iba naman ay tingin palang ay gusto na akong patayin.

"Sino ka? Lapastangan!" sigaw no'ng babaeng puro piercing ang mukha.

"Me? I'm your worst nightmare..." sagot ko.

"Hahaha!!!"

Sabay-sabay silang tumawa sa sinabi ko lalo na yung babaeng mukhang adik ang itsura, no offense but it's true.

"Run while we're being nice, or else you're deadmeat!" sigaw naman no'ng lalaking may hawak na axe, yung lalaking nagoyo ko.

Napangisi naman ako dahil doon, ako pa talaga ang tinakot niyo.

"Why should i? As if you can beat me?" mataray kong sabi at tinamaan naman ang ego nila at sabay-sabay ulit silang nangunot ang noo.

"You bitch! Kill her!"

Mabilis nila akong inatake at pinaulanan ng iba't-ibang offensive spells pero lahat ng yun walang epekto dahil sa protective barrier na ginawa ko, natutunaw ang kahit anong offensive spell at nawawalan ng bisa sa oras na tumama sa ginawa kong harang.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon