10 /Elites/

5.8K 259 10
                                    


Marliyah's POV

"HEEYYAAHH!"

Malakas na humalinghing yung Obsidian Horse at nanglilisik na nakatingin saamin, walang anu-ano'y bigla itong sumugod sa gawi namin at buti nalang agad akong nakagawa ng barrier at napaatras yung kabayo sa lakas ng impact.

"Girls atras, palibutan natin yung kabayo. Ako ng bahala dito sa gitna!" malakas kong sabi at tumango naman si Melody at Scarlet at pumunta sa kaliwa't-kanang bahagi ng kabayo, samantalang ako ay nasa gitna.

"Everté Bombarda Statum!" Scarlet casted a explosive bomb towards the Obsidian Horse. Hindi nakailag yung kabayo kaya natamaan siya sa tagiliran.

Mas lalong humalinghing yung kabayo dahil sa atake ni Scarlet kaya siya ang sinugod nito, mabilis namang nakalayo si Scarlet bago pa siya masipa ng kabayo.

"Sonic Screaaammm!" malakas na sumigaw si Melody at nagkaroon ng sonic waves na tumama sa kabayo.

Napatakip ako ng tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Melody na halos mabasag na ang eardrums ko, nabulabog din ang ibang mga ibang hayop at nagsiliparan naman ang mga ibon dahil sa nakabibinging sigaw ni Melody.

Mabilis akong gumalaw ng mawala sa konsentrasyon yung kabayo kaya agad kong pinulupotan ang mga paa ng kabayo ng makakapal na baging. Nagpumiglas yung kabayo at kawala din sa baging.

Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang isang Obsidian Horse, nakakita na naman na ako ng iba't-ibang uri ng mythical creatures pero iba ang isang 'to, masyadong malakas at hindi tinatablan ng mga atake namin.

"Marliyah watch out!" rinig kong sigaw ni Melody atsaka mabilis na umatake yung kabayo sa gawi ko.

Nasangga ko ang malakas na sipa ng kabayo pero tumilapon din ako dahil sa lakas ng impact. I was about to hit the tree pero may dalawang bisig na sumalo saakin at hindi ako tuluyang tumama sa puno.

"Are you okay? Are you hurt?" tanong niya pagkatapos akong maibaba sa pagkakabuhat.

"No I'm okay, this isn't the right time to asked a question liked that Zach." sabi ko at na-gets naman niya ang punto ko.

Doon ko din napansin na kasama niya ang lima pang members ng Elites, napatingin sila saakin pero agad din akong umiwas ng tingin at hinarap yung kabayo.

"Liyah no! Stay back, kami ng bahala dito." pigil saakin ni Zach ng tangkain ko ulit na sumugod.

"But my friends." angal ko.

"No buts, kami ng bahala, just stay back. I'll get your friends." pilit niya atsaka sumugod doon sa Obsidian Horse at sumugod naman ang iba pang Elites.

Kita ko kung paanong inilayo ni Zach si Melody at Scarlet at dinala sa gawi ko at agad ding bumalik kung nasaan ang Obsidian Horse. Habol-habol ni Melody at Scarlet ang hininga nila.

"Hey! Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ko kila Scarlet at Melody.

"Y-yes, I'm fine." sabi ni Scarlet at napaupo pa sa putol na troso.

"I'm fine, did Zach literally saved me?" sabi ni Melody habang nakahawak pa sa dibdib.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na okay lang sila, hindi ko rin maiwasang umangil dahil kay Melody dahil nakukuha niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon, nasa bingit na kami ng kamatayan dahil lang sa isang malakas at mapanganib na kabayo. I know i can handle that obsidian horse by myself but Elites already taking that up.

'Naunahan lang ako'

Umiling nalang ako at tinignan ang Elites at si Zach na siyang leader ng grupo. Anim silang lahat at pinalibutan yung nagwawalang kabayo at anumang segundo ay pwedeng umatake.

Legend of Agartha ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon