Marliyah's POV
May mga sumunod pang laban ng mga iba't-ibang academies sa pagitan ng limang kaharian. Sa pagkakataong ito ako naman ang susunod na lalaban para i-represent ang AMA at ang buong Alastair.
Nagsigawan naman lahat ng mga manonood lalo na sina Melody at Scarlet na hindi magkandamayaw sa kaka-cheer at gumawa pa ng kung ano-anong tunog para makadagdag sa ingay, umiling nalang ako at natawa.
Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon, kaba dahil first time kong lalaban at saya dahil sa wakas ako naman ang lalaban sa ngayon.
Nahagip ko si Zach at sumenyas pa at nag-thumbs up kaya tumango nalang ako, napalingon din ako sa taas kung nasaan ang Royal Bearers at nakatingin din sila sa gawi ko.
Nakita ko pang kinawayan ako nina Princess Meredith at Princess Iridessa kaya tumango nalang ako bilang respeto, nahagip ko din si Prince Xyrell na nakatingin saakin kaya tinanguan ko din siya.
Alam kong maipapanalo ko ang labang ito hindi dahil sa anak ako ng pinakamalakas na witch sa Agartha kundi dahil pursigido ako at pinaghirapan kong makapasok sa kinatatayuan ko ngayon.
Naglakad na ako pababa papunta sa platform at narinig ko pa ang pagpapalakas saakin ni Headmistress Victoria kaya pinasamalatan ko siya.
"Let's all welcomed Freya Moore of Bloodwood Academy from the Kingdom of Findora vs Marliyah Lightgood of Atlantis Magic Academy from the Kingdom of Alastair!"
Pagpapakilala saamin pero imbes na sigawan ang namutawi ay libo-libo ang nag-bulungan at nagkanya-kanya ng diskusyunan. Alam ko kung anong pinagbubulungan nila kaya hindi na ako naapektuhan at nag-alala pa.
"Hmm you're quite famous eh? I'm wondering where did i heard your name?" sabi ni Freya na siyang kalaban ko, nagkatinginan kami at tinaasan niya ako ng kilay.
I knew everybody knows my mother's name, hindi rin naman kasi nalalayo ang pangalan ko sakanya kaya natural na saakin na sabihan ako na pamilyar ang pangalan ko.
"Who is she?"
"Her name sounds familiar?"
"She look weak!"
Kaliwa't kanan ang mga bulungan na naririnig ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. Umiling nalang ako at hindi pinansin ang mga walang kwenta nilang bulungan tungkol saakin.
"Well scratch that, it doesn't matter who you are right now since I'm going to crush you." pang-aalaska niya kaya inismiran ko siya.
"Try me you sneaky little biatch!" sabi ko din at inirapan niya ako.
Binigay na ang hudyat ng laban namin at kasabay noon ang pagbabago ng buong arena, ang kaninang maingay at masayang arena ay nagbago, madilim, tahimik at malamig, sumasabay din ang kulog at kidlat at anumang segundo ay bubuhos ang ulan.
Actually i can end this game in just a single snap, but it'll be boring if i cut the thrill. Wait may thrill ba sa labang 'to? I don't think so?
Nakita ko kung paanong dumilim ang aura ng babaeng kalaban ko at ramdam ko din ang lumalakas niyang kapangyarihan. Hindi ako natinag at nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hinihintay ko siyang sumugod.
"Are you ready to accept defeat!?" sabi niya sa magkahalong boses niya at boses ng lalaki, malaki at malalim.
"No, the word defeat was never in my vocabulary. Wait? Are you possessed?" sabi ko at inasar pa siya dahil sa uri ng boses niya na para bang sinaniban ng kung anong demonyo.
BINABASA MO ANG
Legend of Agartha ✔️
FantasyMarliyah Lightgood is a runaway witch in their world called Agartha wherein magicians such like witches, wizards, mages, shamans, sorcerer's, warlocks, enchantresse's, summoners and everything magical are truly exist. But seems fate will never be i...
