Someone's POV
Mabilis kaming nakaalis sa Atlantis Magic Academy at makatakas sa kamay ng mga Royal Bearers. Palpak ang plano naming pagdakip at pagpatay kay Marliyah dahil sa pesteng mga Royal Bearers na'yan, kung hindi lang sana sila nakialam ay malamang sa malamang ay napatay ko'na si Marliyah.
Sugatan kaming bumalik sa kaharian ng Etheria at malubha ang natamo naming mga sugat, lalong-lalo na si Damon na halos hindi na namin makilala ang itsura dahil sa nasunog nitong katawan. Malas niya at ang prinsipe ng Findora Kingdom ang nakalaban niya.
Ang kasalukuyang tagapangalaga ng fire crystal. Alam kong napuruhan din ni Damon si Xyrell dahil nasaksak nito siya sa puso gamit ang sarili nitong dagger gamit ang mga needle strings niya, pero alam kong makakaligtas din siya.
Hindi naman sila makapapayag na mamatay nalang basta ang isang prinsipe, pero wala akong pakialam doon dahil ang tunay naming pakay ay dakpin at patayin si Marliyah. Ngunit palpak ang plano namin.
Kunot noong sumalubong saamin si Thanatos matapos niya kaming makita, alam kong alam na niya ang nangyari saamin at inaasahan na din namin ang mga sasabihin niya.
"Patawad mahal na Thanatos, nabigo kami sa pagdakip kay Marliyah." asik ko habang nakaluhod at nakayuko sa harap niya.
"Mga inutil! Hindi ba't kayong lima ang inatasan ko para dakpin si Marliyah dahil alam kong may laban kayo. Nagkamali lang pala ako ng akala sainyo! Mga wala kayong kwenta!"
Umalingawngaw ang boses ni Thanatos sa buong kaharian at ramdam ko ang galit niya dahil nabigo namin siya.
"Patawad mahal na Thanatos, nabigo kami dahil sa pakikialam ng mga Royal Bearers para tuluyang dakpin si Marliyah." sabi ni Night habang nakayuko din.
"Ang sabihin niyo ay mahihina talaga kayo! Alam niyong hindi ko pinagbibigyan ang mga mahihina gaya niyo hindi ba? Kailangan niyong maparusahan sa pagpapakita ng kahinaan. Ayoko sa mga inutil!" sigaw ulit nito at inilabas ang latigo niya at iwinasiwas sa ere at rinig namin ang lagapak nitong tunog.
"Shit, we're still weak and wounded. We can't let that take his anger, especially Damon, he's critical." bulong ni Raven kaya napakuyom ako ng kamao.
Wala akong ibang nagawa kundi akuin nalang lahat ang mali namin, i can still hold my pain better than them. Even though I'm tough outside I'd still don't want them to suffer anymore, besides I'm the leader in our group.
"Don't worry, ako ng bahala." sabi ko pero pinagkunutan lang nila ako ng noo.
"Stop being heroic, you knew Thanatos when he's angry." asik ni Zoila pero umiling lang ako.
"Zoila is right, it's our fault, walang sino ang dapat umako kundi tayong lahat. It's our mission but we failed, so we can taste his anger to us together." sang-ayon ni Night.
"No, just let me handle it. Isipin niyo din si Damon, kita niyo naman ang kalagayan niya. He's fighting between life and death, he needs immediate assistance." pagpupumilit ko at napatingin kay Damon na nakahiga sa lapag at naghihingalo.
"Please spare them my beloved Thanatos, I'll take their burdens, just let them spare..." bulalas ko at mas lalo silang napamura.
"Being brave and heroic huh? Sure, I'll consider your offer in behalf of your comrades." pagtanggap ni Thanatos sa sinabi ko at kita kong ngumisi siya kasabay ng paghampas niya ng latigo sa ere.
"Now leave before he changes his mind, i can really handle it. Go to Lady Helga, she can help y'all." sabi ko at ibinigay ang isang violet gemstone kapalit ng paggamot sakanila ni Lady Helga. Lady Helga was a dark sorceress who specializes in necromancy and healing magic.
BINABASA MO ANG
Legend of Agartha ✔️
FantasyMarliyah Lightgood is a runaway witch in their world called Agartha wherein magicians such like witches, wizards, mages, shamans, sorcerer's, warlocks, enchantresse's, summoners and everything magical are truly exist. But seems fate will never be i...
